Ency
Nandito ako ngayon sa flower shop ng pinsan ko. Bibili ng bulaklak syempre.
"Tatlong red roses."
"Uy Ency! Kamusta nga pala yung nililigawan mo? Ano na? Kayo na ba? Kamusta date nyo nung isang linggo? Sinagot ka na ba? Ayiiieeee" Tsk. Kahit kailan talaga ang napakadaldal ng pinsan kong to. Tsk. -____- Dito rin nga pala ako bumili nung araw na yun.
Queenie.
Damn! Bakit ko ba iniisip yun? Tapos na yun! Oo tapos na yun! Kalimutan na. Magmove on na.
"Miss isang white rose" sabi bigla ng isang babae na hindi ko alam kung paano at kailan pa nakarating sa tabi ko.
"Okay Ma'am. Ency, wait lang ah?"
Tsk. Inuna pa talaga ang bagong dating? Pssh.
Bigla namang napatingin sa akin ung babae.
"Teka.." sabi niya sa akin. Hawak hawak ang baba nya. Halatang malalim ang iniisip.
"Bakit?" I asked her.
"AHH!! IKAW NGA YUN!" she said with matching patong ng nakayukom na palad sa isa nyang nakabukas na palad.
What the hell? Anong "yun"?? O.o Tsk
"Miss anong sinasa--" naputol ang pagsasalita ko ng tumonog bigla ang phone niya.
Sinagot niya ito.
"Hello? Kiyen?! KIYEN IS THAT CHUUU?!!!!" pagsigaw nya na sa kausap nya sa phone.
Tsk. Ang ingay -___-
Kinuha ko na yung red roses na binili ko at umalis.
May kailangan akong puntahan.
May kailangan akong gawin.
--
Abby
"Feel at home lang Abby. Pasensya ka na kung medyo makalat. Si ano kasi e.. " sabi ni Kiyen habang nagtitimpla ng juice.
Nandito ako ngayon sa condo ni Kiyen. Si Kiyen ay isang bibeng alien na napasama sa Power Rangers Mystic Force bilang si Pink. Pero syempre joke lang yun. -___- Pinsan ko si Kiyen at taga probinsya sya. Dun sya nag-aaral at madalang kaming magkita, sa tuwing nauwi lang ako sa amin (sa probinsya) para bisitahin sila Lola. Kaya naman nagtaka ako kanina kung paano sya nakarating dito. At isa pa, MAY CONDO SYA! ABA! Paano naman sya nagkaroon nun? At agad agad pa! ABA!!!
At bakit daw magulo ang condo? Hindi sya ang dahilan? E sino? O__o
Wag mong sabihing-- O____O
"Grabe nakakapagod talaga kagabi. Pero masarap naman sa feeling kaya I think makakatagal ako dito." Sabi niya with unat unat pa at pinatong ang juice sa glass table na nasa harap namin.
Nakakapagod? Kagabi? Masarap? O____O
OMG ang pinsan kooooo!!
"Kiyen ano ka ba! Sino ba kasing may sabing lumipat ka dito? At paano ka nakapunta dito? At paano ka nagkaroon ng condo? At sino ang may dahilan ng pagkasakit ng katawan mo!?!!" sunod sunod kong tanong sa kanya na nakapanganga sa kanya ng bahagya.
"Abby" sabi nya tapos bigla syang ngumiti. "Abby bumalik na sya" sabi niya with a face I can't explain. Malumanay ang pagkasabi niya pero dama mong punong puno ng emosyon ito.
"H-Ha? Sino?" Sino nga ba?
"Si Loki" sabi nya sabay turo sa isang poster na nakasabit sa malapit sa may isang pintuan. Isang litrato iyon ng lalaki na naka-all black suit at may black wings sa likod.
"Huh?! Sino naman yun?" Loki? Hmm.. Parang narinig ko na nga. Sino na nga ba yun?
"Abby naman e. Sya yung lalaking kinekwento ko sayo dati.. Yung sinasabi kong.. g-gusto ko" sabi niya ng namumula. O___O
Lalaking kinekwento nya? Hmmm.. Ahhhh! Yun pala yun. Pero teka!! Parang malayo naman sa itsura ng lalaking nasa poster ung dinedescribe nya sa akin noon ah!
"Hoy Kiyen! Ano namang konek ng poster na yan kay Loki mo?" pagtatanong ko sa kanya.
"Siya yan." sabi nya with a bright smile.
"Pfffft.. Hahahha seryoso? Ung kinekwento mo sa akin na taong walang kaibigan at walang pangarap sa buhay?? Sya yan? Hahahaha patawa ka Kiyen" sabi ko sa kanya. Totoo naman e! Wala daw kinakausap ang taong yun sabi sa akin ni Kiyen. Pero masayang masaya sya dahil sya ang unang kinausap nito sa kanilang school dati kaya naman nabuo ang pagka-crush nya dito.
"Abby si Loki talaga yan" sabi niya sa akin. Pagkakita ko sa mga mata nya, nagsasabi nga sya ng totoo!
--
Marami po akong nagawang one shots ni Kiyen at Loki. :DD NYAHAHAHA balak ko silang gawan ng story. LokixKiyen lablablab~ :D
At dahil wala kayong pake at di yan ang gusto nyo, sige, balik na tayo kanila Ency at Abby. :)) Actually, di ko ineexpect na aabot sa gantong reads to. Thank you sa pagbabasa kahit korni na masyado. Dito ko na itutuloy yung story.
THANK YOU READERS <3 Especially doon sa nag-message sa akin sa fb, maraming salamat girl. <3 :)
- DM
BINABASA MO ANG
The guy who got dumped by a guy
HumorFirst stort na ipopost. Bigla ko lang to naisip. Mwahaha. Cliche? OA? Weird? Sorry na! HAHA. - DM