Ency
Nakita ko na naman ang matamis niyang ngiti at napakagandang mga mata.
Ang ganda. Ang ganda ganda niya.
"Oy Ency pare!", tawag niya sa akin.
Pero teka.. bakit boses lalaking lalaki?!! At ano daw?! PARE?!!!
Napaupo ako sa kama ko, habol ang hininga. Anong nangyare?! Shit. Panaginip.. Panaginip lang pala. Whew!
Pagtingin ko sa alarm clock ko, 9 o'clock na. Tsk. Di na lang ako papasok.
Bumalik ako sa pagkakahiha at nagbalot ng kumot.
Queenie..
Shit shit shit. Tumayo ang mga balahibo ko.
Paano ako nagkagusto..
Sa isang lalaki?
Ang bobo ko. Ang tanga ko. Tsk.
I'm the worst!
Naging sobrang sama ng araw kahapon. Ang araw na ikala kong magiging masaya, naging pinaka-masama.
Idagdag mo pa ang nakakaasar na tawa ng babaeng nasa kabilang table! Shit. Damn her!
Akala ba niya madali lang tawanan ang nangyari sa akin?
E kung tutuusin nga, mas nakakatawa ung sa kanya.
Iniwan siya ng "1-year boyfriend" niya.
Mas masakit yata yun.
Anyways, wala naman akong pake.
* kriiiing kriiiiing *
Tinignan ko yung screen ng phone ko.
Queenie calling..
What the fvck!
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, kasabay ng sakit na nararamdaman din nito.
Inhale. Exhale.
Sasagutin ko na sana ang phone ko nang bigla itong namatay.
WHAT THE?!
Tsk. Aba't binabaan pa ako? Ni hindi man lang nag-explain ng maayos kagabi? Ganun ganun na lang yun?
He did explain, you idiot.
Ako lang talaga ang may problema.
Hindi siya.
Dahil hindi naman siya ang nagmahal.
Ako lang.
Again, kinalibutan na naman ako sa mga pinagiisip ko.
Am I really a gay?
Tumayo ako at humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa.
Ako? Bading?
Napabuntong hininga ako ng malalim at napangiti.
Ako, si Drerence Benedicto, 18 taong gulang, ay hindi kailanman magiging bading.
Hindi nga ba?
--
Bwahahaha. Gagawin ko na yata syang bading. :DD
- DM

BINABASA MO ANG
The guy who got dumped by a guy
HumorFirst stort na ipopost. Bigla ko lang to naisip. Mwahaha. Cliche? OA? Weird? Sorry na! HAHA. - DM