Chapter One

2.5K 45 7
                                    

Dalawang araw na akong may sakit dahil naulanan ako. Nilalamig ako na para bang nasa ilalim pa rin ako ng ulan. Walang umaasikaso sa 'kin, walang nag-aalaga kasi wala namang may pakialam.

"Ahmya!" Narinig ko na naman ang sigaw ni Mama at ang malalakas niyang yabag.

Katulad ng inaasahan ko, kinatok niya nang sunod-sunod ang pinto. Hindi lang basta katok kundi kalabog.

I'm too weak to stand up nor to speak. I just let her open it and make her way inside.

"Ano? Dalawang araw ka na riyan, ah? Dalawang araw ka nang hindi pumapasok. May balak ka pa bang mag-aral, ha? Sabihin mo kung wala na dahil pabor din naman sa amin iyon at hindi sayang ang baon na ibinibigay namin sa 'yo!" sigaw niya at ramdam kong tumatama sa balat ko ang laway niyang tumatalsik. "Por dios por santo! Bente ka na. Nasa kolehiyo at nag-aaral para maging guro tapos ganiyan ka pa rin? Wala ka pa ring alam gawin!"

Wala akong lakas pero pinilit kong bumangon saka humawak sa side table upang kumuha ng lakas para makatayo.

"Papasok na ho . . ." mahina kong sabi.

"Edi mabuti! 'Di mo naman ikamamatay 'yang lagnat mo na 'yan. Makita mo lang si Kyler, magaling ka na ulit. Malandi ka!"

Lumabas na siya sa k'warto. Napatingin ako sa salamin at awang-awa ako sa sarili nang makita ko ang repleksyon ko. Dalawang araw na walang maayos na kain at tulog. Hindi rin gaano nakainom ng tubig dahil ako lang naman ang umaasikaso sa sarili ko. Hirap na hirap akong tumayo kaya naman minsan lang ako bumaba. Isang beses lang din ako nakainom ng gamot.

Sobrang payat ko na.

Wala akong choice kundi maligo at mag-ayos papasok sa school. Parang sasabog ang ulo ko sa sakit no'n. Nang matapos ako ay dahan-dahan akong bumaba.

Papasok na ako pero masama pa rin ang tingin na pinupukaw ni mama sa akin.

"Dalian mo. Late ka na!"

Hindi na ako nagpaalam pa at lumabas na lang ng bahay. Hindi na rin ako humingi ng pera dahil sa isip ko, nakakahiya na. May pera naman akong naiipon. Nagtitipid ako kasi hindi naman nila ako binibigyan.

Hindi ko naman daw kasi kailangan samantalang si Lyka, halos ibigay na sa kaniya lahat—pangangailangan niya at mga luho.

Hindi ko maiwasang sumama ang loob ko sa mga magulang ko kasi parang ang unfair. Parang hindi nila ako anak . . . parang hindi nila ako pamilya.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar kasi kahit kailan, hindi naman ako naging tama sa paningin nila. Iniisip ko nga na baka ampon ako. Baka napulot lang nila ako sa lansangan o hindi naman kaya ay may nag-iwan sa akin sa labas ng bahay nila.

Minsan ko na 'yong tinanong sa kanila pero ang sagot na nakuha ko sa kanila ay, "Tanga ka ba? Kung ampon ka at ayaw naman namin sa 'yo, matagal ka na sana naming itinapon sa labas at pinalayas."

Kahit naman tunay nila akong anak, p'wede naman nila akong paalisin kung ayaw talaga nila sa akin.

I don't know why they loathe me so much even if I have done nothing wrong against them. I still love them even though they can't give that back. They are still my . . . family.

Albeit unsure if what is the reason, I don't want to leave because I am still hoping that they will love me and accept me as part of their family.

Walang kasiguraduhan pero wala rin namang mawawala sa akin kung patuloy pa rin akong maghihintay.

I saw Kyler outside the gate of our University while he's surprised to see me. His smile seems hesitant to show up.

"Hi," bati ko nang makalapit sa kaniya. "Hinihintay mo 'ko?"

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon