Chapter 10

320 15 1
                                    

Ency

* stare *

* stare *

* stare *

UGHH! TAKTE! Kanina pa ako tinitignan ng babaeng yun ah?! Yung babae sa restaurant. Tsk. Alam ko namang gwapo ako pero ba't ganyan sya makatingin?!!

"Ah, eh, magkakilala pala kayong dalawa?", sabi ni Emily at pinipilit ngumiti.

Si Emily ang kaisa-isang kapatid ni Queenie. Hindi ko siya masyado nakakausap pero mabait ang batang yan. (<-- halos magkasing edad lang)

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kasama nya ang babaeng yan!! Oo yan! Yang babaeng yan! Di ko makakalimutan ang ginawa nya nun. Tsk

Abby

Hmmmm.

Hmmmmmmm.

Kanina ko pa tinititigan ang lalaking nasa harap ko ngayon. Oo sya nga! Walang duda, sya talaga yung nasa restaurant nung isang linggo. Yung binasted nung babae- ay lalaki pala! Na kuya pala ni Emily! OHMAYGULAY!

Ngayon ko lang napagtanto na sobrang liit pala ng mundo.

"Ah, eh. Magkakilala pala kayong dalawa?", sabi ni Emily at halatang naiilang sya pero pinipilit nyang ngumiti.

"Yan? Hindi ko yan kilala", sabi bigla nung lalaki.

"Hmp. As if naman kilala ko ang taong yan", sabi ko din. Di ko makakalimutan ang ginawa nya! Di man lang nya ako nilapitan at cinomfort nung umiyak ako.. Huhu- wait what?!

"Haha. Ang cute nyong dalawa", biglang sabi ni Emily. Aba't! Mukhang nageenjoy pa yata sya! ABA!

"Teka nga. Bakit nga ba nandito ang babaeng yan?", tanong nung lalaking baklang impakto. Hahaha.

"Ano ba Kuya Ency, wag mo nga ganyanin si Abby", sabi bigla ni Emily. Woah! Ang cute nya *-* Haha.

"F-Friend ko sya. Kaya ininvite ko siya dito", dagdag ni Emily, na medyo nauutal.

Woaaaah *O* Ang cute nya!

"Tsk. Friend? Yang babaeng yan?", at tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Nag-init ang mukha ko nang bigla syang nag-smile ng nakakaloko.

"Wala man lang shape", pabulong nyang sabi pero rinig na rinig naman ng tainga kong astig!

"ANONG SABI MO?! ANONG SHAPE?! SHAPE SHAPEIN MO MUKHA MO! BAKLA!" pasigaw kong sabi at handa ng sugurin ang lalaking impakto na nasa kabilang table habang pinipigilan ako ni Emily. Grabe!! Nakakairita sya! Ang bastos ng bibig! Tsaka ano bang kinalaman ng shape sa friendship?!!

Akmang babawi pa sana sya nang biglang dumating ang isang napakagandang babae.

"Hmm? Anong nangyayari dito? Ency, may kaaway ka?", tanong ng babae.. na medyo may boses lalaki?!

Teka.

"W-Wala.. I-It's nothing to worry about.." sabi nung 'Ency' at nag-blush pa!! OMG SYA BA YUN?! SYA BA YUNG NANG-DUUUUUMP?

"Kuya ang tagal mo. Kanina pa kami nag-aantay sayo dito oh", sabi ni Emily.

Kuya?

So siya si..

"Oh. Hi there, beautiful. Ako nga pala si Elibe, but you can also call me Queenie", sabi nya nang nakangiti at nag-offer ng hand.

O______O

A-Ang ganda nya..

"Ah- Ah, hello. Ako si Abby", nahihiya kong sabi at nakipag-shake ng hands. The fudge!! Mas maganda sya sa malapitan! Natitibo na ba ako?!

"Kuya, siya yung sinasabi ko sayo last time. Yung nag-save sa akin", pagpapaalala ni Emily sa kanya.

"Ah! Oo. Naalala ko na. Hahaha, ikaw pala yun", sabi nya at tumawa sya, pero ung tawa nya, gentle at graceful pa rin tignan!

Ngumiti ulit sya. WAAAAAH ANG CUTE TALAGAAAA! >_____<

"Excuse me for a minute", sabi nya at biglang pumunta sa kabilang table at nakipag-usap sa mga bagong dating.

Ang ganda nya. Lalo na pag ngumiti. Para syang angel na dyosa.

No wonder nainlab ang impakto na yun sa kanya. Ang ganda ganda nya, at mukhang mabait. Napaka-sweet.

"Psh" narinig kong sabi nung impakto. Bigla syang tumayo at naglakad palayo.

Moodswingsssss ~

Baka may PMS? Ano sya, babae? Hahaha.

**

Paula

"Anong ibig mong sabihin? Hindi totoo ang mga sinabi mo kay Abby?", naiirita kong tanong sa lalaking kaharap ko ngayon na boyfriend ng bestfriend ko. Ay, ex pala. Dahil manloloko ang isang hayop na to!

"I'm sorry. Kailangan ko lang gawin to.. Ayoko syang masaktan", sabi ng hayop na lalaking to na gusto ko na talagang ipa-salvage.

"What? Anong ayaw masaktan? Sinaktan mo na sya! Tapos na! Nasaktan mo na! Tapos ngayon sasabihin mong hindi totoo lahat? Ano yun, isang malaking PRANK lahat? WHAT THE HELL. GET LOST!", sabi ko at tuluyan ng umalis sa cafe na yun.

Damn that man! Ayoko ng masaktan si Abby. Sobra na yung ginawa nya. Tsaka bakit kailangan nya pang sabihin sa akin na hindi totoo ang mga sinabi nya kay Abby?

Kahit ano pang dahilan nya, ayoko na syang lumapit kay Abby. Hindi ako makakapayag na masaktan ulit ang kaibigan ko dahil lang sa lalaking yun.

TBC

**

SALAMAT SA NAGBASA, NAGBABASA AT MAGBABASA! :DD

- DM

The guy who got dumped by a guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon