CHAPTER 11

1.3K 43 1
                                    

Hazel POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mga ko kaya na pabaling ang ulo ko sa kaliwa at ng kinapa ko iyon ay wala akong naramdaman na iba kaya unti-unti ko idinilat ang mga mata ko.

na patigil ako sa paggalaw ng makitang wala na si zathrian sa tabi ko kaya agad ako na pabangon at na patingin sa buong paligid pero wala hindi ko siya nakita.

ng mapabaling ang ulo ko sa kanan ay nakita ko na maliwanag na at tirik na tirik na ang araw sa labas. Na patingin ako sa katawan ko na ngayon ay nakabalot ng kumot at wala din akong kahit na anong suot.

na pahilamos nalang ako sa buong mukha ko gamit ang kamay ko, hindi ko mapigilan ang hindi mamula kapag naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ako nakapaniwala sa nangyari kagabi at pati na din sa mga sinabi niya.

nagtagal pa ako ng ilang minuto sa ibabaw ng kama hanggang na pagdesisyunan ko nang tumayo na habang nakahawak pa din ako sa kumot na nagsisilbing saplot ko sa buong katawan.

naglakad na ako palapit sa pinto at ng makalapit ako ay tinanggal ko ang pagkakabalot ng buong katawan ko sa kumot at iniwan iyon sa labas saka pumasok na sa loob ng bathroom.

isang malaking bathroom ang bumungad sa akin at ng mapatingin ako sa gilid ay nakita ko ang madaming set na mga shampoo at mga hair conditioner na maayos na nakalagay at by label pa.

naglakad na ako palapit sa shower at binuksan iyon, naramdaman ko ang pag-agos ng malamig na tubig sa buong katawan ko at nakapikit lang ako habang nakatapat ako sa shower. Nang mapadilat ako ay kinuha ko ang sabon na nakalagay sa gilid at sinimulan sabunin ang braso ko at ng masabon ko na ang dalawang baso ko ay sunod ko naman sinabunan ang mga hita at paa ko.

ng masabon ko na ang buong katawan ko ay sunod ko naman kinuha ang shampoo na nasa gilid ko katabi ng pinagkuhanan ko ng sabon, magkakatabi lang sila. Linagyan ko ang kamay ko ng shampoo at ilinagay na iyon sa buhok ko, bumula ito kaagad. Ng matapos na ako maglagay ng sabon at shampoo ay binuksan ko na uli ang shower at itinapat doon ang buong katawan ko para banlawan na ang buong katawan ko.

tumagal din ako ng ilang minuto sa loob ng bathroom at ng matapos na ako maligo ay kinuha ko kaagad ang putng tuwalya na nakasabit sa gilid at pinunasan ang basa kong katawan pati na din ang buhok ko, iniikot ko ang tuwalya sa buhok ko. Kinuha ko naman ang bathrobe ng mapunasan ko na ang buong katawan ko at isinuot iyon, ng maitali ko na iyon ay naglakad na ako palapit sa pinto at hinila iyon pabukas.

naglakad na ako palabas at ng makalabas ako ay sinara ko na ang pinto saka tinungo ang walk-in-closet ni zathrian pero na patigil ako sa paglalakad ng mahagip ng mga mata ko ang nakalagay sa ibabaw ng kama kaya naglakad ako palapit doon.

ng makalapit ako sa kama ay nakita ko ang isang red off shoulder dress na nakalagay sa ibabaw ng kama at may complete set ng underwear din ang nakalagay dito. Maayos na din ang buong kama na kanina ay magulo at mukhang bumalik dito si zathrian kanina?

kinuha ko na lang ang mga iyon at sinuot, ng maisuot ko na ang lahat ay isinabit ko na ang bathrobe at ang tuwalya na ginamit ko sa gilid kung saan may sabitan na nakalagay, may nahanap din ako na suklay kaya sinuklay ko na ang basa kong buhok.

naglakad na ako palabas ng kuwarto at agad na tinungo ang hagdan saka bumaba na. Habang naglalakad ako pababa ay may mabango akong naamoy at ng makaba ako ay hinanap ko kaagad iyon hanggang sa madala ako sa kusina at ng makapasok ako sa loob ng kusina ay na patigil ako sa paglalakad ng makita ko si zathrian na nakasuot ng apron.

habang nakatalikod at may kung anong linuluto, narinig ko din ang pagkulo ng tubig, nakasuot siya ng isang black pants at gray shirt na hapit na hapit sa buong katawan. Na pangiti nalang ako ng makita ko siya na nagluluto at hindi din niya na pansin ang pagpasok ko dito sa loob ng kusina dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa linuluto niya.

kaya ihinakbang ko ang mga paa ko palapit sa kaniya hanggang sa makalapit ako sa kaniya at yinakap ko siya ng mahigpit mula sa likod, nakita ko pang napatigil siya sa ginagawa niya at na palingon sa akin kaya isang napalaking ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

"Good morning" pagbati niya sa akin at naramdaman ko ang paghalik niya sa pisngi ko, "Good morning din" pagbati ko pabalik saka hinalikan din siya sa pisngi niya at bumitaw mula sa pagkakayakap ko sa kaniya saka tumabi sa kaniya at na patingin sa linuluto niya.

