CHAPTER 14

1.2K 39 2
                                    

Hazel POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang pagtama ng isang mainit na liwanag sa mga mata ko kaya na pabaling ang ulo ko sa kaliwa, unti-unti ko idinilat ang mga mata ko hanggang sa bumungad sa akin ang mukha ni zathrian na ngayon ay nasa tabi ko.

na pahawak nalang ako sa ulo ko, bumangon mula sa pagkakahiga ko pero na patigil din ako dahil biglang nanghina ang kaawam ko kaya na patigil ako sa pagbangon at na pahawak nalang ako sa bewang ko dahil biglang sumakit ito.

na pasandal nalang ako at pinalipas ang ilang minuto bago gumalaw uli, ilang sandali pa ay medyo nakakabawi din ako ng lakas kaya bumangon na kaagad ako at tinungo ang loob ng bathroom. ng makapasok ako sa loob ay kaagad ako naghilamos ng buong mukha ko, tinanggal ko na din ang mga suot ko at itinatapat ang katawan ko sa shower, binuksan ko iyon hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pag-agos ng tubig sa bong katawan ko.

sumasakit pa din ang balakang ko dahil na din sa ginawa ni zathrian kagabi, hindi niya din talaga ako tinigilan kagabi eh, hindi ko na alam kung anong oras na kami nakatulog.

ilang sandali pa ay natapos na din ako maligo kaya pinunasan ko na ang buong katawan ko, naglakad na ako palabas sa bathroom at ng makalabas ako ay nakita ko na natutulog pa si zathrian kaya naglakad na ako palapit sa walk-in-closet para kumuha ng maisusuot.

ng makalapit ako sa walk-in-closet dito ay kumuha na agad ako ng maisusuot ko at nagbihis na, ng matapos ako magbihis ay naglakad na ako palapit sa pinto saka lumabas na, hindi ko na ginising pa si zathrian.

tumungo ako sa kabilang kuwarto kung saan nandoon si haizley, kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa loob. tinignan ko kaagad ang higaan ni haizley pero hindi ko siya nakita at mukhang nasa labas siya ngayon kaya lumabas na lang ako doon.

tumungo kaagad ako sa labas at hinanap si haizley hanggang sa mapunta ako sa swimming pool dito sa hotel. Na patigil ako ng makita ko si haizley na naglalaro ngayon sa gilid ng pool habang kasama si aeron na nakatopless lang.

naglakad na ako palapit sa kanila, na patigil si aeron ng makita ako kaya isang tango ang binigay ko sa kaniya bilang pagbati ko.

sinalubong ako ni haizley ng isang yakap pero nagpaalam din siya kaagad na maglalaro lang kaya pinayagan ko siya at hinayaan na maglaro, umupo nalang sa upuan na nasa gilid habang si aeron ay naas kabila.

"Mukhang na pagod yata kayo ni zathrian kagabi?" sabi nito kaya na patingin ako sa kaniya pero na paiwas din ako kaagad ng tingin sa kaniya.

may ilan kaming pinag-usapan ni aeron tungkol sa plano namin ni zathrian na magpakasal, aware naman ako sa pwedeng mangyari kapag nagpakasal kami ni zathrian.

May tiwala naman ako kay zathrian na poprotektahan niya kami ni haizley, ayoko naman dumating sa punto na kailangan ko na talagang bumalik para lang maprotektahan ko sia.

Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa nandito na din si zathrian, kanina pa siya na gising at may pinahanda din siya na mga pagkain.

Na pag-usapan din namin ang tungkol sa birthday ni haizley dahil plano sana namin na hindi na magpahanda ng party, iimbitahan nalang namin yung kakilala namin para pumunta.

Ilang araw ang lumipas hanggang sa umuwi na din kami, tumagal din kami doon ng araw bago kami umuwi.

Sobra din nag-enjoy si haizley habang nandoon kami at siyempre palagi din nasa tabi ko si zathrian kahit saan ako pumunta ay palagi siyang nakasunod na para bang kapag inalis niya lang ang paningin niya sa akin ng ilang segundo ay mawawala ako.

Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay at tinutulungan ko din si haizley na ayusin ang mga gamit niya.

Habang inaayos ko ang mga gamit ni haizley ay na patigil ako ng may biglang kumatok sa pinto kaya na patingin ako doon at nakita ko na pumasok sa loob si zathrian.

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now