Chapter 13

9 2 0
                                    

I'm still a little hesitant about going to this party

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm still a little hesitant about going to this party. Hanging out with strangers was one of the few things I had done before, but in now's situation, I don't think that would be a good idea. But Jaino said it would be a good thing to share this night with these people even though we don't have any idea who are they.

Mababait kaya silang tao? O baka overthinker lang ako?

"Ang alam naman ata ng iniisip mo?" tanong ni Cholo sa akin na may kasama pang paniniko.

Nabanas naman ako sa ginawa niya at nasimungatan ko pa.

Napanguso naman ito si Cholo. "Grabe naman, 'to. Sungit, a? Kakakain mo lang, gutom ka na naman siguro."

Pinadilatan ko siya ng mata. "Ikaw rin! Grabe ka rin!"

Mag-aamba pa sana ako na papaulin ko siya sa braso niya pero nauna na siyang umilag bago ko pa man magawa 'yon. Natawa naman ako sa mabilisang reaksyon niya.

Napasinghal na lamang ako. "I really don't think this was a good idea kasi," usal ko. "We're hanging out with people we don't know. Paano na lang kaya kung may mangyaring hindi maganda, 'di ba?"

"Hmm..." he hummed, crossing his arms then squinted his eyes. "Let me ask you something."

Napakunot ang noo ko. "And what is it?"

"When we went for a road trip many years ago, 'di ba, gano'n din naman ang tingin mo sa 'kin?" tanong nito sa akin. He even had the urge to raise his brow at me. "Alam kong pinag-isipan mo pa ako ng masama, no'n."

I scoffed remembering those times.

"E, pa'no ba naman? Para kang timang no'n. You were just trying to hitch a hike tapos bigla ka na lang hinimatay sa daan. And I know what you did there, but I was supposed to leave you there dahil malay ko ba sa 'yo. Wala talaga akong pakialam no'n."

"Pero ngayon meron na? Yieee!" Muli niya akong siniko pero may kasama nang panunukso. "Love mo na talaga ako, 'no?"

My face showed in disgust. "Mukha mo! Love-love ka riyan. Never." Sabay irap ko sa kanya at saka ako humalukipkip at inunahan ko siyang maglakad, pero agad din naman niya akong hinabol. "You were always trying to hit me with those jokes. Paulit-ulit?"

Napangisi naman ito. "Sino ba kasing nagsabing joke 'yon?" pangunguwestiyon niya pa sa akin.

Bahagya akong napalunok ng laway sa sinabi niya. "Ay, ewan ko sa 'yo. Ang dami mong alam sa buhay."

"O, sa 'yo na nanggaling 'yan, ha? Ikaw na lang siguro kulang para mas dumami pa ang kaalaman ko."

"Manginig ka naman, Cholo."

At nag-inarte nga ito nanginginig na para bang nakuryente. Ang sarap salpukin.

"Nakikinig at nakikita ni Synestine 'yang mga kalokohan mo," dagdag ko pa.

Sailing through our Whirlwind RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon