"BABANGGA TAYO!!" iritang sigaw ni Takas Boy habang inaalog-alog ko ang ulo niya.
Kasalukuyan kaming gumigiwang at nagsu-super papalicious sa kalagitnaan ng kalsada ng aming campus para takasan ang mga naka-asim ang mukha na tumitili sa kanyang daig pa ang mga fangirls.
"Masyadong mabilis!" sagot ko habang nakakapit sa buhok niya na inaalog-alog ko pa din. Baka mahulog ako kaya sana naman bagalan niya.
"Get your fuckin' hands off my head! Argh!"
Hindi ako kagandahan, kaya isang masigabong kahihiyan sa ating lipi pag yumakap ako sa kanya. Kaya naman imbes na sa beywang niya ako kumapit, sa buhok nalang para saving grace.
"Dahan-dahan po!" napahawak ang kanang kamay ko sa balikat niya para hindi magtampo ang aking equilibrium nang hindi ako mahila ng gravity patungong hukay sa biglaang pagkaliwa ni Bangas Boy. Kung may tao lang dito sa university, paniguradong mawawalis sa sobrang kakagiwang namin. Mabuti na nga lang talaga at holiday para iwas attention na rin.
Hirap akong lumingon sa mga humahabol sa 'min at nakita kong nag-level up na din pala ang mga junanaks dahil nakasakay na sila sa kotse.
Sige, kayo na ang goons.
"Shit!" Mukhang napansin din ata niya dahil mas lalo lang niyang binilisan. Mas lalo lang din tuloy akong napakapit sa buhok niya. "Aray! What the fuck?!"
"Paki-para nalang po jan sa tabi." mahinang pakiusap ko.
"Is there another route out here?!" Hindi niya pinansin paki-usap ko kaya lintik lang ang walang ganti.
"Hoy tinatanong kita!" reklamo ulit niya bago lumiko sa CSC. "Ugh! Ano ba yang kamay mo?!" puna niya tsaka marahas na pinagtatapik-tapik at sinalag-salag ang precious hands ko na punong-puno ng itim na tinta na hindi ko alam kung saang lupalop nagmula.
"Sa Upper ComCent." tugon ko nang mapansin kong dumidikit na pala ang mga maligno.
"Asan yon?!"
Teka, san na nga ba yon?
"Hindi ko alam."
"Anak ng-!" bumusina bigla ang mga chunggo kaya hindi ko na narinig yong kasunod.
Napuna kong nasa College of Public Affairs na pala kami. Bigla kasing dumaan sa mata ko yong paborito kong bakery na inuunang asikasuhin yong magaganda at seksing mga studyante nong tindero na kung tutuosin, may nakaplaka namang "First come, first serve".
"Diretso ka lang tas kumanan ka pataas." Sa tenga naman niya ako nakakapit ngayon.
Tatapikin sana niya ng pagkalakas-lakas ang kamay ko pero agad ko itong dinukot kaya nasampal niya tenga niya.
"ARAY!!"
"Kumaliwa ka don sa Grandstand." turo ko bago pa siya magkaroon ng chance para bangasan ako. "Kanan ka don."
"Dalawang kanan yon!"
"Yong sa pangalawa." tugon ko na agad naman niyang sinunod.
"Hoy! Ba't nasa Grandstand nanaman tayo!?"
"Ay mali."
"FUCK! FUCK!"
"Balik, balik."
Pumpreno siya bigla sa gitna ng kalsada tsaka kami inihinarap sa kotseng sakay ang mga ngongo.
"San ba dapat ha?" tanong niya sabay tapik sa kamay ko.
"Kaliwa sana ng Gym tas pataas ng ComCent."
Nakita ko sa side mirror niyang basag na ngumisi siya habang nakatanaw sa kotseng ngayon ay rinding-rindi nang banggain kami. Aaminin kong medyo napatalon ng kaunti ang puso ko, astig kasi ng vibe niya.
BINABASA MO ANG
That Introvert's Approach (#Wattys2015)
De TodoAyokong may kasamang naglalakad, "Eh sa doon din punta ko eh." Ayokong may kasabay umuuwi, "Sa iisa lang tayo ng subdivision eh." Ayokong nagsisilabas ng bahay, "Pag ininjan mo 'ko, makikikain ako sa inyo." Ayokong tinatawagan ako, "Nakakaloka na ya...