Hello, Paula?", kausap ko ngayon si Paula sa phone, ang bestfriend ko since birth.
"Ano ka ba Abby, sinabi ko naman sayo dba? Kahit ano, okay lang. Maganda ka naman lagi sa paningin nun dba?", may halong pambobolang sabi ng bestfriend ko na nakapagpablush sa akin ng di oras. Well kanina pa ako nagbblush. Pero kasi naman eeeeee.
Ako si Abbyrille Gale Venidad. 17 years old. 2nd year college student.
First Anniversary na namin ni Tristan ngayon. Yep, ang first ever boyfriend ko na hindi ko talaga expected na magiging kami.
At ngayon, todo bihis talaga ako. Syempre, si bebemylabs yun e! Bwahahaha.
Haaaaay. Ang sarap tuloy alalahanin kung paano kami nagkakilala. Napangiti tuloy ako.
"Hello? Huy Abby!! Helloooo??"
Ah! Nakalimutan ko nga pala may kausap ako. Haha. "Oo na sige na Paula, basta kahit anong mangyare, suportado ka pa rin ha?", paglalambing ko kay Paula.
"Sus! Kahit kailan hinding hindi ko matatanggap ang insektong yun noh!!", pag-amin ni Paula. Ayaw talaga niya kay Tristan. Sa totoo lang, ang dami na nilang pagtatalo dahil dito. Baka badboy daw ito, playboy, drug addict, drug pusher, gangster, at marami pang iba.
Pero ganun lang talaga ka-protective si Paula. Sinong bestfriend ba naman ang may gustong mapahamak ang kaibigan nila?
Tinuloy ko ang pag-aayos ng buhok ko habang naka-loudspeaker ang phone ko. Para makausap ko pa si Paula.
"Oo na oo na. Basta sa kasal namin, ikaw ang bridesmaid ko ha?", pangungulit ko pa rin kay Paula. Asa syang titigil ako? Hahahaha.
"BEST NAMAN! Wala munang mag-aasawa dba? And eeeww! Wag naman dun sa Tristan na yun! Yuck best!!", pagbubunganga ni Paula sa kabilang linya na nagpasakit naman sa eardrums ko.
"Ano? Color pink gusto mong color ng theme ng kasal namin? Nice Paula", pang-aasar ko kay Paula habang naglalagay ng konting blush-on at light pink lipstick.
"DUH! Best talaga. Ano ba talagang nagustuhan mo dun? Mukha naman syang bakla. Ugh", sabi ni Paula.
Ano nga bang nagustuhan ko sa kanya?
Mabait? Maginoo? Marunong rumespeto? Palangiti? Oh yes, his smile is the best smile I've ever seen. Haaaaay.
Natapos ang pag-uusap namin ni Paula at handa na akong pumunta sa restaurant na sinabi sa akin ni Tristan.
* Restau
5 minutes. 10 minutes. 15 minutes.
15 minutes na akong naghihintay dito. Actually, kanina pa ako naiilang dahil puro nakakasilaw ang mga nakikita ko sa paligid. Everyone's wearing tuxedos, dresses, oh so formal attires! Yet, they're just here to eat.
Mukhang mamahalin kasi. Hindi ako sanay. Yes I've been places like this every once in a while, pero yung 'every once in a while' na yun ay pwedeng once a year or once in two years. Bwahaha. Masasabi mong, nasa middle lang kami. Hindi mahirap, hindi mayaman.
"Good Evening Sir", pagbati nung isang waiter sa isang lalaking nakakasilaw na dumating. His body is well built, not too broad shoulders and not too thin. He has also this cool hair and height. And those eyes are so captivating that even I, have been captiva-- NOOO erase erase! Abby!! Kay Tristan ka lang! Magtino ka! * kalma kalma kalma * Inhale. Exhale. Whew!
Umupo yung lalaki sa tapat ng table ko. Waaaah. Bakit doon pa? Ö
Sa kinauupuan ko ngayon, kitang kita ko siya. Nakaharap din kasi siya sa akin.
Aish. Ang tagal naman ni Tristan beybeh. = 3 = Saan na kaya yun? Chineck ko yung phone ko, pero ni isang text galing sa kanya, wala.
"May I take your order, Sir?", tanong nung waitress na nagbblush doon sa lalaking may nakakaakit na mata.
