Chapter Twenty-seven

1.5K 29 0
                                    

Palinga-linga ako sa likuran dahil kanina ko pa napapansin ang kulay itim na kotseng sumusunod sa akin magmula pa lang sa tinutuluyan ko. Mabagal lang ang andar nito kaya nag-iba agad ang kutob ko.

Nagbaka-sakali ako kanina na kapag pumasok ako sa 7/11 ay aalis na rin 'yon pero hindi. Hindi ko naman makita kung sino ang driver dahil tinted ang kotse.

Hindi pa sana ako makakaalis do'n kung hindi lang ako sumabay sa tumpok ng mga estudyante kanina. Kailangan kasi ay humalo ako sa maraming tao upang hindi ako mapansin.

Lakad takbo na ang ginagawa ko hanggang sa tuluyang makapasok sa school. Humahangos akong nakarating sa room.

Kakaiba ang takot na naramdaman ko. Biglang pumasok sa isip ko si Roger, o hindi naman kaya ay sina mama at papa. Bago lang sa paningin ko ang kotse, hindi katulad no'ng palaging ginagamit ni Roger. Sa pagkakaalam ko ay mayaman siya at hindi malabo na may iba pa siyang sasakyan.

Paano kung dukutin niya ako? O nila?

Wala pa naman si Khaos.

Balisa ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Binaha ko na rin ng messages si Khaos sa sobrang kaba ko. Hindi naman siya nag-reply kahit isang beses. Siguro ay sobrang abala sa inaasikaso kaya hindi na magawang ma-check ang phone niya.

I let out a deep breath hoping it will ease the nervousness I am feeling. I did it a lot of times but nothing happened, my heart still beats rapidly.

Dumating ang unang prof kaya pinilit ko na lang ang sarili ko na makinig upang mawala ang takot ko kahit papaano. Sinubukan ko naman na mawala sa nangyari kanina ang isip ko pero bigo ako.

"Ahmya, okay ka lang?"

Break time nang tanungin ako ni Rica. Lumapit silang tatlo sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanila at mabagal na tumango.

"Ayos lang," mahina kong sagot.

"Napapansin kasi naming kanina ka pa balisa. May nangyari ba?" tanong naman ni Jade.

"Wala naman. Baka hindi lang ako sanay na wala akong kasama. Wala kasi si Khaos kaya medyo naiilang ako kasi mag-isa ako," palusot ko.

"You can sit with us for the meantime, hangga't wala siya," si Krizza.

Mabilis akong umiling. Mas lalong hindi ako magiging komportable kung katabi ko sila. Mas okay nang ganito at ayaw ko rin makaabala pa ng ibang tao.

Magdadasal na lang ako na sana wala na roon sa labas ang sasakyan mamayang uwian. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.

"Hindi na. Okay na ako rito," sabi ko sa kanila saka muling ngumiti nang tipid.

"Sure ka, ah?" paniniguro ni Rica na tinanguan ko na lang bilang tugon.

Umalis na rin sila sa harap ko. Gustuhin ko mang bumaba upang kumain pero naisip kong saglit lang din naman ang libreng oras kaya rito na lang ako sa room. May biscuits din naman ako sa bag.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa mag-uwian na. Malalim ang naging pag-iisip ko habang pababa ng hagdan. Sinamantala ko nang marami ang estudyanteng palabas kaya sumabay ako sa kanila habang nililigid ang mga mata ko.

Wala.

Hindi ko na makita ang sasakyan kanina.

Napanatag ang loob ko. Dumiretso na ako sa trabaho at wala naman akong naramdamang kakaiba kanina habang naglalakad ako.

Wala pa ring text si Khaos. Sabi niya ay gabi pa siya makakabalik kaya hindi rin siya makakapasok sa trabaho ngayon. Mukhang ang guard lang ang makakasama ko magdamag pero wala namang problema sa akin.

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon