KAKALAGLAG NG BAIT.
'You and me. Alone.'
Kahit kailan talaga, yang mga gwapong yan, salot.
'Pwedeng manligaw?'
Putik. Iisahan pa ako. Magpapagawa lang ng assignment sa Evolution dadaanin pa sa banat. Akala niya siguro mauuto niya ko. Kunwaring sabay gagawa, eh ang ending sa akin din naman ipapagawa lahat. Bihasa na kaya ako sa mga ganyang moves noh. Tinatamad nga akong gawin yong akin eh, dadagdag pa niya yong sa kanya?
'Klasmet tayo sa Stats diba?'
Napapreno ako.
'Klasmet din tayo sa ComSci noh?'
"Ssshhhiiit.."
WOW. AKO NA.
Napakapkap ako ng bag. Kailangang makahanap ako ng weapon para protektahan ang sarili ko. Pano kung balikan ako?! Sapat naman siguro yong barya diba? Hahagis ko sa kanya. Gwapo yon, kaya ishi-shield niya mukha niya. Habang ginagawa niya yon, magdi-disappear ako.
"TABI D'YAN!"
Napahimas ako ng baba. Bolpen nalang kaya? Pwedeng pantusok sa mata.. Ugh! Ano ba 'to makakapatay pa ata ako! First time kong magkaroon ng kaalitan, ganito ba ang feeling ng may kaaway?!
"HOY! TABI!"
Teka, ba't nauwi sa patayan? Hindi naman over yong ginawa ko sa kanya ah. Tinawanan lang naman siya ng mahigit kumulang tatlumpong katao ah, kasama na don yong teacher. Yon lang yon, hindi mo naman maco-consider na away yon diba? Parang friendly joke lang kaya yon.
Ha. Cello, funny ka. Wag ka praning.
Napabuntong hininga ako tsaka napailing sa sarili.
Safe pala ako eh. Kung anu-anong pinag-iisip ko-
"HOY!! MAGPAPASAGASA KA BA?!!" bulalas ng isang something na hindi ko malaman kung saang lupalop nagmula. May kalakip pang sandamakmak na bosena. Nang masuring mabuti ng mga mata kong siningkit ko pa ang paligid habang hindi gumagalaw, tsaka ko napagtantong, nasa kalagitnaan pala ako ng kalsada.
×××
Kumakalam na sikmura ko pero hindi nanaman ako kumain ng tanghalian. Baka may makapansin na wala akong kasama, magmukha pa 'kong kawawa. Tsaka ayoko rin naman don sa cafeteria, parang don ata nagiging synonyms yong evacuation center, kulungan, zoo at circus. Baka rin doon kumakain yong Evolution na yon. Mahirap na.
Pero di na talaga kaya ng powers ko. Nagwawala na mga kampon ko sa tiyan. Mapapatay ko na rin ata 'tong camel na 'tong nguya ng nguya sa harapan ko na kala mo huling araw na niya sa mundo. Kulang nalang pati yong wrapper ng Magic Creams kainin.
Lumabas na 'ko ng library kung saan ako madalas tumambay at matulog tsaka nanalangin na sana hindi pa nauubos yong mga binibintang pagkain sa sidewalk.
Pabalik na dapat sana ako matapos kong maubos ng ilang segundo ang binili kong siopao nang bigla ulit akong mapa-preno. May tila ba kumikinang sa may bandang kanan ko. Napakapit pa ako ng dibdib matapos kong lingunin ito.
Kailan pa nagkaroon ng vending machine dito?
Nilapitan ko tsaka tinusok-tusok. Tumalon-talon ang mga mata ko sa mga drinks na nakahanay sa bawat palapag. At sa di inaasahang pagkakataon, sa pinaka-baba at sa pinaka-dulong kanan ay may nagtatagong isang maliit na box ng juice, kumakaway.
Nanghina ang mga tuhod ko, kamuntik pa akong matumba kung hindi lang ako napakapit sa poste. Sa harap ko ngayon, na kasalukuyang kumakaway, ay ang pinakapaborito kong inumin sa balat ng mundo, ANG DURIAN JUICE-KO!!
BINABASA MO ANG
That Introvert's Approach (#Wattys2015)
RandomAyokong may kasamang naglalakad, "Eh sa doon din punta ko eh." Ayokong may kasabay umuuwi, "Sa iisa lang tayo ng subdivision eh." Ayokong nagsisilabas ng bahay, "Pag ininjan mo 'ko, makikikain ako sa inyo." Ayokong tinatawagan ako, "Nakakaloka na ya...