Chapter 2

516 92 58
                                    

"Sweeeeet"

"Deliciousss"

Nalipat ang atensyon ko kay klasmet Boy Candy Crush mula sa ginagawa ko.

"Diviiiineee"

Naka-manyak expression nanaman.

"Sugar Crush!"

Parating ganyan mukha niyan pag naglalaro ng Candy Crush. Kahit gulpihin mo, hindi matitibag. Adik eh. Mukhang ayos na rin ata sila ni girlfriend niya. Nadaanan ko kasi sila minsan, sabi ni babae, "BAKIT MAY FRIEND REQUEST SA NOTIF MO YONG EX MO?!!" kaya trending patayan sa Facebook eh.

"ACHOO!"

Naagaw naman ngayon ni klasmet Alikabok Queen ang atensyon ko. Mukhang may nabitkima nanaman. Si Alikabok Queen, klasmet kong panay pulbos. At kung makapulbos pa, kala mo smoke bomb ang hawak. Kamuntik pa 'kong mamatay minsan. Nabilaokan kasi ako sa cafeteria. Nong patakbo akong kukuha ng tubig, nabangga ko siya at tumalon sa mukha ko yong pulbos. Napahilata ako sa sahig. Hindi ko alam kung sa bilaok ba ako mamamatay o sa kahihiyan. Hindi na ako lumapit pa ulit sa kanya. Di na rin ako bumalik sa cafeteria.

"Ok, so that's it. Don't forget to get your fact sheets in my office. Get out." paalala ni Sir. Algebra bago kami palayasin.

Agad kong tinupi ang drawing kong linagdaan ng Myst at nilagay ng palihim sa bag ni klasmet Girl-sapi, kaklase kong kala mo inaatake ng-epilepsy tuwing sinasapian ng kalandian.

Madalas kong iguhit ang back view ng kung sino mang naka-upo sa unahan ko at ibigay sa kanila ng palihim. Baka sakaling pag nakita nila, mabighani sila tas mae-excite sila, tas magwa-wonder sila tas sisikat ako. Pero dahil ayoko ng atensyon, hindi ko sasabihing ako yon. Pa-mysterious ba. Yong ganon..

As if.

Likod lang kaya kung i-draw.

Para pang kalmot ng pusa.

Tatapon lang nila yon.

Dagdag basura.

Masisira ko pa environment.

Dadagdag pa 'ko sa global warming.

Nagsayang lang ako ng buhay ng puno sa papel na ginamit ko.

Napakauseless ko talaga.

Isa akong malaking kahihiyan sa sanlibutan.

Hindi ko na hinintay reaction niya. Lumipad na ako palabas.

Sinalubong naman ako agad ng preskong simoy ng hangin pagkalabas ko ng Math Building. Dinama ko ito ng bonggang-bongga tsaka siningot ang mala-tropical na simoy nito. Kaso bigla naman akong napa-ubo nang mahaluan ito ng usok ng sigarilyo na feel na feel na binubuga nong lalakeng mukhang impakto sa may gilid ko. Umalis na 'ko bago pa 'ko makasuhan ng frustrated murder tsaka nagpatuloy sa susunod at huling klase ko.

"Aray!" himas ko sa noo. Naisahan nanaman ako nong lintik na sangang yon. "Ay!" Napatid pa 'ko sa sarili kong paa.

"Ba't nasa cafeteria ako?" puna ko.

Kahit ilang weeks na 'kong freshmen dito, madalas pa rin akong maligaw. Hindi ko kasi makabisado yong mga classrooms ko at wala rin akong kaibigan o kakilala na pwede kong makasabay. At kung meron man, hindi rin ako lumalapit.

Combination ata ng Introversion at Prosopagnosia ang dahilan kung bakit wala akong ni-isa mang kaibigan. Hindi ako pala-imik kaya madalas akong tahimik sa usapan. Hindi rin ako makakilala ng tao kaya madalas snob ang labas ko. Akala ata nila suplada ako pero ang totoo, awkward lang talaga ako.

Umikot ulit ako hoping na tama na ang daang tinatahak ng wonder feet ko. Napansin kong maambon na pala. Lintik, mas lalo lang akong aantukin nito eh.

