CHAPTER 9

1.5K 30 0
                                    

Hazel POV

Mabilis lumipas ang mga linggo at ngayon ay naging maayos na din ang kalagayan ko dahil na din sa tulong ni weylin na palaging pumupunta sa mansion para alagaan ako kahit hindi naman kailangan. 

Samantalang si zathrian naman ay hindi pa din umuuwi hanggang ngayon. Huli ko siyang nakita noong lumabas na ako sa hospital at pagkatapos noon ay wala na akong narinig na kahit ano tungkol sa kaniya, hindi ko pa din siya nakakausap.

Wala ngayon si haizley dito dahil nasa school pa siya kaya bumalik naman ako sa pagtatrabaho ko dahil kung nandoon lang ako sa mansion ay maiinip lang ako dahil wala naman ako magawa.

hindi ko maintindihan kung bakit si zathrian ang palaging laman ng isip ko nitong mga nakaraang linggo. Kapag ipinipikit ko ang mga ko ay mukha niya ang palagi kong nakikita, gustong-gusto ko siyang makita ngayon pero hindi ko alam kung paano at kung na saan siya?



"Hazel..."

"Hazel...."

"Hazel!"

bigla akong na patalon mula sa pagkakaupo ko dahil sa gulat ng may marinig ako na humampas ng malakas sa ibabaw ng table ko kaya na pahawak  ako sa dibdib ko dahil sa pagkagulat. Nang mapatingin ako sa harap ko ay nakita ko si kylie na seryosong nakatingin sa akin habang na kapamewang pa.

"Ano ka ba naman kylie, bakit ba bigla-bigla ka nalang nangugulat!" medyo na pataas pa ang tono ng boses ko dahil sa ginawa niya kaya hinila ko na palapit ang inuupuan ko'ng swivel chair ko sa table ko.

"hello! kanina pa kita tinatawag. nakakailang 'hazel' na ako pero parang wala kang naririnig at natulala ka nalang diyan!" masungit nitong saad bago umupo sa upuan sa harap ko.

"Ano ba kasi yang nasa isip mo at parang sobrang lalim naman yata ng iniisip mo? may problema ba?" dugong nitong tanong kaya na pababa nalang ako ng tingin at na pahinga ng malalim.

"hindi ko din sigurado. Hindi ko maipaliwanag kung bakit palagi nalang siya yung nasa isip ko" sagot ko habang na papabuntong hininga pa ako, ipinatong ko ang magkabilang braso ko sa ibabaw ng table at iyinuko doon ang ulo ko habang nakapikit ako.

"siya? sinong siya? sino siya ba yung tinutukoy mo? Si weylin ba?" sunod-sunod nitong tanong kaya napailing-iling ako sa kaniya bago na pasandal sa inuupuan ko.

"Bakit ko naman iisipin si weylin?"

"Aba'y malay ko sayo! siya lang naman ang kilala ko na malapit sayo eh. Ano bang malay ko kung nag-kahulugan na kayo at may relasyon pero hindi niyo lang sinasabi" puno ng pagkasarkastiko nitong sagot kaya napaikot nalang ang mga mata ko.

"wala naman namamagitan samin ni weylin eh. Magkaibigan lang kaming dalawa, hanggang doon lang. period." saad ko at na ibaling ko ang ulo ko sa kaliwa at nakita ko ang maliit na picture frame namin ni haizley.

"Kung hindi siya edi sino? ang daddy ba ni haizley?" na patigil ako sa paggalaw ng marinig ko ang sinabi niya.

si zathrian?

"na sabi ko na ba sayo ang tungkol sa daddy ni haizley?"

"I don't know? maybe?" sagot niya. "Baka naman nahuhulog ka na ng hindi mo namamalayan" bigla akong na paangat ng mukha ng marinig ko ang sinabi niya.

ako nahuhulog?

"paano mo naman na sabi yan? I mean pano mo ba malalaman kung nahuhulog ka na sa isang tao??" tanong ko sa kaniya at na patingin siya sa'kin.

"hh-hmm? Kapag palaging siya yung nasa isip mo you feel comfortable and secure around him" panimula niya kaya bigla akong na paisip sa sinabi niya.

palaging nasa isip?

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now