"WHAAAAAAAAAAA!!"
"Why the fuck didn't you warned me?!" sigaw pa niyang malakas habang tumatakbo na halos maiwan ang ulo. Mas lalo lang ding nag-standing ovation ang balahibo ko sa katawan nang malamangan niya ako kaya tinodo ko na rin ang pagtakbo na kala mo wala nang bukas.
Baka nga talaga wala nang bukas!
"May hagdan sa kanan!" sigaw ko sa kanya nang maaninag ko ang picture ni PNoy sa may pintuan ng staff room na katabi lang ang hagdan.
Hindi ko rin talaga maiwasang manlumo sa tuwing napapadaan ako dito. May litrato kasi ni President Noynoy sa pintuan ng staff room na nakikipagkamay sa isang lalakeng estudyante na mukha atang di nabalitaang uso ang pagsusuklay. Dagdag mo pa yong itsura niyang parang duling na nakasingot ng katol. Napa-facepalm talaga ako nong unang kita non.
Nagsimula nang bumaba si Flowerboy. Naramdaman ko na ding isa't kalahating topsilog nalang ang layo ng mga pangil nila sa binti ko kaya walang pag-aalinlangan akong tumalon sa railings pababa sa pangalawang flight. Inulit ko din ito sa pangatlo at ngayon, ako naman ang nakalamang.
"You'll break your neck, idiot!" sigaw niya na ang dating ay parang reklamo. Reklamo dahil naunahan ko siya.
Asuss kung inggit ka, eh di gawin mo rin.
Hinintay ko muna siya bago ulit tumakbo kaso bigla naman niya 'kong hinatak sa hood ng jacket ko nang makababa siya. Kamuntik ko tuloy malunok dila ko.
"Wait." ani niya tsaka pinaliparan ng paso ang mga aso. Bahagya silang nagulat pero keri lang.
"Oi." napamulat ako. "Kay Ma'am Vuentes yon ah." paniguradong Super Saiyan ang eksena non pag nalaman niya. "Galing daw India yon."
Kinunutan niya ako ng noo, "Who cares."
Ako naman 'tong ayaw tumunganga eh hinablot ang isang styrofoam sa bulletin board na may litrato pa ng mga teachers na naka-wacky. Pinira-piraso ko ito na kala mo may pinanghuhugutan tsaka pinagbababato sa kanila. Medyo napatigil ako nang mapansin kong hindi man lang umaabot ng isang metro ang bato ko. Panay liko pa.
Lumingon sa 'kin si Flowerboy na nakataas ang isang kilay. "Styrofoam. Really."
Napalunok ako tsaka iniwas ang tingin. Oo nga naman, styrofoam nga naman yon. Syempre liliko yon, magaan eh, tanga lang?
Nagpatuloy na ulit kami sa pagtakbo nang makita naming malapit nang makababa ang mga ito.
At talagang hinintay pa namin ah.
"Wala bang room na open dito?!" hinihingal niyang sambit sabay hablot ulit sa hood ng jacket ko nang akmang liliko na ako sa isang dead end pala.
"Close lahat pag 7." sagot ko. Sinuri ko ang paligid tsaka napamura. Sa dinami-dami ba naman ng lugar sa campus, dito pa sa walang pwedeng akyatan kami nasapol. "Pinapatay din nila lahat ng i-" napalutang sa ere ang sasabihin ko nang biglang dumilim ang paligid. "-law."
Napahinto kami sa pagtakbo sabay hinto rin ng mga tahol. Tumigil ako sa paghinga, ganon din siya tsaka pinakiramdaman ang paligid.
Wala.
Nada.
Kabog lang ng dibdib ko at pagbati ng butiki na hindi ko malaman kung saan nanggaling ang tanging naririnig ko.
"Now.. what..?" kabadong sambit ko kay Flowerboy na feeling ko nag-echo pa ata sa hallway. Kahit wala na ang mga tahol, hindi pa rin ako napapalagay. Ganito naman talaga sa mga Thrillers eh. Una tahimik tas maya-maya, may itak na sa lalamunan mo.
Naramdaman kong lumapit siya. "We'll go out." bulong niya.
"Paano?" nasa kabilang direksyon yong palabas ng building. Nasa kabila rin yong mga hinayupak na yon. Ang dilim pa din naman. Tanging liwanag nalang na nagmumula sa buwan ang ngayo'y pagsamantalang nagsisilbing gabay namin.
BINABASA MO ANG
That Introvert's Approach (#Wattys2015)
RandomAyokong may kasamang naglalakad, "Eh sa doon din punta ko eh." Ayokong may kasabay umuuwi, "Sa iisa lang tayo ng subdivision eh." Ayokong nagsisilabas ng bahay, "Pag ininjan mo 'ko, makikikain ako sa inyo." Ayokong tinatawagan ako, "Nakakaloka na ya...