CHAPTER 5

2.2K 55 2
                                    

Hazel POV

Habang nagbibisekleta kami pabalik ni zathrian ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sinubukan ko ituon ang atensyon ko sa harap at ramdam din ng buong mukha ko ang sobrang lakas ng hangin na masarap sa pakiramdam.

Ilang sandali pa ay nakabalik na din kami ni zathrian at ng itinigil niya ang bisekleta ay agad niya itinukod ang paa niya sa lupa bago bumitaw sa pagkakahawak niya kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Medyo nahihilo na naman ako at naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa bewang ko para alalayan ako kaya na patingin ako sa kaniya.

"O-okay na 'ko, hindi na ako nahihilo" sabi ko at agad niyang tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin kaya agad ako lumayo sa kaniya.

ilinibot ko agad ang buong paningin ko sa paligid para hanapin kung na saan si haizley hanggang sa makita ko siya na nakaupo ngayon sa isang bench na umiinom ng tubig at kasama niya din si Aeron.

"Mommy! Daddy!"

pagtawag sa amin ni haizley habang kumakaway pa ng makita niya kami kaya na una nalang ako sa paglalakad palapit sa kaniya habang kasunod si zathrian. Kaagad na tumayo si haizley mula sa pagkakaupo habang tumatakbo palapit sa akin kaya sinalubong ko siya ng yakap.

"Gutom ka na ba? gusto mo na bang kumain?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami dahil baka nagugutom siya sa tagal namin nawala ni zathrian. "Yes mommy! haizley's starving!" agad nitong sagot kaya na patango ako sa kaniya bago napalingon kay zathrian.

"May pinahanda ka naman siguro na pagkain bago tayo pumunta dito, diba?" tanong ko sa kaniya.

"Aeron" pagtawag nito kay Aeron kaya na pabaling ako kay Aeron na ngayon ay may kasama na mga butlers na may mga dala na baskets na mukhang naglalaman ng mga pagkain. Isang malaki na sapin ang ilinatag nila sa lupa at ilinapag ang mga hawak nila, ilinabas na nila ang mga nasa loob ng basket at inayos ito. 

"Mommy look! ang daming food!" sabi ni haizley habang nakaturo pa sa mga iyon, "Umupo na tayo sweety" sabi ko habang naglalakad kamipalapit doon, agad naman umupo si haizley kaya hinayaan ko na siyang pumili kung ano ang gusto niyang kainin.

Masayang-masaya na kumain si haizley kaya kumuha na din ako ng para sa akin pero ng mapatingala ako ay nakita ko si zathrian na nakatayo sa likod ni haizley habang nakatingin sa amin.

"Oh bakit hindi ka pa umuupo?" tanong ko, "umupo ka na ng makakain ka na din" dugtong ko pero hindi manlang siya gumalaw.

hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya paupo sa tabi ko, binitawan ko na ang kamay niya at kumuha na ng pagkain sa harap ko pero na gulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Do you know what happens if you pull me?" seryoso nitong tanong habang nakatingin pa sa akin ng matalim, "Walang sumubok kahit sino na hilain ako, but you-" kumuha ako ng isang muffin sa kaliwa ko saka ilinagay iyon sa bibig ni zathrian kaya na patigil ito sa pagsasalita at na gulat sa ginawa ko.

"Hinila kita paupo dahil kanina ka pa nakatayo diyan. Para na din saluhan mo kami ni haizley sa pagkain" walang gana kong usal at ininom yung ice tea na harap ko.

pinaupo ko lang naman siya pero kung makapagsalita ang akala mo may ginawa ako na kung ano sa kaniya. Hindi ko siya narinig na nagsalita pa kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at habang kumakain ako ay na patigil ako ng may humawak sa braso ko at hinila paharap, na patingin ako kay zathrian dahil sa ginawa niya.

na pakunot ang noo ko sa kaniya. 

ano naman kaya ang problema niya ngayon? 

huwag niya sabihin na galit pa din siya sa ginawa ko kanina?

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now