CHAPTER 15

1.5K 49 0
                                    

Hazel POV

Gabi na ngayon at oras na din para kumain kami, nagpahanda din si zathrian ng mga pagkain kaya ngayon ay hinihintay nalang namin na maluto ang mga ipinaluto niya. Nandito pa din hanggang ngayon si daphne at kasama siya ni haizley ngayon sa kuwarto nito habang pinapakita naglalaro sila.

nandito ako ngayon sa living room kasama si zathrian na nanonood ng isang horror movie, about siya sa isang virus na kumalat sa hangin at lahat din ng mga nakakalanghap ng mga ito ay may kung anong nangyayari sa loob ng katawan nila at nagiging bayolente silang lahat, ngayon lang naman uli ako nakanood ng ganito.

"Lord zathrian, Lady Hazel, Nakahanda na po ang lahat"

bigla kami na patigil ng marinig namin ang sinabi ng isang butler kaya na pabangon ako mula sa pagkakahiga sa hita ni zathrian.

"tatawagin ko lang yung mga bata" paalam ko saka tumayo na saka tinungo ang hagdan at umakyat na paakyat, ng makarating sa taas ay tinungo ko kaagad ang kuwarto ni haizley.

kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa loob at ng makapasok ako sa loob ay naabutan ko na naglalaro sila at magkasundong-magkasundo silang dalawa kaya hindi ko naiwasan ang hindi mapangiti ng makita ko na magkasundo ang dalawa.

"Haizley, daphne, it's time for dinner"

pagtawag ko sa kanila habang naglalakad ako palapit sa kanila, na patigil pa sila sa ginagawa nila at na palingon sa akin.

"mommy look! daphne draw it!" sabi ni haizley at ipinakita pa sa akin ang hawak niyang papel kaya na patingin ako doon, na patango-tango nalang ako sa nakita ko at ngumiti sa kanilang dalawa.

"let's go, your daddy's waiting for us downstairs" anyaya ko sa dalawa at pinauna ko sila na makalabas kaya ng makalabas sila ay sumunod din ako kaagad sa kanila at sinarado ang pinto.

magkahawak pa ang mga kamay nila habang naglalakad sila, sobrang cute nilang tignan, gusto ko silang yakapin ng mahigpit kung pwede lang dahil para silang mga teddy bear!

ng makababa kami ay pumunta kaagad kami sa dining area at ng makarating kami doon ay nakita ko na nakaupo na si zathrian ay mula naman sa kaliwa ay nakaupo din si aeron at na pangiti pa siya sa amin ng makita kami.

tinulungan ko na makaupo si haizley at daphne, kaya ng makaupo sila ay umupo na din ako. Linagyan ko pa ng pagkain ang mga plato nila, na pansin ko lang na hindi palasalita si daphne?

habang kumakain kami ay panay ang pagkuwento ni haizley tungkol sa ginawa nila ni daphne habang nasa kuwarto sila kanina. Na papatingin din ako kay daphne pero na kayuko lang ito, sobrang mahiyain na bata din si dahpne pero na pansin ko na kapag si haizley ang kumakausap sa kaniya ay nagsasalita siya.

ilang sandali pa ay natapos na din ang pagkain namin at may ilinabas na isang cake at ice cream ang mga maid ni zathrian.

hiniwa ko na ang cake at linagyan ang mga plato nila, ang una kong linagyan ay ang plato ni haizley at daphne, ang sumunod naman ay ang sa akin pati na kay zathrian. Sinimulan na nila iyon kainin, kitang-kita ko na nagustuhan ng dalawa ang dessert na kinakain nila.

ilang sandali pa ay natapos na din sila sa pagkain kaya kinuha ko ang table napkin at pinunasan ko ang bibig ni haizley dahil medyo kumalat ang cake at ice cream na kinakain niya. Na patigil ako sa paggalaw ng makita ko na lumapit ang isang butler sa amin.

"Lord zathrian, Lady hazel, nasa labas po ngayon ang butler ni young lady daphne para sunduin siya" magalang nitong pagkakasabi habang nakayuko pa kaya na patingin ako kay daphne.

"let's go, nandiyan na yung susundo sayo" anyaya ko sa kaniya saka tumayo na, tumayo na din si daphne pati na si haizley. Na unang naglakad si daphne habang kasunod si haizley.

Carrying the Daughter of Mafia LordWhere stories live. Discover now