Chapter 9

299 15 0
                                    

Abby

Una, bakit ako nandito?

Pangalawa, paano ako napunta dito?

Pangatlo, bakit nandito din ung lalaking nakita ko sa restaurant dati na dinump ng isa pang lalaki?

At pang-apat, bakit nandito din ung nag-dump sa kanya?! O____O

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko tuluyang marealize ang nangyayari. Nandito ako ngayon sa Western Blue Sea, ang pinakamagandang beach dito sa amin or probably sa buong mundo. Or buong universe.

"Okay ka lang ba Abby?", tanong sa akin ni Emily.

At dun na pumasok sa utak ko ang mga nangyari sa akin kanina.

* flashback

Saturday morning, walang pasok kaya minabuti kong lumabas at mamasyal.

Kumakain ako ng super duper sarap ng hamburger sa isang maliit na branch ng Angel's hamburger nang biglang may sumitsit sa akin.

"Pssst! Abby!" sabi pa ng sumisitsit.

Tumingin ako sa paligid ko pero wala akong nakita.

Kaya minabuti ko na lang tanungin ung nagbebenta ng burger, "Ate, may multo ba dito sa lugar nyo? Bakit--"

"HUH?" SABI NI ATE NA MAY SOBRANG PUTI NA MUKHA!!!

Anak ng tipaklong naman oh! Foundation Day ba ngayon ng Angel's hamburger?!!

"Ate naman! Nakakagulat ka", sabi ko with matching hawak sa chest ko. Susmaryosep!! Ang kapal ng make up nya e. =______=

"Ay. Sorry. Hahaha. May date kasi ako ngayon after ng shift ko, hohoho. Ano yung tinatanong mo?", tanong nya sa akin.

ABA! EDI SYA NA MAY DATE! HMPPPP (<-- sawi, bitter, ampalaya, kape XD)

"May nakita ba kayong dumaan or nagsalita?", tanong ko pero sabi nya wala naman. Hmmmm. Baka guni guni ko lang.

Tapos na akong kumain kaya minabuti ko nang maglakad papuntang mall. Malapit lang naman kaya lalakarin ko na lang, tutal maganda ang panahon ngayon. Hindi masyadong mainit hindi rin masyadong malamig.

"Pssssst"

WAAAAH!!

Ano ba kasi yun?!

Tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao.

Naengkanto ba ako?! May natapakan ba akong nuno? Ano bang nagawa ko?!!

"Abby!" may sumigaw pero pabulong.

ALAM NG MULTO ANG PANGALAN KO!!!

Naglakad ako ng mas mabilis. Ayoko makakita ng multo! Umagang umaga ano ba!

Binilisan ko pa lalo ang lakad ko nang makarinig ako ng kaluskos sa may mga halaman sa daan. BAKIT KASI MAY HALAMAN DYAN! SINONG NAGLAGA-

"Bili bili naaaaa murang mura lang! Mga halaman pampasaya ng buhay! Ito para sa pampaswerte sa pag-ibig! Ito naman para sa mga SAWI DYAN!" sabi nung isang lalaking may hat na pang-farmer.

SAWI

SAWI

SAWI

ANAK NG! INEMPHASIZE PA TALAGA YUNG SAWI!

GRRRRRR

Naglakad na ulit ako subalit datapwat bagamat, biglang may nanghila sa akin sa may makitid sa lugar.

"Ssshhh! Ako to si Emily" sabi nya tapos nag-smile sa akin. Isang very cheerful smile.

"I'm here to get you. Sorry Abby", sabi nya at doon na ako nawalan ng malay.

* end of flashback na parang hindi lang flashback pero parang naging What Happened to Abby A While Ago dahil sa sobrang haba LOL

Ugh. Ang sakit ng ulo ko.

Pero bakit nga ba ako nandito?!  Saan ako dinala ni Emily?!

Kasalukuyan akong nasa isang kwarto at sa labas nga ay nakikita ko ung lalaki na na-dump at ung babae, este lalaki na nang-dump sa kanya.

Bakit sila nandito?

Teka.. nasa isang kwarto ako.. Hindi kaya--

O______O

IBEBENTA NILA AKO?!! M-MAY DAGAT! MAY NAKIKITA RIN AKONG SHIP! ANONG LAMAN NUN?!!!

* Abby's imagination *

Drerence: Hahaha! Yan ang nababagay sa mga babaeng tanga sa pag-ibig! Ibebenta namin kayo sa malayong lugar! Buwahahaha! * with cape na pang-Kamatayan *

Emily: Sorry Abby. Pero nagkunwari lang akong mabait sayo. Ang totoo, isa akong girlfriend ng isang Mafia Boss. Hahahahaha! * with black leather jacket outfit , black boots and black lipstick *

O HINDEEEEEEEEEE!!!!!! >_____<

"Abby?? Abby okay ka na ba?"

Pagkatingin ko sa pinto, nandun si Emily. ANG GIRLFRIEND NG MAFIA BOSS!!

"A-Ahh, oo. Okay lang. Ahm,. bakit nga pala ako nandito?" pagtatanong ko.

Waaaaaaah papatayin nya ako!!!!

Biglang ngumiti si Emily. Yung ngiting parang may balak!!

Kailangan ko ng umalis di--

"Para sa kasal ng Kuya ko. Remember? Hehe, sorry kung biglaan ah. Nagpromise kasi ako sa kanya na may dadalhin akong friend ko", pag-eexplain nya.

Eh?! Kasal? Ng kuya nya?

"Yung nandun sa labas, yun yung kuya ko", sabi nya with her brightest cheerful smile.

Pagtingin ko sa labas, nandun ung nang-dump dun sa lalaki sa restaurant.

Kuya nya?

EEEEHHHHHHHHHH?!!!!!

Tbc.

The guy who got dumped by a guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon