Chapter Twelve

1.4K 34 0
                                    

I stopped walking when I saw Kyler walking on the field. He turned to my direction and when he saw me looking at him, he waved his hand.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi kami masyadong nakakapag-usap dahil meron daw siyang pinagkakaabalahan.

I'm not really bothered but it's quite unusual. Dati kasi ay kahit busy siya, he still knows how to update me. Nakakapanibago lang naman.

"Haven't talked yet?" Khaos asked.

Humarap ako sa kaniya saka ko siya sinamaan ng tingin. "Alam mo ikaw? Masyado kang maraming tanong. Hindi ka ba matatahimik kapag hindi ka nakapagtanong?"

Tumawa lang siya saka umiling at ng-umpisa nang maglakad. "Samahan mo na lang ako sa library mamaya. Doon ako maghahanap ng sagot sa mga tanong ko, baka sakaling meron."

"Kahit libro hindi kayang sagutin mga tanong mo sa dami."

"Sometimes, the answers can't be found in books. You'll know the real answers through discovery." He smiled. "Nasa harap mo na ang sagot sa mga tanong mo, kailangan mo lang linawan ang mga mata mo."

Hindi ko naman siya naintindihan sa sinabi niya. Madalas kasi ay doble ang ibig sabihin ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. In times that he is being like that, I was left silent trying to contemplate what he said.

"Labo mo talaga kausap madalas," ang tangi ko na lang naibulalas.

"You just don't get me."

"Kaya ka nga naging malabo kausap, e. Kasi hindi kita naintindihan."

"Pasalamat ka crush kita. Iintindihin kita kahit tanga ka," natatawa niyang sabi.

Kumunot ang noo ko saka ko siya hinampas sa braso. "Anong crush pinagsasasabi mo riyan?"

Lalo lang siyang natawa. "Basta samahan mo na lang ako sa library mamaya."

Hindi ko na sineryoso ang sinabi niya dahil mukhang nagbibiro lang naman siya. Nagkibit na lang ako ng balikat.

Every time that Khaos is with me, I'll see Krizza's group rolling their eyes at me. I get it, alam kong may gusto sila kay Khaos at ang katunayan na magkaibigan kami ay lalong nakakapagpadagdag sa galit nila.

I'll just smile with the thought that they will be forever mad and barking bitches because I have what they can't have. Easily, without even trying that much or not doing anything at all.

People bark when they know you're better than them. Instead of focusing on improving, they will have something to say like it is totally your fault that you are doing good . . . better . . . and best.

However, we shouldn't be affected with whatever they say, just continue what you are doing because it is more worthy of your time.

Krizza can't bear not doing anything to piss me off. Just when I was supposed to pass my answer sheet to our professor, she waylaid her foot on where I was walking.

Muntikan na akong madapa kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa pagbagsak. Some of my classmates that saw what happened laugh, while some of them shouted at Krizza including Ma'am Sarmiento.

"H'wag mong pairalin ang ugali mong pangkalye rito sa eskwelahan, Krizza!" sigaw ni ma'am kaya tumigil sila sa pagtawa habang ang nahuli naman ay tinikom na lang ang bibig at yumuko. "College student ka na, stop acting like an elementary student who likes picking a fight in the cheapest way we all know." She then get Krizza's paper and crumpled it. "You can't just bully someone inside my class . . . or anywhere you had a chance to. Your wrong behaviours define how disgusting of a person you are."

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon