AbbyNasa bus na ako ngayon at tinatahak ang daan papuntang Western Blue Sea bitbit ang bagaheng may lamang mga ibang damit at gamit good for one week. Mas maganda daw kasing doon na lang muna mag-stay sabi ni Emily para di nakakapagod ang pag-uwi uwi. Ilang oras din kasi ang byahe. Pumayag na rin ako tutal bakasyon ko naman. Sa villa din nila kami titira kaya wag daw ako mag-alala dahil di naman niya ako pagbabayarin. (Hindi nga ba?)
Umuwi na rin si Kuya matapos kong madiin na sabihin na di talaga ako pumapayag sa plano niya. May bahid ng pagtatampo ang boses niya pero sanay na ako doon, lagi naman kasi siyang nagpapaawa. Sa aming dalawa, parang siya pa ang mas nakababata kung umasta.
"Hays. Bakit kasi ako pa, ang dami naman dyang iba ee", sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Matagal pa ang byahe kaya't nagpasya akong matulog na lang nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.
Sino naman kaya? Alas sais pa lang ng umaga.
Text message?
ABBY!! TAWAG KA NGA! Wala kasi ako pantawag. Kaya ikaw na lang tumawag. Daliiiii! EMERGENCY!
- Paula
Nanlaki ang mga mata ko at dali daling dinial ang number ni Paula.
Anong problema? Okay lang ba siya? May aksidente ba? Nasa panganib ba siya ngayon?!!
"ABBRYLATA!", unang pagbati na agad sa akin ni Paula.
"Teka huminahon ka. Asan ka ngayon? Ano ba nangyari?", medyo natataranta ko na ring sabi.
"May mga taong galing sa iba't ibang newspaper and magazine companies. Nagtatanong kung totoo bang may namamagitan sa inyo ni Drerence Benedicto! Eh hindi ko naman kilala ang sinasabi nila! Tapos biglang nagpakita sila ng mga litrato. OMG bes ano ginawa mo?! At sino ba yung poging yun ha? Dalian mo sumagot dahil kasalukuyan akong nasa loob ng CR nagtatago!", mabilis na pagpapaliwanag ni Paula sa akin at narinig ko ang medyo pag-eecho ng boses niya.
"Hays! Sabihin mo walang namamagitan sa amin ng taong yan! Bakla- ...", napaisip ako bigla. Pag sinabi ko sa madla na bakla siya, tiyak babagsak na ang career niya at wala na siyang mukhang maihaharap. Mawawala sa kanya ang lahat kaya wala siyang choice kundi ang magmakaawa sa akin.. na.. wag.. kong.. sabihing.. bakla .. siya. Heh. Naglabas ako ng pilyong ngiti sa mga naiisip.
"Paula. Huminahon ka, okay? Basta ang sabihin mo na lang sa kanila, wala kang alam. Okay? Ieexplain ko sayo mamaya lahat lahat. Nasa byahe pa ako ngayon. Kaya mo yan, love you best!", pagkasabi ko at agad pinatay ang phone ko.
Whew.
Tumingin ako sa labas ng bintana at naglabas ulit ng nakalolokong ngiti.
Ke.. Ke.. Ke.. Kekekeke.
Humanda ka ngayon Drerence Benedicto!
**
Pagkarating ko sa villa nila Emily, agad agad niya akong sinalubong. Mag-aalas nuebe na rin ng makarating ako.
"Abbyyy! Sabi na nga ba't darating ka! Haaaay", sabi nito sabay yakap sa akin. Nanibago naman ako bigla. Ang tahimik na Emily bigla na lang naging masiyahin.
Tinignan ko siya mulo hanggang paa. Nakabihis ito ng puting floral blouse at naka-skirt pa ito na sinamahan ng 3 inches wedge na sapatos. At ito pa, naka-light lipstick ang lola!S-Siya ba si Emily?
H-Hindi kaya- O_____O
Napahawak ako sa bibig ko at nag-alalang tumingin sa dalagang nasa harapan ko.

BINABASA MO ANG
The guy who got dumped by a guy
HumorFirst stort na ipopost. Bigla ko lang to naisip. Mwahaha. Cliche? OA? Weird? Sorry na! HAHA. - DM