Waaaahh sarap talaga ng buhay pag alam mong holiday at walang pasok..
Yon ay kung hindi lang sana ako nandito sa classroom na nakikinig ng maalaala mo kaya ni Cleopatra. Paki ko ilang kalaguyo meron si Cleopatra? Naisip ko tuloy, hindi Scholar ang dapat itawag sa mga Historians, dapat Chismistorians.
Nasa bandang likuran ako nakaupo kung saan malapit sa bintana, kaya naman hindi lang ang mga klasmet kong uhugin ang sakop ng antennae ko, kundi pati na rin ang golf course na ngayon ay nakikita kong bina-virusan na ni Kit kasama ang mga alagad niya.
Panira. May kalsada, sa damo dumaan. Appreciate ko pa kung kambing.
Si Kenneth Briones o mas tanyag sa tawag na "Kit" ay boypren ata ni Jemma. Ewan ko kung anong status meron sila dahil sa tuwing nagpa-parachute ako ng usisa, ang tanging naririnig ko lang sa kanya ay 'Baka'. Kalabaw nalang sana isagot niya para maiba naman.
"That's Kit right? Oh so yummy.." malanding pahayag nitong babae sa unahan ko.
You mean Yucky?
"Duh, off course. Who else would look sexy with bandages on?" malandi namang sang-ayon nong katabi niya.
Sexy na pala tawag sa mga tikbalang ngayon.
Yoko kay Kit. Bukod sa asal impakto na trato sa 'kin, gangster pa. Lapitin ng gulo, liparin ng mata. Chinito kasi, kahit hindi naman. Sadyang singkit lang talaga siya. Kaya nga SingKIT tawag ko don eh.
Pero kahit screaming wild pa ang china phone na yon, boto pa rin ako sa kabayong yon. Since 2nd year highschool pa ata kasing hinahabol ng oranggutan na yon si Jemma. Hanggang ngayon, ganon pa rin ang damulag na yon. Kahit gangster pa ang balasubas na yon, hindi babaero ang aswang na yon. Totoo nga talaga siguro yong mga pirated gangster DVDs na tinatawaran ko kahit limang piso ang bawas. Kapag daw ang gangster, nainlababo, loyal hanggang burol.
Nang matapos sayangin ng aming guro ang holiday ko sa kalandian ni Cleopatra, agad akong nagtungo sa lugar kung saan naghihintay ang kaisa-isang Durian Juice-ko. Pagdating ko ron, wala na pala siya. Napayuko nalang ako. Mabuti nalang at may dala akong substitute, Durian candy.
Masyado atang natakot sa excitement ko ang candy kaya bigla itong lumipad ng apat na kilometro palayo sa golden hands ko.
Nang akmang hahablutin ko na, nakarinig ako ng andar ng something dahilan upang mapalingon ako sa pinanggagalingan nito at nakita kong may motorsiklong simbilis ng fighter plane ang lumiko patungo sa lugar ko.
Nanigas ako sa position kong naka-squat. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ako maka-react. Naglo-loading pa ang nagla-lag kong utak. Tumalon kaya ako sa gilid?! Pero saang gilid?! Tatalon ba ako sa kanan?! Paano kung sa kanan siya lumiko?! Sa kaliwa kaya?! Risky din yon eh!
Nakikita kong sinisenyasan akong tumabi nong driver na naka-itim na helmet at nakaitim na over all japorms with matching black gloves pa na kung titingnan mo eh mala photoshoot ang angle. Pero bago pa man ako makabalik sa realidad, lumiko siya bigla, na sa tingin ko ay ginawa niya para iwasan ako, dahilan upang tumalsik siya palayo sa motorsiklo niya at magpagulong-gulong ala action-star-style sa katabing damuhan.
Napahiga siya at napa-bulate sa damo habang marahas na hinihimas-himas ang kanang braso. Ako namang naka-squat sa kalsada, nakanganga lang.
