Hindi siya seryoso. Ani ko sa isipan, tama ang hinala ko patungkol kay Simon baka nga kaya niya ako nilapitan noon ay dahil hindi sa aksidente kong nakita kundi baka..Baka sa pustahan o kaya trip niya lang ako.. Halos magda-dalawang linggo na rin ng hindi na siya nangulit ni ang aksidenteng pagkikita sa loob ng university ay hindi nangyayari.
Mas maganda na 'to at mas maayos. Maayos dahil hindi ko na kailangan pang ipagtulakan siya ulit, maganda dahil hindi na niya kailangang mag peke ng rason para lumapit sa akin.
"Mare may katingko ka ba?" Tanong ng seat mate ko para sa susunod subject at oo, minor pero lakas makapang wasak ng pangarap. Agad kong inabot ang nasabing gamit at laking pasasalamat naman nito.Hindi kagaya noong highscool na pulbo o liptint ang baon namin ngayong kolehiyo ay puro pang orasyon na ata katulad ng inhaler, katingko, salon pass at iba pang pangsuporta. Napatitig ako sa dumaan... Pagkalipas ng ilang linggo ay muli ko siyang nakita. Si Simon na nakasuot ng department shirt nila at nakikipagbiruan sa kasama.
Bigla akong nilamon ng hiya nang may lumapit na taga architecture department sa gawi nito, babae at masayang nagtawanan... Maganda, sexy, makarisma at higit sa lahat sa tingin ko'y bagay sila. Ano pa nga ba Aicia? Tama ang desisyon kong lumayo na habang maari.
Buntong hininga ulit ang pinakawalan at itinuon nalamang ang pansin sa trial balance na sinasagutan... Naalala ko nung highscool.. Galit na galit ako sa mga magulang ko kay mama na mahilig manumbat at hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong galit mula sakanya tuwing sinusubukan kong maging malapit kami kay papa na ang mga salitang lumalabas sa bibig ay masyadong mabigat kung pakikinggan.
Naalala ko tuloy iyong mga kaibigan ko raw. First year sa highscool dinistansya ko ang sarili sa lahat, noong second year naman nagkaroon ako ng mga kaibigan pero pakiramdam ko hindi ako belong at nang tumuntong ng third year ako mismo ang dumistansya ulit.. Nakakilala naman ako ng mga kaibigan sa una hindi maganda ang naging relasyon namin pero gumanda ng gumanda hanggang sa maging fourth year, hindi ko alam kung bakit makikilala ko sila, aalis o iiwan tapos ang maiipon lang sa akin ay sama ng loob. Kaya noong tumuntong sa kolehiyo pinatili kong maging neutral. Walang malapit na kaibigan dahil alam kong mauulit lang sa umpisa.
Galit ako sakanila, galit ako sa sarili ko, galit ako sa mga magulang ko at higit sa lahat galit ako dahil nabuhay ako.
Ang hirap maging malaya.
Dahil sarili mo lang ang kalaban mo... The boring day continued it felt like I was watching a movie and it kept repeating countless of times.. Lunch break came, I saw him again but this time he went closer to my table.. Simon glanced at me and suddenly, my heart thump faster... He waved his hand and gave me a salute after weeks...
I was about to tell him something when I heard someone... Sa likod ko, a bitter smile crept on my lips. Hindi pala ako ang kinawayan nito kundi ang nasa likod ko..
Again, it felt odd.
__________
Sa mga sumunod na araw ay ganoon uli. Palagi kaming nagkikita at kung minsan ay pumapasok siya sa classroom namin pero alam kong hindi ako ang sadya nito, he had a friend on our class that's why. Holding my accounting books as I wait for a jeepney, I stared at the dark sky filled with heavy clouds. Securing my beloved books the rain poured down.
Napatulala ako, nakatitig sa bawat patak ng ulan.
"Aicia are you sure to cut your hair?" My mother asked.
Gulping, accepting my faith I nodded. "Yeah," as I held the pair of scissors and started to cut my long hair. Staring at the mirror my eyes reflecting with sadness. I accepted the truth.
"Mahal ang libro," boses iyon ng lalaking ilang araw ng ginugulo ang isipan ko. Hawal ang kanyang payong ay nilapitan ako nito. "Magkakasakit ka," he looked so serious unlike the cheeky side of him. "Aicia, ganoon mo ba talaga ako hindi kagusto? Masyado ba akong feeling close o masyadong nakakairita?"
I blinked multiple times as his words processed on my mind. "Ah?" I gasped.
Simon pouted and frustratedly looked away. "Ang sabi ko hindi mo ba ako type kasi masyado akong maingay o clingy?!" Nakapikit na ito habang inuusal ang mga salitang iyon. No, I didn't fully believed what I'm witnessing that's why I just stood there like a statue. "Ang sabi ng kaklase mo ayos naman daw ang pakikitungo mo sa iba kahit nga lalaki e. Pero bakit sa akin parang isinuka ako sa basura kung pagtulakan mo ako? Ang sakit Aicia, nakikipag close lang e!" Reklamo niya.
Imbes na magtuloy-tuloy ang seryosong usapan ay nagkalihis-lihis na ang tunay na pakay dahil sa mga walang kwenta niyang alalahanin. I shrugged my shoulders off. "I thought you befriend me because of bet or something.." Simon dropped his umbrella. Nabasa ito sa ulan. "Simon!" Sigaw ko kaya natauhan ito, nabibigla.
"Pustahan?! Hindi ako ganoon kagago para lapitan ka at sirain ang buhay mo!"
"I saw you with the notorious fraternity..."
Natahimik siya, "hinuhusgahan mo ba ako dahil doon?" Ngayon ay ako naman ang nabibigla.
Hindi ganoon ang intensyon ko. At mukhang parehas naming hindi naintindihan ang gustong pahiwatig.Truthfully, "I'm afraid. Takot ako na baka ganoon nga," ani ko.
Napahilamos si Simon. "Ang nega mo.." Bulong niya, "hindi ako ganoong tao nasa frat man ako, honest ako at genuine..." Humaba lalo ang nguso niya, "baka nga ikaw ayaw mo sa akin e..."
Nanungot ang aking noo. "Medyo,"
"Aray naman! Sobrang honesty naman.." Natawa ako at medyo gumaan ang loob pero naroon pa rin ang kuonting pangamba sa maaring mangyari. Sinamahan ako ni Simon sa paghihintay ng jeep hindi ko kasi tinggap ang payong na inaalok nito.
It was fun talking to him while the time passed. Simon is talkative that's why we didn't run out of topic to tackle. He told me about his engineering experiences even his fraternity... He was so fun to be with and I didn't felt I wasn't out of place.
Hindi ko namalayang pati ako ay unti-unti ng nagkukwento patungkol sa mga bagay-bagay bigla akong nadala sa bawat salita niya. Ramdam kong nakikinig talaga ito at interesado na siyang ikinapayapa ng pakiramdam.
The clouds made way for the sun to raise until the rain stopped... Simon and I had our laughter on the place, our conservation was much longer than expected. It was memorable.
BINABASA MO ANG
Blinding Lights
General Fiction[FIN] Being a college student is tough. You're now at a level of your life where you could be a light for someone else however, Aicia Gueco a third year BSA student is sailing without any direction on life. Afraid of rejections, afraid of criticism...