"Naku, cafeteria nanaman. Ini-engkanto na yata ako."

Napakarami pa namang malalaking puno dito sa Mainland State University. Dagdag mo pa ang lawak at mala-century old na history. Pero gustong-gusto ko dito. Hindi dahil sa masipag akong mag-aral, kundi dahil sa pagiging dakilang tamad. Sa ganda ng sorroundings at refreshing na ambience, parang kahit saan pwedeng matulog. Parati ring forest adventure ang pakiramdam ko tuwing naglilibot. Napapalibutan kasi ng neatly-trimmed na gubat ang buong university. Ideal para sa camping, nature trip or kahit pa plain exploring lang.

Hindi lang din basta University, State University na may sariling Mini Golf Course, Function Halls, Gymnasiums at isang katirbang Theaters, Restaurants at sari-saring businesses. Maco-consider mo na ngang parang maliit lang na city ang lugar na 'to sa sobrang lawak eh.

Bawat colleges rin, may sari-sariling department sa sari-sarili nilang buildings sa sari-sarili nilang location. Kung galing kang Humanities at lilipat ng classroom papuntang Computer Lab, it'll take you several minutes to walk. Mas matagal kung pa-slope pataas ang direction mo, kakadislocate ng limbs. Pero syempre, may option din, kotse. Kung wala eh di pagsipagan mo nalang magmaneho ng sapatos mo.

"Tabi-tabi po." Lilingon na sana ako para tumakbo kaso hindi ko naramdaman, may tao pala. Hindi ko na-estimate ang pwersa ko. Sumobra sa impact kaya bumagsak kami.

Tumayo ako agad pero hindi ko siya inalalayan. "Sorry! Sorry!" Hinintay ko lang siyang tumayo mag-isa. "Okay ka la-"

Natigilan ako. Sabay pagpag niya sa denim jacket niyang napapalooban ng isang graphic t-shirt ay ang tila pag-slow motion ng paligid.

Una akong napatitig sa piercing niya sa kaliwang tenga.

"Ugh." Maputi siya.

"Great." Makinis ang balat.

"Dammit." Mala-pinkish white glow.

Flowerboy.

"Hoy, ikaw!" Napabalik ako sa realidad nang bigla niya 'kong tawagin.

Tinuro ko sarili ko.

"Oo ikaw!"

Para tuloy akong may naalala sa tabas ng dila niya. Hindi ako sigurado pero parang narinig ko na yon.

Kinabahan ako nang senyasan akong lumapit. Hindi ako gumalaw kaya napilitan siyang humakbang patungo sa 'kin. Umatras ako kaya napahinto siya.

"Hoy!" turo niya. "Don't you dare run."

Humakbang ulit siya kaya umatras din ulit ako.

"Stop."

Humakbang ulit sabay atras ko rin.

"Stay there."

Dinoble niya ang hakbang, sabay doble rin ng atras ko.

Napapikit siya sa inis. Akala ko magsasalita ulit siya kaso bigla siyang humakbang ng maraming beses. Nagulat ako kaya naparami rin ako ng atras. Ang mga hakbang niya lalong bumilis hanggang sa nauwi kami sa habulan.

"Stop right there!" sigaw niya.

"Hindi ko talaga sinasadya! Sorry!" sigaw ko rin.

Kung saan-saan na kami napadpad. Nakahanap ako ng pwedeng pagtaguan kaya natakasan ko siya. Late na din ata ako. Wala na akong pakialam, uuwi na ako. Gutom eh. Antok pa.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Mindanao State University po ang ginamit kong setting at gagamitin pa para sa university nila. Pinalitan ko lang ng Mainland yong Mindanao baka kasi may mag-reklamo hehe.

Fictional lang din lahat ng nandito maliban sa itsura ng campus kaya wag kayong masyadong magtataka kung may anomalya mang susulpot. (= ̄▽ ̄=)V

Salamat sa oras! Sana magpatuloy pa kayo!

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Credits to jinbeans for the previously super cute cover, thank you!

That Introvert's Approach (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon