Kabanata 2

14 6 0
                                    

“Oh, miss..” Napasapo ako ng noo ito na ang pang limang beses na napadaan siya sa department namin at sa loob lang iyon ng iilang oras. Pilit akong sumiksik sa may gilid upang makapagtago kay Simon, feeling close siya hinatid niya lang ako noong isang gabi akala mo’y ilang taon ng magkakilala.

Ramdam ko ang pagtataka sa mga kaklase ko hindi naman gaanong sikat si Simon sa university pero hindi rin maikakaila ang charisma at kagwapuhang taglay nito, natural din ang pagiging mabasa sa mga tao kaya nakukuha niya ang mga loob nito.

I saw how he roamed his sight from outside until he saw me a wide grin stretch from his lip. Sinamaan ko ito ng tingin pero kinindatan lamang ako. “Kakilala mo?” Tanong ni Selene sa tabi ko, napailing ako ng mariin para itanggi. “Mukhang dito nakatingin e,” aniya.

I awkwardly acted kike innocent. “Baka sa iyo nakatingin?” I rebutted.

Her eyes widened and blushed, “t-talaga ba? Akala ko ako lang ang nakakapansing na kanina pa siya nakatitig sa akin..” Laglag ang panga akong nakikinig sa mga sinasabi ni Selene halos magprotesta ang mga kilay ko sa paraan ng pagkunot ng mga
ito.

At talagang cinareer niya naman ano?

Hindi naman siya ang tinitignan kundi ako.. Teka nga bakit nga ba masyado kong dinibdibdib ang maliit na bagay na ‘to? At saka pake ko ba! Nakasimangot kong itinuon ang pansin sa cellphone at hindi na nagtangkang lumingon pa sa bintana. Bahala na!

He smirked. “Huwag mo ako kukuyahin baka jowain kita.”
Napapitlag ako sa narinig. “A-Ang weird ko ba?” Pagkuwanay bawi niyang tanong, natauhan na sa mga pinaggagagawa.

I smiled politely. “Pasensya na marespeto lang naman ho ako. At saka hindi ho kayo type,” diretsahan kong sabi.

Madrama siyang napahawak sa dibdid umaktong nasasaktan. “Sayang naman,” bulong nito na hindi nakatakas sa matalas kong pandinig. “Paano ba iyan type kita magmumukha na naman akong tanga nito," my breath hitched at those words, wala akong ideya kung nagbibiro siya o nagsasabi ng totoo. I didn't had the chance to meet someone who's brave enough to voice out a matter like this.I pretended to be busy on my food, I heard him sighed. “Uh, a-ano ihahatid nalang kita..”

At lumipas nga ang ilang oras ng dumating ang prof namin. The class was going smoothly not until the recitation moment came, kabado kaming lahat halos mag rosaryo napara lang huwag tawagin maliban sa suprise quiz ay kinatatakutan din namin ang suprise recitation.

Baka ang dos ko’y maging tres. I was glad that I wasn't called, the period ended and another subject came and other until I forgot about him.
_____________

I remembered when I was freshmen.. I was wondering astray, bound to chose between not entering college and work until I earn or enter college and study... A rough decision indeed.. Many students were at this overthinking stage were in you need to lose and to gain, to sacrifice and to have privileges..

Being alone really is useful dahil hindi mo na kailangan pang maghintay ng kung simo-sino masamahan ka lang, eating at the karinderya nearby I continued to read my notes.. Kapag hindi ka nagbasa panigurado kabahan ka na, kapag nakadepende ka sa iba naku tigilan mo iyan, at higit sa lahat marunong kang makipagkaibigan... Gain connection, it will help you someday.

“Hi,” halos mabuga ko ang hinigop na sabaw ng bigla na lamang siyang lumitaw sa kung saan. Simon chuckled. “Sungit mo kanina,” komento nito.

Nakakunot noo ko siyang tinaboy, “hindi tayo close.” Ani ko, mas lalo itong nagsumiksik papalapit sa akin.