Wait, what?!
"Thanks, but I'm still waiting for someone", sabi niya with a serious tone. Yung waitress naman, napa-okay at nung makasalubong nya yung isa nyang katrabaho, nagsisitili. Wew, ate. Ang puso mo! LOL.
Pero ano naman kayang problema ng isang 'to?
Di mo na 'yun problema Abby. Psh.
Sabagay. Dahil matagal na akong naghihintay dito, tinawag ko ung isang waitress at nag-order ng maiinom.
Umorder lang ako ng tea.
Halos maibuga ko ang iniinom ko nang makita kong inabutan din ng tea ang lalaking kaharap ko sa kabilang table.
Gaya gaya! Sa isip isip ko.
Magsi-six o'clock na at wala pa ring ni anino ni Tristan ang dumating kaya naman nag-order na ako ng makakain. Pasta na lang naisip ko.
Dumating ang order ko. At halos mahulog ang tinidor ko nung nakita kong pasta din ang inorder nung lalaki sa kabilang table!!
YUNG TOTOO?! Bakit mo ko ginagaya?! Aba! Masyado ka pang obvious ha!
Kumalma ka Abby.. hayaan mo na yan. Malay mo nagkataon lang na magkatulad kayo ng inorder, dba?
Tama tama. Tama ka Angel Abby.
Heh. Ginagaya ka oh Abby! Papayag ka na lang bang manaig ang mga piratang DVD sa Pilipinas? Sugod na Abby!! SUGOOOOD!!
Waaaaaaah!!! Manahimik ka Devil Abby!!!! >____<
Ange! Devi! WAAAH! Hindi ko alam kung sino susundin ko. TT___TT
Pero minabuti ko na lang na manahimik. At nagorder na lang ulit after kong maubos ung pasta ko.
Pero anak ng tipaklong! Lahat ng inoorder ko, ganun din yung sa kanyaaaa!!! GRRRR!!
At ang loko, ngumisi pa! Aba't!!!
Tatayo na sana ako at bubuhusan sya ng malamig na malamig na lemon juice nang biglang dumating si Tristan. Hinihingal.
Ayiiieeeee. Nawala naman daw lahat ng inis ko. Ahihihi. Pero teka!! Pinaghintay niya ako. -_____- Dalawang oras. 2 FREAKIN' HOURS! Aish. Pero parang nawala na din nung makita ko siya. HAAAAY..
"Babe! Happy Anniversary!", sabi ko sa kanya sabay abot ng gift ko. Secret kung anong laman. Wahahaha. :D
Binigay ni Tristan ung bouqet na hawak niya. "Ahm.. S-Sorry..", sabi ni Tristan na nakayuko.
"A-Ah, dahil ba sa late ka? Okay lang yun babe!" ^___^ masigla kong sabi sa kanga. Pero bakit parang may mangyayaring hindi ko magugustuhan?
"Ah.. S-Sorry.. Brille.. Sorry.."
Hindi ko siya maintindihan. Pinatawad ko na nga siya diba?
"Kalimutan na natin yun, Tristan. Atleast dumating ka diba? Masaya ako at dumating ka. Masayang masaya ako Tristan. Anniversary natin eh", sabi ko with matching super big smile.
"Brille.."
"Tristan ano ka ba. Pinapatawad na kita."
"Brille.. I'm sorry. I'm really sorry. I can't go out with you anymore. The truth is.. I'm already a father. Kahapon ko lang nalaman.. I'm so sorry babe.. I'm sorry..."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na yun.
Ano nga bang dapat maramdaman? Sabihin nyo nga?
--
YO! Ayun. Natapos din. HAHA. Masyadong cliche, IKR. AHAHAHA. Pero ewan ko na lang kung cliche yung next. Bwahahaha. :)))
Sorry na sa wrong grammar at typo! :"(
HAHAHA. Pati pala yung name ng ibang mga charas, kinuha ko sa mga kaibigan ko na kaclose ko dati. Dedicated to sa kanila. Mishu guys! :* XDD
- DM
BINABASA MO ANG
The guy who got dumped by a guy
HumorFirst stort na ipopost. Bigla ko lang to naisip. Mwahaha. Cliche? OA? Weird? Sorry na! HAHA. - DM