CHAPTER 7

1.7K 50 1
                                    

Hazel POV

Bumalik na ako sa itaas kung saan naghihintay sa akin sila weylin at haizley, ng makaakyat ako ay tinungo ko na agad ang kuwarto ni haizley.

ng makarating ako sa tapat ng pinto ay na patigil ako ng makita ko na bumukas ang pinto at lumbas mula sa loob si weylin, na patigil pa siya sa pagsara ng makita ako.

"si haizley?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad ako palapit sa kaniya, "she's sleeping. na pagod siguro siya kanina habang hinihintay tayo" sagot niya ng makalapit ako kaya na patango ako sa kaniya.

na patingin ako sa buong paligid para malaman kung may iba pa bang nandito ngayon pero wala akong nakita na kahit sino, na pababa nalang ako ng tingin at hindi pa din maalis sa isip ko ang mukha ni zathrian kanina.

alam ko naman na kasama sa agreement namin na walang makikielam sa mga personal na buhay na meron kami pero hindi ko naman maiwasan na hindi mag-alala, siya ang ama ni haizley at ayoko naman na mag-alala si haizley tungkol sa kaniya, hindi ko na pigilan ang hindi mapabuntong hininga.

"May problema ba? bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" bigla akong na tauhan ng marinig ko ang boses ni weylin kaya na paangat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito kaya na pailing ako sa kaniya saka ngumiti.

"wala, may bigla lang sumagi sa isip ko pero wala namang problema" sagot ko habang nakangiti sa kaniya, na patitig siya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang iniisip ko.

"By the way, gusto mo bang lumabas? you know, to have some air?" tanong niya kaya lalo akong na pangiti sa kaniya.

"sige, gusto ko din lumabas" pagpayag ko habang na kangiti sa kaniya at na pangiti din siya sa akin pero na patingin ako sa pinto ng kuwarto ni haizley.

"Don't worry may mga magbabantay naman kay haizley dito, babalik din tayo agad bago siya magising" sabi ni weylin kaya na patingin ako sa kaniya.

may punto naman siya, may mga magbabantay naman kay haizley dito habang wala kami kaya wala din siguro magiging problema kung lalabas kami kahit saglit lang.

nagpaalam ako na magpapalit lang ng suot at pumasok agad ako sa loob ng kuwarto ni haizley para magpalit ng suot ko, ng makapasok ako sa loob ay lumapit agad ako sa walk-in-closet saka binuksan iyon.

naghanap ako ng maisusuot ko at ang na paili ko ay ang white off shoulder dress na lagpas hanggang tuhod. Kinuha ko na 'yun at nagpalit na ng suot ko, ng makapagpalit na ako ay inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko.

na patingin ako kay haizley na ngayon ay mahimbing natutulog sa malaki at malambot niyang kama habang nakayakap sa isang malaking unan, naglakad ako palapit sa kaniya, isang halik sa ulo ang binigay ko sa kaniya ng makalapit ako at hinila ko din paitaas ang kumot niya dahil nakalagay ito sa paa niya kaya inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya.

ng masigurado ko na maayos na ang lahat ay agad na akong lumabas doon at ng makalabas ako ay nakita kong nakasandal si weylin sa pader habang nakapamulsang naghihintay kaya naglakad palapit kay weylin at nag-paangat siya ng mukha sa akin.

naglakad na kami pababa ni weylin at nakaalalay din siya sa'kin habang naglalakad kami pababa.

ng makababa na kami ay tinungo na agad namin ang pinto at naglakad na palabas, lumapit kaagad si weylin sa sasakyan at hinila nito pabukas ang pinto sa unahan ng sasakyan niya kaya naglakad na ako palapit doon.

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now