Kabanata 4

8 6 0
                                    

“Hoy!" Sigaw ng kung sino sa likuran ko at nang harapin ko ito'y ganoon na lamang ang aking gulat. "Ai!" Aniya at sinugod ako ng mahigpit na yakap.

Carlos Teaño!

Nakangisi ko siyang ginantihan ng yakap. "Hoy! Long time no see!" Galak kong ani. Para kaming mga batang binigyan ng pamasko at dapat paghatian, ilang taon na rin kaming hindi nagkita at ang huli ay hindi ko na gusto pang talakayin.

Carlos smiled at me his sultry eyes were the same giving this kind of feeling. Talking about it Carlos is a aspiring writer; an anonymous one. Noon palang ay mahilig na itong magsulat kaya hindi na ako nagtaka ng kumuha ito ng course na naka align sa pagsusulat. He wasn't that famous but his time will come, I'm sure of it. Lalo na't malalaki ang potensyal ng mga nobela niya!

We talked about certain things until noon came and we decided to eat at our favorite tambayan when we're young. Ordering our lunch Carlos asked me a favor if I could criticize his newly published story.. It's about a guy who's been secretly in love on his friend, the plot was like this guy is deeply and madly in love, they got together but an unexpected mistake made them a part. The guy impregnate the girl and because it's a teenage pregnancy it's hard to make decision.

Patuloy lang ako sa pagbabasa. Hook na hook ako sa istorya niya na hindi ko mapigilang mapaluha sa bawat eksena.. Iniwan ng babae ang lalaki pagkatapos manganak pagkuwanay naging teenage single dad ang bida hanggang sa dumating sa puntong namatay ang anak nila.. I continued until I reached the end at first I thought it was a clichè story, a common one but the concept grows the more you read it and without knowing hints and the main plot will shocked you.

Dumating na si Carlos dala-dala ang mga inorder namin. Napahampas nalang ako ng mahina sa braso niya habang sumisinghot habang ito'y napapailing nalang sa aking reaksyon.

"Balang araw magiging best selling author ka.." Ani ko, "grabe todo iyak ang inabot ko. Gusto kitang murahin kaso pinipigilan ko nalang," ginulo ni Carlos ang buhok ko.

"Sana nga magdilang anghel ka."

"Anghel naman ako. Gusto mo ibulong ko kay lord?"

"Heh,"

Nilantakan ko ang chicken wings masarap kumain kapag may kasama at syempre kung may baon na kwento bukod sa nakakagana hindi ka kaagad mabubusog dahil hindi mauubusan ng kwento. Ang masayang pananghalian ay naudlot ng sunod-sunod na nagsulputan ang mga notification sa cellphone ni Carlos.

Sumusubo pa rin, "tignan mo na," pag-uudyok ko.

Wala itong nagawa kundi sumunod. "Dating app?" Patanong nitong ani, "kailan pa ako nagdownload ng dating app?" Maging ako'y nagtaka na. Ibig sabihin dating app iyong tumutunog? Kailan pa siya nahilig sa dating app? Si Carlos na kaibigan ko?

"Oh, naghahanap ka ng magiging jowa mo?" Agad na namula ang kanyang mukha. "Carlos, ah!"

"Hindi! Siguro dinownload lang ito ni Carl kaninang umaga!" Si Carl ang nakakabata nitong kapatid na nasa senior high school, "at saka hindi ko na kailangang pumunta pa sa dating app para maghanap. Marami naman sa paligid!" Reklamo nito.

"Weh?"

"Oo nga, kung gusto mo ik----" ang sasabihin sana nito at biglang nabitin. Nilunok ang bawat salita na para bang hindi iyon kasama sa isang kwento.

Pinakatitigan ko siya, "ako?"

Umiling si Carlos habang nakaiwas pa rin ang tingin. "W-Wala," kung sabagay baka hindi naman iyon importante.

"Pero para saan iyong notification?" Tanong ko.

Ilang beses na nagpakawala ng buntong hininga si Carlos bago sumagot. "Iyong sutil kong kapatid niregister ang pangalan at cellphone number ko sa dating app." Bakas na bakas sa mukha niya ang pagiging problemado. "Ngayon iyong administrator ng dating app pinares ako sa isa pang nakaregister at bukas may meet up... Shuta,"

M...Malaking problema nga.

Hindi ko matiis na ganito ang sitwasyon ni Carlos. "Samahan kita bukas?" Pagpriprisinta ko na nakapagpaliwanag sakanyang mga mata.

"Sure ka?"

"Saan ba?"

"Seventeenth street,"

Ang yaman naman ng meet up place nila. Sa kilalang lugar pa talaga siguradong butas ang bulsa ni Carlos pagkatapos nito. Inisip ko rin dati kung kailan ako makakadalaw doon maliban sa pang socialite ang lugar ang mamahal din ng mga bilihin na akala mo tumatae ka ng ginto.

Iyong presyong katumbas ng isang kidney!

____________

"Oh," iyon nalang ang nasabi ko ng sa wakas ay dumating na ang ka date ni Carlos. Nananapak ang height nito, naglalaban ang pormahan at higit sa lahat hindi ko inakalang ganitong itsura ang tatambad sa amin. "Ganito pala ang type mo," bulong ko na hindi nakatakas sa kanyang pandinig.

"Tangina! Mali iniisip mo!" Full of panic he said. Carlos and I was seated on the table while waiting for his date partner and the moment the person stood on our front, my mouth fell.

Paano nga ba nangyari sa ganitong sitwasyon?

Alas otso palang ng umaga ay nasa seventeenth street na ako kasama si Carlos na naghihintay sa kanyang kadate. Nanghihinayang akong mag-order pagkakita ko sa presyo ng mga beverages bigla na akong nakontento sa patubig-tubig. Isang maliit na baso lang ata ng kape nagkakahalaga na ng 150.

Huwag nalang pala.

Nakatulala ako sa may malaking glass door, ang tagal naman. "Nasaan na kadate mo?" Aligaga namang chineck ni Carlos ang cellphone pagkuwanay umiling. "9:20 na," sambit ko.

Napakamot batok si Carlos. "Sabi sa iyo mag-order ka na libre ko naman."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sabi naman sa iyo pwede mo naman akong ilibre sa may tusok-tusok basta 'wag dito feeling ko kapag bumili tayo rito itatae ko ng ginto. Ang mamahal kasi."

"Afford ko naman,"

"Ikaw lang ako nga iyong tiyan ko baka mabigla hindi kasi sanay sa pang-mayaman."

Nagkanya-kanyang mundo na naman nabalot ng nakakabinging katahimikan hanggang sa pumasok sa glass door ang nasisigurado kong pamilyar na lalaki. Si Simon! May date rin ba siya?

Pero ang katanungang umiikot sa isipan ay biglang nawala ng mapansing paparating siya sa gawi namin hanggang sa roon nga'y tumigil ito, nag beep naman ang hawak na cellphone ni Carlos. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa gawi nila.

Huwag mong sabihing...

"Fuck, hindi ko alam na lalaki pala!" Gulat nitong ani. Natulala silang parehas.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon