Abby
* tingin kanan *
Clear!
* tingin kaliwa *
Clear!
* tingin likod *
Clear!
Nasa gate ako ngayon ng school at chinecheck ko nga kung nasa paligid ba o may presensya si Paula. Sigurado kasi akong sandamakmak na talak ang matatanggap ko galing sa kanya pag nalaman nya ang nangyare sa akin.
Kaya heto ako ngayon, ginagamit ang special talent in life ko. Ang magtago, magsususuot sa maliliit at masisikip na lugar, ang magkunwaring "others" pag may dumaan. Hoho.
E basta.
Ayoko makarinig ng talak galing kay Paula. Kaya mas mabuti na 'to.
Tsaka baka sugurin niya si Andrew bigla sa kabilang town. Nakuuu. Magulong gulong gulong gulo talaga yun pag nagkataon!
(Andrew yung second name ni Tristan. At baka marinig ako ni Paula kahit nasa isip lang, kaya ito na muna gamitin natin. Mahirap na.)
Andrew. Hanggang ngayon durog pa rin ang puso ko nang dahil sayo. Hindi ko na naman alam kung paano ako ngayon. Ngayong wala ka na..
Papunta na ako sa canteen para sana bumili ng food nang makita ko ang isang grupo ng kababaihan na pinapaligiran ang isang babae.
"Bitch! Wala ka bang eyes? Mambabangga ka na nga lang, yung Princess Scarlet pa namin!", sabi ng isang girl na kamukha ni Andrew sa grupo.
Andrew?? O.O Naghahallucinate na yata ako @____@
"Oo nga, bitch!!", sabi naman nung isa pang kamukha ni Andrew.
WAAAAH @O@
"S-Sorry.. di ko sinasadya", sabi ni girl na nasa gitna na kamukha din ni Andrew.
"What? Anong hindi sinasadya? Dahil sayo, nasira na ang araw ni Princess Scarlet!!", sabi naman nung isa pang kamukha ni Andrew.
"Girls, stop na. Masyado ng sira ang araw ko. Ang bitch kasi na ito, paharang harang sa way ko", sabi nung isa pang kamukha ni Andrew while pushing the girl's head with her pointing finger.
What the hell?! Hindi ko na matiis!!! Bukod sa masama na ang ginagawa nila, kamukha pa nila si Andrew!!!
Mga Andrew na pusit!!!
"Hoy! Mga pusit na mukhang Andrew! Tigil tigilan nyo nga ang babaeng to. Wala namang ginagawang masama sa inyo e. Tsaka kung nabangga man nya kayo, nagsorry naman sya ah? At hndi nya sinasadya, sya na mismo nagsabi", dirediretso kong sabi sa kanila nung lumapit ako.
Akmang magsasalita pa sana sila nung tinaas ko ang kamao ko at nagsimula nang mag-warm up para sa isang labanang magaganap. Turo to sa akin ng pinsan ko, na magpanggap na makikipag-suntukan para matakot ang kalaban. Bwahahaha.
Mukhang epektib naman dahil nagsialisan naman ang mga babaeng pusit na kamukha ni Andrew! Bwahahaha! (Thanks Pinsan! XD)
Nilapitan ko yung girl na pinagtutulungan nila kanina.
"Okay ka lang?", tanong ko sa kanya.
"A-Ah.. Oo..Okay lang. Thank you", sabi nya sa akin at nginitian ko sya.
"A-Ano.. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?", tanong nya sa akin nang tumingin ako sa orasan ko.
"Abby. Ikaw?"
"Emily."
Sinabihan ko si Emily na iwasan na lang makatagpo ang grupo ng mga pusit na yon. Sinabihan ko rin siyang gayahin niya ang ginawa ko kanina na magtaas ng kamao at magwarm up para sa laban, pero tumawa lang siya.
Ahm, seryoso po ako. Seryoso ako Emily. =_____=
Hahaha. Dumaan ang ilang oras na nagkkwentuhan kami at napag-alaman kong may ari pala sila ng isang botique sa mall. Cosmetics at dress. Which is hindi halata dahil sobrang simpleng manamit nitong si Emily.
"Itry mo kayang magsuot ng dress nyo, or maglagay ng make up?", suggest ko sa kanya.
"Ha? Hindi na. Wala akong panahon sa mga ganung bagay e, hehe.."
Umihip ang hangin at napuwing ang mata ni Emily kahit pa natatakpan ito ng kanyang makakapal na eyeglasses.
Inalis niya ito at nakita ko kung gaano kaganda ang kanyang mga mata.
Ang cute ng mga mata nya. May tinatago naman palang ganda tong si Emily! Kaya naman pala di na kailangan ng make up. Heheee.
Pero wait..
Parang pamilyar sa akin ang mga mata nya.
"Abby? Abby????", tawag nya sa akin. Hndi ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa mga mata nya.
"Ah ano yun?", tanong ko.
"Sabi ko, pwede ba kitang mainvite sa kasal ng kuya ko?"
"Oh sure! Basta walang pusit doon ha!", pagbibiro ko sa kanya. At nagtawanan kami.
Pero pamilyar talaga ang mga mata nya. Hhmm.. at.. kasal?
Magandang mata.. kasal..
Saan ko na nga ulit nakita ang mga matang yun?
- TBC.
BINABASA MO ANG
The guy who got dumped by a guy
Hài hướcFirst stort na ipopost. Bigla ko lang to naisip. Mwahaha. Cliche? OA? Weird? Sorry na! HAHA. - DM