CHAPTER 4

2.7K 52 7
                                    

Haizley POV

Kinarga ako ni daddy ng makarating kami sa hagdan at naglakad pababa, samantalang si mommy ay naliligo pa sa taas dahil susunduin niya pa si uncle weylin. Ng makababa kami ni daddy ay dinala niya ako sa sala at iniupo sa sofa bago tumabi sa akin.

"baby are you starving?" tanong ni daddy kaya na paangat ako ng mukha sa kaniya at tumango-tango. "yes daddy!" sagot ko at nakita ko na itinaas ni daddy ang kamay niya kaya ng mapatingin ako sa butler na kasama namin ay nakita ko na naglakad ito palayo.

"daddy I saw mommy earlier, I think she wants to kiss you" kuwento ko habang inaabot ang stuffed animal sa table na nasa harap namin pero bago ko pa mahawakan iyon ay si daddy na ang kumuha at ibinigay sa akin.

"you saw that?"

"yes daddy! nakatitig sa iyo si mommy kanina habang natutulog kayo pero ayaw aminin ni mommy" tugon ko habang pinaglalaruan ang hawak ko at ng mapatingin ako kay daddy ay nakita ko na parang nakangiti ito while shaking his head. Na kangiti si daddy ngayon habang nakahawak siya sa labi niya.

"daddy ngayon na pala babalik si uncle weylin!" pagpapatuloy ko hanggang sa na patingin sa akin daddy na sobrang seryoso ng mukha kaya ngumiti ako kay daddy.

"your uncle weylin? who's weylin?" tanong ni daddy.

"Haizley's foster dad, daddy! Uncle Weylin is kind, did you know, daddy, when I was little, Uncle Weylin was always with me, Uncle Weylin and I always played! he also takes care of mommy and me!" kuwento ko kay daddy bago ilinapag ang stuffed animal na hawak ko at yumakap kay daddy.

I can't help but smile everytime I remember my time with Uncle Weylin; I have many fond memories of him, and he is also very kind. I always play with Uncle Weylin and he always buys me ice cream.

na pansin ko na biglang tumahimik si daddy kaya na paangat ako tingin kay daddy, magsasalita sana ako ng mapatingin ako sa hagdan at nakita ko si mommy kaya agad ako tumayo at umalis sa pagkakatabi kay daddy.

nagmamadali akong lumapit kay mommy, ngayon na ang pagbalik ni uncle weylin at si mommy din ang susundo kay uncle weylin. Hinatid ko si mommy sa labas at nakita ko din na lumapit si daddy pero hindi manlang niya binigyan ng goodbye kiss si mommy!

naglakad na kami daddy pabalik sa loob at habang naglalakad ako ay na papatingin ako kay daddy dahil parang hindi maganda ang mood niya ngayon?

"daddy marunong ka ba magbike?" tanong ko ng makatigil kami ni daddy sa tapat ng dining table at tinulungan ako ni uncle aeron na makaupo.

"Why did you ask?"

"Kasi daddy palagi kami pumupunta ni mommy sa park dati kasama si uncle weylin! si uncle weylin ang nagturo sa akin na magbike at palagi din nakasakay si mommy sa bike ni uncle weylin!" pagkuwento ko kay daddy.

nakita ko na napatigil si daddy sa pag-inom ng coffee niya at na patingin sa akin kaya ngumiti ako kay daddy, ilinapag ni daddy ang hawak niya at ipinatong niya ang magkabilang siko niya sa ibabaw ng table samantalang ako ay kinakain ang mga pagkain sa plato ko.

"do you want to go to park?" tanong ni daddy kaya agad akong tumango-tango.

"yes daddy! haizley want to go to park with you and mommy!" agad kong sagot kay daddy.

"okay then finish your food and we will go to park later"

"yes daddy!"

Kaagad ko ng tinapos ang pagkain ko at ng matapos na ako ay hiniram ko ang cellphone ni uncle Aeron at tinawagan si mommy para sabihin na gusto ko pumunta si park.









Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now