At night when we decided to get out and have some dinner at some dining place, si Cholo na ang nagpresenta kung saan kami kakain. Pero si Limer naman ang nakikipagtalo sa kanya. Hindi na ako nakipagbangayan sa mag-ama at hinayaan ko na lang kung sinong manalo sa kanila at saan kami malalagi tonight.
"Bakit ba ayos na ayos ka pa? Gabi na naman?" komento ko kay Cholo na nakuha pang pumorma—all denim ang tema niya ngayon.
"Bakit naman hindi?" sagot nito sa akin saka pa niya sinuot ang deep sunglass.
Napailing na lang ako. Inagaw naman ni Lime rang suot niyang salamin at itong anak niya ang nagsuot at humarap sa salamin upang tingnan kung bagay ba iyon sa kanya.
"Kayo talaga..." Napabuntonghininga na lamang ako. "Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon na kayo ang dalawa ko sa travel na 'to. Mukhang maling desisyon nga."
At sa pagkasasabi ko no'n ay sabay nila akong nilingon. As in sabay na humilig ang ulo nila sa direksyon ko. Natawa ako nang bahagya.
"Hay, naku! Bahala nga kayo riyan, iwanan ko na kayo."
Naglakad ako palabas ng room namin saka nagmadaling kumilos ang dalawa. Sinundan nila ako papuntang elevator hanggang sa makababa kami at pinangunahan na ni Limer kung saan kami pupunta ngayon.
Hindi kami pwedeng lumayo. Hindi namin kabisado ang lugar na 'to kaya mas mabuting sa paligid-ligid lang kami pupunta. Bukas ng umaga, we'll be leaving and would meet someone else na magkakadala sa amin sa yacht na gagamitin namin for sailing that I believe for five days.
I thought five days would be long, but I knew it will just pass by like what we did on our previous trips. Para bang sa sobrang saya ay nakalimutan na namin ang araw at hindi inintindi iyon. Gano'n nga talaga siguro kapag masaya ka sa isang bagay at komportable ka sa isang tao, we wouldn't even bother checking the time as we are living the moment we want to have.
I miss those times... we were so immature and young back then.
It was so good to remember them, but I feel like not coming back to those times. Masaya mag-move on sa better times and future. Lalo na sa mga taong hindi ka naman iiwanan.
Cholo and I followed Limer to the nearest restaurant. Sabik na sabik pa itong na puntahan namin 'yon. Nadaan din kasi namin iyon kanina no'ng lumabas kami and I know it would be an interesting place to be at.
"Baka mahal dito, a?" ani Cholo. Siniko pa ako nito. "Pwede bang ako na lang mahalin mo?"
"Huh?" Tinaasan ko siya ng kilay sa sinabi niya.
"Pakinggan mo nga 'yang sinasabi mo, Cholo," tugon ko. "Manginig ka naman sa sinasabi ko."
Pero napahagikgik na lang din ito hangga't sa nilapitan kami ng staff at saka kami tinanong kung mag-dine in kami. Dali-dali namang sumunod ang mag-ama. Sumunod ako sa kanila hangga't sa dalhin nila kami sa table namin. They grabbed the menu and picked what we would be eating tonight.
BINABASA MO ANG
Sailing through our Whirlwind Romance
RomanceZ & C Series #3 Zoey and Cholo are about to take their next journey and they're going deep through the ocean where their hearts and destiny lie. Would they finally reach the shore or a devastating storm will end their journey? *** After having a ro...