"Ano pala yang linuluto mo?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa nakasalang sa ibabaw ng kalan.

"I cooked pasta, and I also try to cook chicken curry" sagot niya habang tinuturo pa ang mga iyon kaya na patingin ako doon. "hh-hmm matikman nga itong mga linuto mo" sabi ko at may ibinigay siya sa akin na kutsara ang isang maliit na plato kaya tinanggal ko ang takip nito at kumuha ng kaunti saka tinikman ang chicken curry na ginawa niya.

na patigil ako ng matikman ko iyon at ng mapatingin ako sa kaniya ay nakita ko na nakatingin siya sa akin kaya na patango-tango ako at kitang-kita sa mukha niya na hinihintay niya ang sasabihin ko tungkol sa chicken curry na ginawa niya.

"uhum.. masarap siya. Mas masarap siya kaysa sa chicken curry na ginagawa ko" saad ko habang kumukuha pa dahil sobrang sarap talaga ng pagkakaluto niya sa chicken curry. "Magaling ka pala magluto? ang akala ko kasi puro utos ka lang sa mga maid mo para ipagluto ka" dugtong ko habang nginunguya ko ang kinakain ko.

naramdaman ko ang paghawak niya sa mukha ko at hinila niya ang mukha ko paharap sa kaniya, bigla niyang ilinapit ang mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi.

Hindi ako nakagalaw ng bigla niyang ilinapat ang labi niya sa labi ko at ng maghiwalay ang mga labi namin ay nakita ko ang pagngisi sa mukha niya habang napapatango-tango pa.

"You're right, it's delicious" he said his very husky tone of voice while smirking.

biglang nag-init ang buong mukha ko dahil sa ginawa niya at agad ako na paiwas ng mukha sa kaniya dahil paniguradong sobrang pula na ng buong mukha ko at sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

hindi ko naiwasan ang hindi mapakagat sa ibabang parte ng labi ko habang napapahawak ako ng mahigpit sa hawak kong kutsara.

"t-tulungan na kita ilagay yan sa lamesa" nagkadautal-utal pa ako sa pagsasalita habang hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya at mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko na nakatingin siya sa akin habang nakangisi ng nang-aasar.

linagay ko na sa plato ang kinuha saka naglakad palabas doon habang dala ko ito, ng makalapit ako sa dining table ay ilinapag ko na din kaagad at bumalik sa loob ng kusina para kumuha ng iba pa na gagamitin namin.

tinulungan ako ni zathrian sa pagkuha ng mga plato at ng mailagay na namin lahat sa ibabaw ng lamesa ay umupo na din kami.

kukunin ko sana ng kanina kaya lang ay kinuha niya at nakita ko na siya pa mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko. Siya ang naglagay ng lahat ng gusto kong kunin, hindi niya ako hinayaan na kumilos manlang.

hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti na may halong kilig dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito. Sobrang aliwalas ng mukha niya hindi katulad kagabi na sobrang seryoso at wala kang makikita na ibang ekspresyon sa mukha niya.

Habang kumakain kami ay biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni aeron sa akin kahapon tungkol sa problema ni zathrian ngayon.

"uhm.... zath?" pagtawag ko sa kaniya at na patingin siya sa akin kaya bago ako nagsalita ay uminom muna ako ng tubig.

"Narinig ko kasi na may problema ka daw sa business mo? kung may maitu-"

"where did you heard that? who told you about that?" biglang pagputol ni zathrian sa sinasabi ko at bigla din naging seryoso ang tono ng boses niya.

"kay ae--- hindi ko na matandaan kung kanino ko narinig" sabi ko at kamuntikan ko ng mabanggit ang pangala ni aeron.

"Aeron told you didn't he?" Seryoso niyang tanong kaya bigla akong na paiwas ng tingin sa kaniya habang pasimpleng kumakain.

"M-masarap ka talaga magluto, alam mo pwede kang maging chef" pag-iiba ko ng usapan habang nakangiti pa pero ng mapatingin ako sa kaniya ay sobrang seryoso niya akong tinignan kaya hindi ko naiwasan ang hindi mapakamot sa batok habang tumatawa ng mahina.

gusto ko lang magtanong eh!

bakit sobrang seryoso niya kung makatingin?

parang mangangain na siya ng buhay eh

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now