Chapter 26

818 45 3
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW


        LAHAT ay nagulat ng makita ang mga kababaihan ng mga Ánthiszoún na sumusugod papunta sa direksiyon ng mga kawal ng Anthropoi of thálassas na ikinabahala maski ng Pinuno nito.

“Anong nangyayari at nagsi sugod ang mga kababaihang iyon?” may pagtatakang tanong ng pinuno ng mga Anthropoi of thálassas sa kaniyang kanang kamay.

“Mukhang hindi ho ito ang binabalak na mangyari ng kanilang pinuno dahil maski siya ay nagulat sa kaniya ngayong nasasaksihan,” paliwanag ng kaniyang kanang kamay.

“Kung gano’n...? Anong binabalak ng mga mahihinang nilalang na ito?” tanong niya sa sarili.

Hindi narin nag salita ang kaniyang kanang kamay dahil maski ito ay iniisip kung anong kahangalan ang ginagawa ng mga kababaihang sumusugod ngayon patungo sa kanilang mga kawal.


“KUNG gusto pala nilang mapaslang ay dapat na sinabi nalang nila sa akin para hindi na sila mag hirap!” may inis sa tonong sabi ng pinuno ng mga Ánthiszoún.

Siya ngayo’y sobrang nagagalit dahil sa iniisip niyang ‘kahangalang’ ginawa ng mga kababaihang kanayon. Iniisip niya na ang mga babaeng kinagagalitan niya ay ang mga kababaihang tulad ng dati na maihahalintulad sa isang alipin, mahina at hindi kayang ipag tanggol ang kaniyang sarili.

Patuloy siyang nag mamasid sa mga ito kahit gustong-gusto na niyang pag papanain ang mga babae sa sobrang galit.

At sa hindi kalayuan ay namasdan niya ang babaeng mapalad dahil sa pagiging parang malapit nito sa dyosang si Maya.

“Siya nanaman? Hindi naman kaya siya ang may pakana ng kahangalang ito?” napapaisip na tanong ng pinuno sa kaniyang sarili.

“Isang lapastangan talaga ang babaeng iyan!” may inis na sabi naman ng kanang kamay na si Ismael.

Hindi lubos maisip ng pinuno kung ano nga ba ang binabalak ng dyosang si Maya at ipinadala nito ang dalaga sa kanilang tribo.

Dahil sa pagkakaroon ng kawalang kaalaman sa ninananis ng dyosa ay nag kakaroon siya ng mga konklusyon sa kaniyang isipan, gaya ng; ‘Isang alagad ng dyosa ang babae na binigyan lamang ng isang misyon’ o kaya naman ay ‘Isang patibong lang ang babae at ito talaga ay alagad ng Dyosang Áplistos’ mayroon pa nga ‘Baka isa itong dyosa na nag anyong tao lamang at sila ngayo’y tinutulungan.’

Ngunit alam niya sa kaniyang sarili na hindi ganoon kakitid ang kaniyang isaipan para paniwalang isang dyosa ang babae dahil sa pananalita at kilos palang ay baka bumagsak na ito sa pagiging dyosa.

MULA sa pinupwestuhan na natatanaw ng dalawang pinuno matatagpuan ang mga babaeng nakahilera na nahahati sa apat hanay at ang namumuno nga rito ay ang babaeng dayo sa kanila na si Allisha.

Nakita ito ng mga kalalakihan na kawal mula sa dalawang panig ngunit hindi nila itinitigil ang kanilang pag tatalo dahil sa isang mata ay alam nilang maaari silang maunahan ng kalaban at sila ay mapaslang.

“KAHAMAHALAN, susugod na ba tayo?” tanong ng isang dalagang nasa likuran lamang ni Allisha.

“Saglit...”

“B-bakit? Kamahalan.”

“TANGINA! MAG HIWALAY NG DIREKSYON!” sigaw ng dalaga kaya agad na nag hiwalay ang tig dalawang hilera.

Matapos no’n ay biglang yumanig ang lupa sanhi ng pagka hinto ng laban, naalarma ang lahat pati na ang pinuno ng dalawang kupunan.

“Anong nangyayari?” tanong ng pinuno ng Ánthiszoún.

“Amain, halina kayo’t kailangan na nating umalis sa lugar na ito bago pa masira ang lugar nating ito,” naarmal ngunit pinipilit na pinapakalma ang sariling sabi ni Ismael.

Agad na sumunod ang pinuno at ang iba pang mga Ánthiszoún na nasa mataas na lugar na iyon na gawa sa kawayan.

Gaya ng pinuno ng Ánthiszoún ay gano’n din ang ginawa ng mga tribong mula sa Anthropoi of thálassas.

Hindi gaya ng pagka alarma ng mga kalalakihan dahil sa pag labas ng isang higanteng halimaw na nag mula sa ilalim ng lupa ang mga kababaihan ay nanatiling kalmado gaya ng naituro sa kanila ni Allisha na ang dapat na pagtuunan ng pansin nasa isang laban ay ang pagiging kalmado ng isip at damdamin para makahanap ng naaayon na pamamaraan sa pakikipag laban sa ano mang sitwasyong kakaharapin.

The ReincarnationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon