Kabanata 7

7 5 0
                                    

Inayos ko ang suot at saka napatitig muli sa magulong estudyanteng nagkanya-kanyang sayaw sa dance floor. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko, bagot at inaantok. Bakit ba kasi pumunta pa ako rito? Para saan nga ulit?

Nilibang ko ang sarili sa panunuod sakanila may mga tawanan, harutan at iyong iba ay napapa sentimental sa kanta. Doon na pumasok sa isip ko ang mga realisasyon mga kumpol ng mga tanong at bakit na nahulma sa aking isipan.. Matagal ng nawala sa akin iyong takot na mapag-iwaman tipong mag-isa at walang masandalan. Wala na sa akin iyon pero minsan, naiisip ko na medyo malungkot pala. Lalo na kapag ang mga realisasyon na iyon ay may kaakibat na pagsisisi.

“Lalim ah..” Naudlot ang malalim kong pag-iisip ng may tumabi sa akin. Sapo-sapo nito ang pisngi ng kanyang palad habang nakapatong ang siko sa mesa bahagyang iginalaw ang ulo at mataman na nakatitig sa akin. “Boring no?” Tanong niya ulit.

Tinitigan ko siya bakit sa tuwing nalulunod ako sa mga iyon ay lagi siyang lumilitaw na para bang nagsasabing ‘wag akong patangay sa alon... Na huwag hayaang mawala ang sarili, “gusto ko nang umuwi.” Pagsumbong ko kay Simon, nangunot ang noo niya. “Walang nang-away o nambastos sa akin.... Basta gusto ko ng umuwi.” Dahil wala naman akong gagawin kundi manood at makinig sa mga masasayang karanasan ng iba.

Inilahad nito ang kamay sa akin, “sayaw tayo?” Anyaya nito kasabay ng panibagong kanta. Mas dumami ang mga magkaparehang tinahak ang dance floor. Bago pa man ako makapagsalita ay marahan nitong kinuha ang kamay ko’t iginaya.

Kunot noo ko siyang hinarap, “hindi ako marunong sumayaw! Simon ano ba?!” Ani ko.

Malapad ang ngisi nito, “for memories lang. Huwag kang mahiya kapag pinagtawanan ka kasama mo ako roon. Ayos lang din na apakan mo ang paa ko. Mag-enjoy ka lang, Aicia. Walang masama roon.” Bumaba ang kamay nito sa bewang ko ngunit hindi idinadampi ang kamay doon. Para bang hinihintay ang pahintulot kaya ako na mismo ang kumapit sakanya, nakakahiya kasi nakatayo lang kami habang on-going iyong kanta.

Ayaw kong mapuna!

Walang salita akong namangha sa pag-gabay sa akin ni Simon. He's like a professional dancer from rotation and all. Lahat ata ng dance step ay siya ang gumawa habang ako’y nakatanga at hindi sinasadyang naapakan ang paa nito. Our rythm synchronized with the song. I didn't notice the enjoyment plastered on my face as we dance.

“Simon!” Mahina kong tili ng iniikot ako nito sabay hinawakan ang bewang upang tulungan sa pagbalanse. I could feel my palms sweating it feels like forever..

At the chorus we swayed like no one's business. Both panting with a smile, I couldn't give a damn on everyone. I was just focused on dancing.. Making me feel like refresh. Hinapit niya ang bewang ko papalapit sakanya hanggang sa pagtapos ng kanta ay nakatitig kami sa isa’t isa.

Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa aking mukha. “Enjoy lang lagi, Aicia. Wala namang masama dumepende kahit kuonti.” Bulong niya.

Umiling ako, “I will always lose something.”

He smiled. “You won't lose me because it's my decision to always stay.” And it will be painful seeing you walk away because you couldn't handle the pain I'll cause you.

Nag-aalinlangan, natatakot, at nalulungkot na sumubok ulit. “Trust me. Sa una lang masaya..” Bitaw ko sa mga salitang iyon.

Blinding LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon