Chapter 1

774 97 57
                                    

~♪Talk dirty to me ♪~

"HOLDAP 'TO!!"

Napakunot noo ako sa speaker. Feeling ko inaasar ako.

"IKAW!" tinuro ako habang nililingon ang baklang casher na maarteng nagbubukas ng kaha. "LABAS MO PERA MO!"

Bahagya akong napailing at napakunot ulit. Sa suot kong gusot na pajama, tsinelas na hindi pares at buhok na kala mo hinagisan ng grinada eh mapagkakamalhang may pera?

"BILIS NA!!" bukod sa talsik laway na, engot pa. Lakasan pa sana niya boses niya nang magising lahat ng patrollers sa lugar na 'to. Tinutok pa sa 'kin ang kutsilyong dinampot niya sa may utensils section.

Kung sino mang genius na may-ari ng grocery na 'to, dapat lang siyang palakpakan. Kalain mong maisipang mag-display ng sandamakmak na kutsilyong linagyan pa ng sign board na 'Grab it now!' sa grocery niyang open 24/7?

Madlang saludo rin kay manong security guard na kasalukuyang nakabilad sa sahig. Hindi kinaya ang kalasingan kaya napahilik sa kalagitnaan ng engkwentro.

"HOY! BILISAN MO!" tutok pa niya sabay laki ng butas ng ilong.

Napahigpit ako ng kapit sa limang sampung pisong dala ko. Pantawid ko 'to ng buhay, putik!

Dumapo ang tingin ko sa dalawa pang customer na kasama ko. Yong isa, matanda. Mukha ring lasing, natutumba habang naka-hands up in the ayer.

Yong isa naman, parang kalmado lang. Kasing-edad ko ata, 17. May itsura kahit medyo pawisan at magulo ang buhok. Naka-jersey ng lucky number 8 ko at may piercing sa kaliwang tenga. Maputi tas makinis ang balat, mala-pinkish white glow. Flowerboy.

"Yon oh, ma-pera." tango ko sa direksyon niya.

Nagulat si Flowerboy at napatanaw sa 'kin. Agad kong iniwas ang tingin ko. Partly because I felt guilty and partly because kumikintab na yong plastic ng Ulam Burger sa may freezer.

"You have got to be kidding me!" sigaw niya.

"Kitams, englishero." udyok ko pa sa holdaper.

Mukhang na-convince ko ata kaya nalipat ang attention niya kay Flowerboy. I sensed horror in his expression but turned to vexation as soon as he pointed back his gaze at me.

Hindi naman ako yong tipong namamahamak ng tao para sa sarili kong kapakanan.. pero dahil sa ayoko sa mga pogi, malas lang niya.

"That's my girlfriend." napapitlag ako nang sa 'kin siya tumango. "She has my wallet."

Napalingon naman sa 'kin si Mamang Holdaper.

Shit! Nalintikan na!

Marahas akong umiling. "Hindi ko siya kilala." pag-amin ko.

Naagaw ulit ni Flowerboy ang atensyon ni Mamang Holdaper pati na din ng baklang kahera na binagsagan kong Totoy Kikay.

"Aww babe, you're still mad?" mungkahi niyang sinamahan pa ng pout.

Bahagya akong napasinghap. "Ma-matagal na tayong split." Hindi ako marunong makipagtalo kaya nagsisimula na 'kong mahiya.

"Split? Matapos mong pagsawaan katawan ko, split? Kita mo oh."  salakay niya sabay hila sa strap ng jersey niya. "Hanggang ngayon, pawisan pa 'ko." nginisian ako sabay taas-baba ng dalawang kilay.

Nalaglag ata panga ko sa sahig. Pati si Mamang Holdaper at Totoy Kikay napanganga. Tinitigan nila ako na kala mo kabayong may palikpik.

"Hindi! Walang nangyaring ganon!" praning na depensa ko sabay ekis sa harap nila. "Hindi yon totoo!" gusto ko nang maglaho.

"Linandi mo 'ko tsaka mo 'ko hinila-hila dito kahit alam mong hatinggabi na."

"Hindi kita hinila! Su-sumunod ka!"

"Binulsa mo wallet ko eh."

Parang may bombilyang biglang sumabog sa ulo ko. "Wala akong bulsa." sugod ko sabay kapkap sa suot ko.

Nagulat siya at mukhang na-realize na wrong move ang ginawa niya. Inabangan pa namin ang sagot niya pero walang lumalabas sa bibig niya."Um.. uh.. I.. uh.."

Naubusan na rin ata ng pasensya si Mamang Holdaper kaya sa kanya na lumapit. "LABAS NA, BILIS!"

Si Flowerboy naman, highly fuming with rage, reluctantly reached for his wallet and handed it over. He glared at me and mouthed, as if savoring every syllable, 'YOU'RE DEAD.'

Wa 'ko pake yo'.

Ang importante hindi niya ko kilala at hindi na kami magkikita pa forevermore. As soon as maihagis ko sa counter ang bayad ko at mahablot sa freezer ang pagkain ko, sisibat na 'ko.

Nang madampot na lahat ni mamang holdaper ang lahat pati na ang inosenteng cornetto sa may counter maliban sa pera ko, agad-agad itong naglaho.

I perked up, pinatong ang mga barya sa counter at tumalon sa may freezer. Nang akmang sisibat na 'ko, biglang may humatak ng buhok ko.

"Sinakripisyo mo 'ko para sa kakarampot na ulam?" singhal ni Flowerboy.

~♪I don't know what I'm doing here, how I landed in this space but it's a good place ♪~

Napakunot ulit noo ko sa speaker.

"Pano mo papalitan lahat ng ninakaw sa 'kin ha?" nakangisi siya pero nanlilisik ang mata.

My mind, add my eyes went all over the place. Hindi ko alam kung anong isasagot.

"Hoy, Cello Ramirez! Narinig mo ba 'ko?!"

Sa sobrang gulat ko, napalingon ako bigla sa kanya dahilan para mauntog ang ulo ko sa baba niya. "Awh!"

"Kilala mo 'ko?"

"Are you serious?!"

Sorry ha, may mild case lang kasi ako ng Prosopagnosia, inability to recognize faces.

"Magkakilala tayo?" pagpapatuloy ko.

"Do I look like I'm in the mood for this?!"

"Sino ka nga ulit?"

"Damn it!" binitawan niya buhok ko. "I give up!"

He stomped his way out the door but stopped then turned back to face me. "Don't you dare get yourself involved with me OR ELSE, I'll make sure to take all your peaceful days away." he warned before disappearing into the night.

"Eh di wow."

×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××

Sana nag-enjoy kayo. ヘ(;'Д`ヘ)

Unang likha ko po ito sa tana ng existence kaya halos limang milyong beses ko nang ni-revise kahit di pa tapos.  (╯°□°)╯︵┻━┻

Maraming salamat po sa oras. Sana masuportahan niyo. ┐( ̄ヮ ̄)┌

×××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××××
Former cute cover made by Strawberreo, thank you!

That Introvert's Approach (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon