Ency
"Sir Rence, g-galing po kay M-Ma'am Queenie" nasa balcony ako nakaupo sa isang upuan nang biglang lumapit ang isa sa mga maids namin at inabot ang isang white na envelope. Hindi pa nga pala nila alam na lalaki si Queenie. Tsk.
Nasa bahay namin ako ngayon dahil wala ako sa mood alalahanin ang mga alaala namin ni Queenie sa condo ko. Don't get me wrong, ang mga alaalang tinutukoy ko ay ung pagluluto sa kitchen together at pagmamarathon ng movies sa sala. Okay so what's with this white envelope this time? Ano na naman to Queenie?
Mabuksan na nga lang.
Oh shit!
Invitation Card.
King Elibé & Princess Mae Wedding
Where the fck is Queenie's name here?!
Sa pagkagalit ko, naibato ko yung invitation card. Sa pagkabato ko, napansin kong may lumabas na papel sa loob ng card. Nacurious ako kaya dinampot ko ulit ito. Kinuha ko yung papel at tinignan. To Ency?
Binuklat ko ito at nakita ko ang sulat kamay ni Queenie.
"Hi Ency? Galit ka pa ba sa akin? Sana hindi na. Alam ko nabigla ka sa mga sinabi ko sayo. Pero sana mapatawad mo ako. Sorry kung di ko nasabi agad. Hindi ko talaga sinasadyang saktan ka. Ency I'm getting married. And I want you to be my best man. If okay lang? But I really want it to be you. Please? Alam ko sobra sobra na ang hinihiling ko sayo at sobra sobra na kitang nasasaktan, but I really want you to be my best man. Para sa akin you are my best friend. So Ency, please do me this last favor. I love you Ency! I'll be waiting for your approval. :) -Queenie"
I love you Ency.
I love you Ency.
I love you Ency.
TSK. Makapunta na nga lang sa kasal na yan!! -_____-
-
Abby
Bakit nga ba mahal kita
Kahit di pinapansin ang damdamin ko?
Di mo man ako mahal
Heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sayo
Eto na naman ako kumakanta sa abot ng aking makakaya. Haaay. Nasa Mother Unicorn's Wonderland kami ngayon ni Paula at talaga nga namang kinakareer ko ang pagkanta ng masasakit, malulungkot, at mga bitter na kanta. E bakit ba? Feel ko e. Nasabi ko na rin nga pala kay Paula ang mga nangyare. Syempre sandamakmak na lecture ang natanggap ko sa kanya. Muntik na nga nyang masira ung table namin kanina sa Jollibee. Pero syempre pinigilan ko siya.
At ngayong alam na nga nya, malaya na akong magpakabitter, o magpakatalunan-face.
"Bruha tama na nga yan. Kanina mo pa yan kinakanta, magsasawa na sayo yang kantang yan" sabi ni Paula habang umiinom ng kanyang Zagu. Wait, kanina pa yata ako nag-aadvertise dito ah? Erase erase. Wala akong balak ngayon. Next time na lang please =____= Pero masarap yang Zagu pramis. Oops.
"Best naman. Mukhang napamahal na nga sa akin ung kanta e" pagbibiro ko at kinuha ulit ang Song Book na nakapatong sa isang maliit na table sa gilid.
"Anong use ng song book na yan kung iisang kanta lang naman ang kinakanta mo? Susmaryosep Abbrillata!" pang-aasar nyang pagalit na alam kong naiinis na talaga.
"Che. Basta hayaan mo lang akong kumanta dito. Mukha ngang nagugustuhan mo ang boses ko e" sabi ko at sabay tawa. Napatawa na rin siya sa sinabi ko. LUL.
Yun na naman ang kinanta ko syempre. Bakit nga ba mahal kita Tristan? Bakit nga ba? Di mo man ako mahal, eto pa rin ako oh. Nagmamahal ng tapat sayo..
Pero habang kumakanta ako, nakita ko sa labas ang dahilan ng kumikirot kong puso.
Si Tristan Drew Arcañez. Kasama ang isang babaeng may bilog na tyan.
Tbc.
--Apir mga sawi! =____= Hahaha. XD Kung ano ano ng pumapasok sa utak ko. Haha. Mother Unicorn's Wonderland? :DDD
THANKS FOR READING! :3
BINABASA MO ANG
The guy who got dumped by a guy
HumorFirst stort na ipopost. Bigla ko lang to naisip. Mwahaha. Cliche? OA? Weird? Sorry na! HAHA. - DM