Nang matauhan ako, agad akong tumakbo papunta sana sa kanya pero bago pa man din ako makalapit ay bigla siyang tumayo at mukha atang lulusubin ako. Napabaliktad tuloy ako ng lakad.
Hinawakan niya ang helmet niya tsaka iyon tinanggal at binagsak nang pagka-bonggang-bongga sa kongkretong daan na siya namang dahilan para mapatalon-talon at magpagulong-gulong ang shiny helmet na mukha atang mahal ang sanla. Magkano kaya yon sa eBay?
"BALAK MO BA TALAGA AKONG PATAYIN HA?!"
Tumirik bigla ang utak ko nang malinawan ko ang itsura niya. Maputi siya at makinis ang balat, mala pinkish white glow. Bagay lang din sa Flowerboy look niya ang piercing niya sa kaliwang tenga. Pawisan pa, kala mo hinugot sa pinagsamang commercial ng Sprite at Axe.
"HOY RAMIREZ! ANO BA TALAGANG PROBLEMA MO HA?!" sigaw niya sa mukha ko.
"Oh? Kilala mo 'ko?" parang may biglang kumalabit ng utak ko. May parang nagsasabi sa 'kin na dumaan na sa mga tenga ko ang tabas ng dila niya.
"ARRGHH!!" ungol niyang pagkalakas-lakas tsaka marahas na ginulo-gulo ang buhok. Mas lalo lang atang bumagay.
"Magka-"
"MAGKAKILALA TAYO! AKO SI JULIAN PEREZ! JULIAN PEREZ!!" buga niya ulit sa mukha ko.
"YONG PINAGMUKHA MONG SIRA SA KAHAHABOL SAYO!!" napatingin-tingin ako sa magkabilang panig namin.
"YONG PINAHIYA MO SA KLASE!" Good. Walang tao. Buti holiday.
"YONG PINALIGUAN MO NG SEWAGE!!" buti na rin at nasa matagong lugar 'to para hindi masyadong agaw pansin ang eksena namin.
"YONG PINA-HOLDAP MO!!" wait.
Wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya pero yong naholdap, siya yon?! Nanlaki ang mga mata ko, akala ko hindi ko na siya makikita pa forevermore.
"WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU?!"
Biglang naagaw ang pansin namin nang may biglang sumigaw sa di kalayuan. "Boss! Dito!"
"Great." reaksyon ni Holdap Boy tsaka tumakbo sa nakahandusay niyang motosiklo na mukha ring potential carnap victim.
"Grab my helmet!" pasigaw niyang utos habang pinapaandar ng marahas ang motorsiklo niya.
"Ayon siya!" napalingon ako sa boses.
Isa, dalawa, limang bilyon.. ANDAMI NILANG NAKA-ASIM ANG MUKHA!!
"Hurry!" tarantang sigaw ni Helmet Boy na ngayon ay nakaparada na sa harap ko. Agad kong inabot sa kanya ang helmet dahil mukha atang kaillangan na niyang sumibat sa lalong madaling panahon.
"What the hell are you doing?!"
Nagsu-swimming. Obvious ba? Inaabot sayo helmet mo oh.
"Sakay!" anyaya ni Action Star boy tsaka biglang sinaksak sa bungo ko ang helmet. Na-wendang tuloy ang bangs ko.
"Hurry up!"
NO WAY KOKEY.
Hindi ako sasakay. Ni hindi nga ako marunong sumakay ng bike eh, umangkas pa kaya sa motor?
"SA-KAY." napanggilagid siya ng banta tsaka ako napaurong sa sindak.
"Sasakay na, 'to naman."
BINABASA MO ANG
That Introvert's Approach (#Wattys2015)
AcakAyokong may kasamang naglalakad, "Eh sa doon din punta ko eh." Ayokong may kasabay umuuwi, "Sa iisa lang tayo ng subdivision eh." Ayokong nagsisilabas ng bahay, "Pag ininjan mo 'ko, makikikain ako sa inyo." Ayokong tinatawagan ako, "Nakakaloka na ya...