Since the day that I talked to Khaos and told him about my problems, I became comfortable with him. I already treat him as my friend because I can't find any reason not to. I may not fully trust him yet but he will surely earn it if he proves that he is worthy.
"Kumusta kayo ng pamilya mo?" tanong sa akin ni Kyler habang nasa back garden kami ng education department.
Hindi ako gaanong open sa kaniya pagdating sa mga problema ko. Nakakapagsabi man pero kaunti lang at hindi detalyado.
"Ayos lang," simple kong sagot.
"Kinakausap ka naman ba?"
"Oo . . . paminsan-minsan . . ." kapag may inuutos.
"Sana kasi hindi mo na pinagsabihan si Lyka at hinayaan na lang sila tita na pangaralan siya."
Bumuntonghininga ako. Alam niya ang huli naming pinagtalunan dahil kinulit niya akong magk'wento. Kinausap daw kasi siya ni Lyka tungkol dito at baka raw kay Kyler lang ako makinig na tigilan ko na ang mga drama ko sa buhay.
"Bakit parang kasalanan ko pa?" Hindi ko naitago ang inis sa boses ko. "Bakit masyado ninyong minamasama ang sinabi ko kay Lyka kahit na totoo naman iyon? Sana kasi hindi niya 'yon ginawa, 'di ba?"
"Hindi ko minamasama 'yon. Ang akin lang, kilala mo ang mga magulang mo. Saka baka mamaya may dahilan naman si Lyka kung bakit niya ginawa 'yon. Ugaliin mo na munang magtanong kaysa nagagalit ka agad. Hindi mo alam na baka may problema siya ngayon kaya hindi na siya nakakapag-aral nang maayos at nawalan na lang ng choice kaya nag-cheat."
"That is not a reason to cheat, Kyler!" I hissed. "Come to think of it, if you have a problem, will you cheat on me?"
Kahit wala kaming relasyon. If she entertained another girl just because he has a problem, it is still counted as cheating!
He fell silent, eyes directly looking at me. "That is a different matter, Ahmya," he said while his brows furrowed.
"Different?" I laughed sarcastically. "That is the same with what are you trying to say. Sinasabi mo na parang kapag may problema ka, valid reason iyon upang gumawa ng mali."
"You're getting me wrong."
I shook my head. "Kahit pagbali-baligtarin mo pa ang sitwasyon at kung ano ang dahilan ni Lyka, mali pa rin ang ginawa niya. Ang mali ay mali."
"At hindi naman maitatama ng mga sinabi mo ang mga pagkakamali niya kaya sana tinikom mo na lang ang bibig mo."
Salubong na salubong na talaga ang kilay ko dahil hindi ko siya maintindihan sa mga sinasabi niya. Nagiging sarado na naman ang isipi niya at hindi ko nagugustuhan ang takbo ng pag-uusap namin.
"You are the last person that I think will misunderstand me, but I guess I am wrong for thinking that," I uttered. "Talk to me when you already understand my point and where I am coming from."
I walked away with heavy footsteps. Nakasalubong ko pa sila Jade na may nang-aasar na ngiti, hindi ko alam kung para saan 'yon.
"Mukhang nagkakalabuan na, ah?" parinig na tanong ni Rica.
As long as I wanted to answer her, I kept my mouth shut. People like them don't deserve even just a second of my time.
Mga wala naman silang kwenta. Puro lang sila kuda, wala namang kwenta ang mga kinukuda nila.
Puro paninira lang din ang lumalabas sa bibig nila na akala mo nagmumukha silang malinis sa ginagawa nilang iyon pero lalo lamang nilang pinapakita kung gaano kabasura ang mga ugali nila at kung gaano ito nakakasulasok. Hindi sila lumilinis sa ginagawa nilang paninira ng kapwa kundi lalong dumudumi ang pagkatao nila. Kailan man ay hindi matatawag na malinis ang mga taong puro panghuhusga at paninira ang lumalabas sa bibig.
BINABASA MO ANG
Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓
Teen FictionPublished under Paperink Publishing. They say running away from the things that hurt you could be the answer to being finally free but then sorrow is one of the things that hurt and cannot be easy to escape. It is a permanent dweller inside of you a...