Nakangisi siyang sumagot. “Hindi pa ba ‘to pwede?” Aniya, “close na close na tayo oh..”

“Feeling close ka,” ani ko. “Hindi kita kakilala talaga minsan lang tayo nagkasama tapos ngayon...” Sinadya kong hindi tinuloy ang sasabihin nagdadalawang isip kung dapat pa itong iparinig sakanya.. “Pinagti-tripan mo ba ako?” Tanong ko, natigilan si Simon tila hindi inaasahan iyon.

Uso kasi ang pustahan sa bawat department tulad nalang iyong sa College of Law, pinagpustahan kung masasagot iyong basketball player ng isang linggo... At ayaw kong mangyari iyon sa akin. Ni wala nga akong balak makipaglapit sa kahit na sino.

Pekeng naubo ang lalaki, nagiging crowded na rin ang kainan dahil parami na ng parami ang mga estudyante. “Hindi ako katulad ng iba,”



“Narinig ko na rin iyan sa jowa nung seatmate ko noong niligawan siya tapos biglang niloko.”



“Hindi naman kita jojowain, makikipag-kaibigan lang..” Agad na bawi nito.


Tinapos ko ang kinakain bago tumayo at iniwan siya roon. Magulo siyang kausap, hindi mabigyang linaw kung ano ba talaga ang pakay niya. Sa engineering ang lalaki at sa accountancy department ako masyadong malayo ang building ng isa’t isa kaya malamang sa malamang ay parehas kaming walang ideya sa kung ano at sino kami. Masyadong suspicious.

Nilakad ko ang overpass dahil sa traffic nasa taas na ako ng hagdanan nang marinig ang sigaw nito, sinundan ako. Nagpatuloy, patay malisya kunwari’y hindi naririnig. Nagmumukha lamang siyang stalker siguro may kailangan talaga ito sa akin kaya’t ganito na lamang kapursigido.

Napapitlag ng maramdaman ang kanyang kamay sa aking balikat, “t-teka,” hinahabol nito ang hininga. “You misunderstood my intention!” Natataranta niyang ani.

Tinaasan ko siya ng kilay, nagpanggap na hindi interesado. “Kung ano man ang gusto mo, please lang huwag mo akong idamay.”

Ngunit hindi nagpapigil si Simon kahit nasa overpass ay ginawa kung ano ang kagustuhan, namamawis at tila natatakot hinawakan ang magkabila kong balikat pagkuwanay hinarap. Kagat-kagat nito ang pang ibabang labi. “I want to befriend you! You're the first person who made me feel like this! Alam mo bang hindi ako makatulog simula ng gabing iyon?  Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko iyong eksenang napanood mo! Nahihiya ako kaya gusto kitang kaibiganin!”


“Ang weird mo,”


“Teka! Aicia! Kaibiganin mo rin ako! Hindi ako mapakali e, pakiramdam ko tadhana na ang nagsasabing gumawa na ako ng paraan para mapalapit sa iyo! Aicia!”



Napangiwi, nasisiraan na ata siya ng bait. “Simon magpa doktor kana... Epekto ba iyan ng engineering?” Puno ng pangamba kong sabi.

Umiling ng mabilis si Simon, may ipinaglalaban talaga ang lalaki. “Ganito kasi Aicia, hindi ako stalker lalong hindi ako nakikipaglapit para pagtripan ka. Genuine person ako at saka honest. Gusto ko lang talaga mapalapit sa iyo..”

Pwes ako hindi. Ayaw ko at wala akong balak makipaglapit sa iyo. Tunog mang walang awa’y tinitigan ko si Simon muli ay umatras upang hindi tanggapin ang alok nito, ang mga balikat ay nagsibaba, mukha itong basang sisiw kahit na wala naman sa gitna ng ulan. “Iba nalang Simon,” dahil magsisi ka lang balang araw na pinagpilitan mong mapalapit sa akin.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon