PROLOGUE

7.7K 110 1
                                    

 "Hazel, kailangan ka ngayon dito sa room 243!"

"I'm coming!" 

tinapos ko na kaagad ang pag-aayos ko sa dress ni mrs. Iggy, kaya ng matapos na ako ay dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko sa ibabaw ng sofa sa gilid saka nagmamadaling tinungo ang pinto. 

binuksan ko na ang pinto at nagmamadaling lumabas, tumakbo kaagad ako para makarating sa kabilang room kung saan ay kailangan ko pang tulungan ang kasama ko sa ginagawa niya. 

"Haz-"

"I'm here! I'm here! sorry tinapos ko pa yung kay mrs. Iggy" hinihingal akong na patigil ng makapasok na ako sa loob. 

ilinibot ko ang buong paningin ko sa paligid at nakita ko na madami pang kailangan ayusin. Nandito kami ngayon sa dressing room. 

"Tulungan mo nalang si rachel doon sa kabila" utos nito kaya tumango nalang ako bilang tugon bago ako naglakad palapit kay rachel na ngayon ay abala sa pag-aayos ng buhok ng client namin. 

"Mabuti naman at nandito ka na" bungad nito sa akin ng makalapit ako at nagulat ako ng bigla niyang binigay sakin ang hawak niya, "oh ikaw na muna ang mag-plantsa niyang buhok niya, may kukunin lang ako sa kabila" Paalam nito.

Magsasalita sana ako kaya lang ay nakaalis na siya, na pababa ako ng tingin sa hawak ko bago napadapo ang paningin ko sa client na nasa harap ko.

hindi ako marunong gumamit nito dahil hindi naman sakop ng trabaho ko ang mag-ayos ng mga buhok!

"Ahem!" 

na tauhan ako ng marinig ko ang boses nito at kunot noo itong nakatingin sa akin mula sa repleksyon ng salamin na nasa harap namin. 

na pahinga nalang ako ng malalim bago ko pinagpatuloy ang naiwan ni rachel, hindi ko alam kung tama ba 'tong pinaggagawa ko?

walang segundo ang sinayang namin dahil malapit ng magsimula ang wedding ceremony ng client namin at gusto din nila na kami ang mag handle sa mga susuotin at mga ayos ng mga guest nila.

malaki din ang binayad nila sa company namin kaya kahit na rush hour na sila nagpaschedule ay ginawa pa din namin. 

hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko dahil habang tumatagal ay lalong dumadami ang mga pumapasok sa dressing room, meron pang mga late na dumating. 

tinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa ginagawa ko, ilang sandali pa ay natapos na din kaming lahat sa mga ginagawa namin kaya nagmamadali kami sa pag-liligpit at pag-aayos dahil kailangan pa namin pumunta doon ngayon.

habang nag-lalakad ako palabas ng building ay binuksan ko ang bag ko na nakasukbit sa kaliwang balikat ko at kinuha ang phone ko para tawagan si kylie.

tinawagan ko kaagad ang phone number ni kylie at inabot din ng apat na ring bago niya tuluyang sinagot.

[Hazel!.... ]

"Kylie, Tapos na kami dito. Papunta na 'ko diyan ngayon, si haizley pala?"

[She's with me. Don't worry I will----- Hi! Are you free la---  ]

"Boses ba ng lalake ang narinig ko? May iba kayong kasama? Naku! Kylie sinasabi ko sayo kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko malalagot ka talaga sa akin!"

[Hahaha Just kidding! Ano ka ba! nagtatanong lang naman yung tao ng direction!-- ]

"Nagtatanong o lumalandi?"

[--Grabe ka naman sa'kin!...... Ako na bahala kay haizley, babantayan ko 'tong inaanak ko]

"Okay. Papunta na ako diyan, ibababa ko na"

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now