Chapter 3

528 88 58
                                    

~♪ Op-op-oppa Gangnam Style! Eeeeyyyy Sexxy Laaady! ♪~

Shit. Umaga na ata.

Inabot ko phone ko tsaka nag-set ng another 5 minutes.

Pagkurap ko, ayon na.

"SUMABOG KA SANA."

Hindi ako morning person kaya sa umaga, para akong walking dead.

"Morning Mamay! Hi Cello!" bati ni Jemma, pinsan ko sa father side. Matagal na siya sa 'min, parte na ng pamilya kaya nakiki-Mamay at Papay na rin.

"Sisipain kita.. sa mukha.." tugon ko tsaka bumagsak ang ulo sa platong sinigurado ni Mamay na wala pa munang laman.

Walang sino mang nagtatangkang kumausap sa 'kin sa umaga. Public knowledge na ata siguro sa kanilang beast mode ako pag hindi pa gising.

"Morning." nakangiting bati rin sa kanya ni Mamay tsaka inalis ang plato sa mukha ko.

Pinilit kong umayos ng pagkakaupo kaso bigla namang tumaob yong silya ko kaya napayakap ako sa sahig. Kung may forever man, ito na yon.

Narinig kong humagalpak ng tawa si Jemma. Si Mamay naman, hindi ako pinansin. Tumawid lang sa likod ko. Sanay na ata.

"Ay! Ma'am Cello, ok lang kayo?!" pansin naman sa 'kin ni Jan Di, kasambahay naming adik sa Boys Over Flowers. Esperanza talaga pangalan niyan kaso hindi ko maisaulo, kaya Jan Di nalang.

"Jan Di." tawag ni Mamay na nahawa na rin sa 'kin. "Pakikuha ako ng isa pang plato."

"Ay, right away po Madam!" sagot niya tsaka ako iniwan sa sahig. Inangat ko kamay ko, "AY!"  kaya napa-swimming siya papuntang kusina.

Gumapang ako hanggang sa maka-akyat sa silya. Napansin kong panay ilaw ng smartphone ni Jemma, mukhang inuulan nanaman ata ng bati sa umaga. Tanyag kasi yan. Sikat nong highschool, campus royalty pa ngayon. Daming pumuporma, artistahin eh. Friendly, sweet, charming. Basta, walking cliche yan.

"Good morning." bungad ni Papay. Kakarating lang niya kagabi galing Cebu. Don kasi na-assign ang opisina niya kaya madalang ko na siyang maanino sa bahay. Hindi rin naman ako mawala sa kwarto kaya hindi ko na matandaan nong huling beses ko siyang naka-usap.

"Hi Papay!" salubong ni Jemma. Tumayo siya tsaka umakap at nag-beso. "How was Cebu?"

"Slow progress." sagot ni Papay sabay iling. "Mural nalang kailangan para matapos yong project."

"What about it?" singit ni Mamay sabay buhos ng juice sa baso niya.

"Ampapangit ng concept designs, puro disturbing. May nag-submit pa nga ng mural ni Lady Gaga na hindi mo malaman kung kabayong may french bread sa ulo o isdang may kagat na siopao. Muntik na tuloy akong makapatay." paliwanag niya tsaka sila nagtawanan. "We've already went through so many artists but nothing's just worth the job."

"Nah don't worry, I'm sure you'll find the right one." assurance sa kanya ni Mamay tsaka siya nginitian na agad rin namang niyang  sinuklian.

"Sir!" pag-agaw pansin ni Jan Di. "Kung need niyo ay mowd'l. Andito lang si Dyosa Esperanza a.k.a Jan Di of Kabanatuan City at your service! Mabuhey!" sabay pose pa.

Tumawa ulit sila.

Sila lang.

"Anyway, how was school?"

"Oh you wouldn't believe it, Tony." singit ulit ni Mamay. "Yang si Jemma, na-feature sa Face of the Crowd."

"Really?"

Ang Face of the Crowd ay isang Student Feature para sa mga magaganda't poging estudyante ng university. Kumukuha ang mga estudyante ring pasimuno ng mala photoshoot na stolen picture ng featured student tsaka ginagawang wallpaper sa isang gigantic LED screen na naka-display sa labas ng mga Gymnasiums. Dalawang screen yon per gym, isa para sa babae, isa para sa lalake. Lahat nakakakita kaya instant celebrity ka pag na-feature ka. Tumatagal pa ng ilang weeks, minsan months, ang display hanggang sa may mahagip ulit silang bago.

That Introvert's Approach (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon