I was busy writing when a student knocked on the door to call our attention. I looked at him-the President of the student organization. Diretso siyang nakatingin sa akin kaya nagtataka ako kung bakit.
"Miss Bautista, pinapatawag ka ni dean," aniya.
Kumunot ang noo ko. "Ako?" paniniguro kong tanong kaya naman tumango siya. "Bakit daw?"
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko alam, e. Pumunta ka na lang daw sa office.
"Sige, susunod ako."
Matapos kong sabihin iyon ay umalis na siya. Napapaisip ako sa kung ano ang maaaring dahilan kung bakit niya ako pinapatawag.
If this is about Sir Martin, I thought it's already settled, that's why I am not thinking about it anymore.
Nang maayos ko ang mga gamit ko ay pumunta na agad ako roon. Kumatok muna ako bago pumasok saka bumati. Kinabahan agad ako sa ekspresyon ng mukha ni Dean Ruano, nakakatakot iyon. Mukha rin siyang dismayado.
"Sit down, Miss Bautista."
Sinunod ko ang sinabi niya. Malalim na paghinga ang pinakawalan niya at base sa itsura niya ay sobrang seryoso nitong pag-uusapan namin.
Nilakasan ko na ang loob ko at nagtanong. "Bakit n'yo ho ako pinatawag? May nagawa po ba akong mali? Tungkol po ba sa scholarship ko?"
He shook his head. "This is not about you but about your sister." He sighed. "She was caught cheating in her exams."
Mabilis akong nagtaka dahil alam kong kahit suplada ang kapatid ko at medyo bulakbol, matalino talaga siya at imposibleng mandaya sa exams.
"Paano pong nangyari na nag-cheat siya? Matalino po ang kapatid ko, dean."
"That's what we also thought because you are both scholars," he said. "But the proctor saw her that she has the copy of the answers while taking the exam. Hindi namin alam kung paano siya nakakuha ng copy. She is still denying it kahit na nakita siya. Kinuha rin ng proctor ang proof at ito 'yon." Binigay niya sa akin ang isang maliit na papel na may numbers and letters for answers.
"Why did she do this?" I asked confusingly but that isn't for dean. Tanong ko iyon sa sarili ko.
Hindi lang ako makapaniwala na kaya niyang gawin ang bagay na 'to. I had always believed that she is really smart.
"Some of the teachers reported her also. Nag-iiba ang behaviour niya. She's not participating in her class anymore like she always does. Madalas siyang gumamit ng phone habang nasa klase and one time, she ditched her class. Pinagsabihan ko na siya tungkol doon dahil akala ko magbabago siya pero lalo lang siyang lumala," wika niya. "I also told her that I want to talk to your parents today but it seems like she didn't tell them. I am sorry to inform you but if she keeps on doing this, we might pull out her scholarship."
That made me sad. Alam kong wala kaming sapat na pera para makapagbayad sa tuition dito pero dahil magandang eskwelahan ito ay pinilit naming maging scholar.
Alam kong magagalit ang mga magulang namin kapag nalaman nila ang bagay na 'to pero wala akong choice kundi ang ipaalam kung hindi ay mawawalan sya ng scholar.
"Please inform your parents about this," he added.
"Opo. Thank you po!" In-excuse ko na ang sarili ko.
Nang makalabas ako ay napahinga ako nang malalim. Ang problema ko ngayon ay kung paano sasabihin sa magulang ko na ang paborito nilang anak ay nag-cheat sa exam.
Magagalit kaya sila kay Lyka? O kakampihan pa rin nila? Posible kasi ang bagay na iyon. Alam ko ang takbo ng utak nila at minsan ay baliko iyon, katulad na lang kung paano nila ako tratuhin.
BINABASA MO ANG
Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓
Teen FictionPublished under Paperink Publishing. They say running away from the things that hurt you could be the answer to being finally free but then sorrow is one of the things that hurt and cannot be easy to escape. It is a permanent dweller inside of you a...