"You did great, Zo," he commented as we get back up.
I wrapped myself in a robe while he grabbed himself one. Habang inaalala ko iyong nangyari kanina. It was something I would do a few years ago, but something I wouldn't do such as showing off at this age. Age hit me so hard with all the stuff that I had to get by that's why this kind of travel helps me forget about them even just for a quick moment.
"Alam mo pansin ko pa rin tingin sa 'yo no'n."
"Nino?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. "Si Bastien ba?"
Tumango-tango naman siya sa akin. "Gusto ka siguro talaga no'n. Bakit mo kasi ni-reject agad? Wala pang one day 'yon, a?"
Napataas ang kilay ko sa tanong niya. "Hindi naman na ata need patagalin pa kung hindi rin naman siya sasama sa akin pabalik ng Pinas, 'di ba?"
Natawa si Cholo sa akin. "Ah, so, crush mo rin nga?"
I shrugged off.
"Sus! Ikaw talaga, Zo. Balikan mo 'yon. Bigyan mo ng chance."
"E 'di, ikaw ang bumalik. Ikaw ang may gusto, e."
"Sige, sabi mo, e."
Kapag si Cholo ang nagsalita, minsan hindi ko na rin talaga alam kung nagbibiro ba siya o may halong katotohanan na iyong mga sinasabi niya. Iniwan ba naman ako at sinalubong si Bastien na kakaahon lang din mula sa pagligo sa dagat. Tumalikod ako sa kanila at hindi ako lumingon dahil alam kong nagkukwento na si Cholo patungkol sa akin. If I look, something would come up and if I go there and stopped him, baka mag-assume naman 'tong si Bastien. Mas nakakaloka 'yon.
After this day, I have no clue where we would be. But I know, Jaino has something for us to look forward to.
All throughout the day, it seems like the adults have been enjoying the fun rather than the kids who liked to play on deck. At the same time, the Monets are attending to the staff to prepare for dinner. Everyone seems to be busy around and as the night comes darker, I know this wouldn't be about the kid's party anymore. I just know that.
As everyone gets back to their yacht to take a quick back and change their clothes, Cholo and I did the same thing. Hindi naligo si Limer dahil baka mabinat siya. Maayos na ang pakiramdam niya, pero baka naman lumala kapag hinayaan naming siyang maligo. Hindi rin naman karamihan ng mga bata ay naligo dahil ilan sa kanila ang takot sa dagat.
Pagkalabas ko ng bathroom, biglang sumalubong si Cholo sap pinto at nakabihis na siya. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa dahil buhok na lang ang basa sa kanya.
"Hoy? Hindi ka na magbabanlaw? Baka mangati ka niyan dahil sa tubig dagat."
Umiling naman ito. "Hindi 'yan. Hindi naman ako nangati no'ng isang araw, e."
"Ay, bahala ka riyan. Hindi ko naman katawan ang mangangati, e," aniya. "Before we go back there to their yacht, I just thought of something else."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Humarap ako sa salamin upang isuklay ang buhok ko habang nasa gilid ko siya nakatayo.
BINABASA MO ANG
Sailing through our Whirlwind Romance
RomanceZ & C Series #3 Zoey and Cholo are about to take their next journey and they're going deep through the ocean where their hearts and destiny lie. Would they finally reach the shore or a devastating storm will end their journey? *** After having a ro...