CHAPTER 10

1.5K 43 1
                                    

Hazel POV

"Mommy! mommy!"

bigla akong na tauhan ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni haizley kaya ng mapatingin ako sa harap ko ay na gulat ako ng makitang nasusunog na ang linuluto ko na ham kaya nagmamadali akong kumilos at pinatay kaagad ang apoy.

hindi ko namalayan na nasusunod na pala ang linuluto ko na ham, kaagad ko iyon inalis sa pagkakalagay sa stove at ilinagay sa lababo saka binuksan ang gripo at hinayaan na malagyan iyon ng tubig.

"Oh anong nangyayari dito? bait ang daming usok?"

na palingon ako ng marinig kong may nagsalita sa likod ko kaya ng mapalingon ako ay nakita ko si weylin na nakatingin sa akin habang naglalakad siya palapit sa amin ni haizley.

"n-nasunog ko kasi yung linuluto ko, hindi ko naman sinasadya na masunog yung linuluto ko" paliwanag ko sa kaniya at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko saka sa paghila sa akin palayo doon sa lababo.

"Are you alright? na paso ka ba? Let me see your hand" sunod-sunod niyang tanong at mararamdaman sa tono ng boses niya ang pag-aalala. Kinuha niya iyon at tinignan kung may pass ba ako, binawi ko din naman kaagad ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Weylin maayos lang naman ako hindi naman ako napaso o kung ano" sagot ko sa kaniya at na patingin siya sa akin.

"Bakit nga pala nandito ka? Wala ka bang shooting ngayon?" Dugtong kong tanong sa kaniya habang tinatanggal ko ang pagkakatali ng apron na suot ko sa likod ko.

"Na postpone yung shooting namin ngayon, sa susunod na linggo pa matutuloy, isa pa meron pa akong ilang araw bago matapos yung vacation leave ko" paliwanag niya habang naglalakad kami palabas ng kusina at nakahawak din ako sa kamay ni haizley habang naglalakad kami palabas sa kusina.

"Okay, pero wala ka bang ibang gagawin? I mean baka may gagawin ka pa?" Tanong ko uli sa kaniya habang na papaiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Hazel wait" pagtawag niya sa akin at naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko para pigilan ako sa paglalakad.

"Haizley pwede mauna ka na muna sa living room? May kailangan lang kami pag-usapan ni uncle weylin mo" utos ko kay haizley at na patingin siya sa akin pati na kay weylin.

"Okay mommy" sabi niya kaya binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na siya palayo sa amin kaya ng makalayo na siya ay humarap ako kay weylin.

"Iniiwasan mo ba ako? May problema ba tayo, hazel?" kong tanong ni weylin kaya na pailing-iling ako sa kaniya.

"Weylin hindi naman sa Iniiwasan kita, hindi---hi---hindi ko naman intensiyon na maramdaman mo na Iniiwasan kita" sagot ko sa tanong niya.

"Pero bakit hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko sayo nitong mga nakaraang araw?"

"Masiyado lang ako madaming ginagawa, alam mo na may mga activity at school projects si haizley na kailangan niyang matapos. Dagdag pa ang pagtaas ng demand sa mga designs na ginagawa namin, kailangan ko na din tapusin yung mga ginagawa ko nadesigns" paliwanag ko sa kaniya at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Okay kung yan ang dahilan, pero hazel seryoso ako. I'm really serious" sabi ni weylin at ramdam ko ang pagiging seryoso sa boses niya, hindi ko maiwasan ang hindi mapababa ng tingin .

"s-sige na kailangan na natin puntahan si haizley sa living room. Baka kanina pa niya tayo hinihintay" anyaya ko sa kaniya saka tinalikudan siya. "Don't worry, hindi kita iiwasan dahil lang sa sinabi mo na gusto mo noong nakaraang araw. Ayokong mawala at magbago ang meron tayo" dugtong ko at kahit na nakatalikod ako ay ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now