Chapter 5

16 4 0
                                    

"Finally!" I stretched my arms up when the train stopped on the last stop—our destination

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Finally!" I stretched my arms up when the train stopped on the last stop—our destination.

Nauna pang bumaba iyong mag-ama kaysa sa akin. Hindi man lang ako tinulungan sa mga bag na dala-dala ko. Kokotongon ko 'tong ama ni Limer, e. Pero kinaya ko rin naman ilabas ng train. Nang makababa lang kami ay saka niya lang napansin na buhat-buhat ko 'yon. Kukunin pa sana niya sa kamay ko pero pinigilan ko na siyang gawin iyon.

"Sure ka na kaya mo?"

"Iniwan nga ako ng nanay ko at ng mga ex-boyfriend ko, kinaya ko, 'di ba? Ito pa kayang pagbubuhat ng maleta. Baka ikaw gusto mong magpbuhat?" sarkastiko kong tugon.

"Hmm... kung iyon ang gusto mo—" He was about to hand me over his bag.

"Hoy!" Saka ko siya pinigilan. "Bwisit ka talaga, Cholo."

"Sabi ko nga kasi, ako na." Tatawa pa nitong tugon saka niya kinuha mula sa kamay ko ang handle.

Malabo tang pupso ni Cholo at mabilis bumigay. And would I fall him because of that? Hindi. But there's something in him I couldn't explain. There's just a moment where Cholo becomes this different person where I don't recognize the jolly and funny personality because it was overboard with so much kindness and wisdom. Something you wouldn't expect to find on someone like him.

If Cholo would end up with another girl, she would be so lucky. Alam kong paulit-ulit ko na ring naiisip 'yon... kasi naman... bakit hindi?

Naghintay naman kami ng masasakyan namin papunta sa hotel na tutuluyan namin just for the day dahil after this day, we would be sailing na tomorrow.

"How long are we going to sail nga ba?" tanong ko kay Cholo.

"Five—six—five days. Depende sa magiging kondisyon ng panahon at sa makakasama natin."

"And we're sailing on good weather, right?"

He nodded by confirming my question. "Yup. Trust me."

Saglit lang din na may humintong taxi sa amin. Pinabuksan naman ni Cholo ang trunk ng taxi kung saan inilagay niya ang mga gamit namin. Nauna na akong pumasok sa loob kasunod si Limer at si Cholo sa harapan na katabi ng driver. Siya na naman ang nagsabi rito kung saang hotel ang pupuntahan namin.

He knows it best. Para bang hinatak na niya lang ako sa trip na 'to para sumama.

"After this, what are we going to do? Medyo nagugutom na ako... alam mo 'yon?"

"Tiis ka na lang muna," aniya. "Papakainin kita ng masarap."

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Ewan ko sa 'yo. Baka hindi tayo kumain pagdating sa hotel, bubulabugin ko buong pagkatao mo."

"Ay, gusto ko 'yan!" proud pa nitong tugon. Nginisihan pa ako nito. "Bulabugin mo lang ako habang buhay."

"I hate you, Cholo," I mumbled, rolling my eyes.

Sailing through our Whirlwind RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon