Naghahanap ako ng p'wedeng ipangregalo kay Khaos dahil malapit na ang birthday niya. Hindi ko nga lang alam kung ano ang gusto niyang matanggap. Hindi naman kasi siya materialistic. Mas sasaya pa nga siguro siya kung pagkain ang ibibigay ko.
Hindi ako mahilig magregalo pero deserve naman niya makatanggap sa dami nang naitulong niya sa akin.
Habang nag-iikot ako sa mall ay nakatanggap ako ng isang text.
Khaos Joaquin:
Where are you? Nandito ako sa labas ng bahay mo, wala ka. Gumala ka nang hindi ako inaaya?
Natawa na lang ako sa text niya. Bakit ko naman kasi siya isasama? Edi nakita niya rin kung ano ang ireregalo ko
Hindi ako nag-reply at nagtuloy na lang sa paghahanap pero bandang huli ay umuwi rin ako nang walang dala. Aayain ko na lang siya lumabas sa mismong birthday niya.
Pag-uwi ko, nangunot ang noo ko nang makita si Khaos sa labas ng bahay ko. Abala siya sa pagdutdot ng cellphone niya kaya hindi niya ako napansin.
"Umaano ka riyan?" tanong ko saka lumapit upang buksan ang pinto.
Nag-angat siya ng tingin saka napatayo. "Dumating ka na! Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay."
"Diyan lang sa mall," sagot ko saka pumasok sa bahay.
"Hindi mo man lang ako sinama. Nag-alala ako sa 'yo. Akala ko iniwan mo na 'ko," aniya saka sumunod sa pagpasok.
"Anong iniwan? 'Di naman tayo magkasama," natatawa kong sabi.
Dumiretso ako sa k'warto at sinara ang pinto para magpalit ng damit. Matapos magbihis at lumabas, naabutan ko siyang nangangalkal sa kusina at naghahanap ng lulutuin.
"Ang tagal kong naghihintay sa 'yo. Hindi pa ako kumakain. Hindi ka kasi nagre-reply sa mga texts ko," reklamo niya.
"Bakit kasi hindi mo ako tinawagan? Wala akong load. Hindi talaga ako makakapag-reply."
"Oo nga, 'no?" Natawa na lamang siya nang mapagtanto iyon.
Nagsalang siya ng tubig sa kasirola at nilabas ang dalawang pancit canton. Pumameywang siya nang muling humarap sa akin.
"Umano ka sa mall? May ka-date ka, 'no? Pinagtataksilan mo na ako?"
Natatawa ko siyang inirapan. "'Yong totoo? Dati ka bang may tama sa ulo?"
"May tama ako pero hindi sa ulo. May tama ako sa 'yo . . ." Kumindat siya sa akin saka muling tumalikod.
"Lumang banat na 'yan. Isip ka naman ng bago, baka sakaling kiligin ako."
"I-re-reserve ko na lang 'yong mga nakakakilig kong banat para sa magiging girlfriend ko, Ahms."
Magiging girlfriend . . . I wonder who? I'm very sure that she will be lucky to have Khaos. I have proven how he treats a girl very well. Ako pa nga lang na kaibigan niya, ang dami niya nang nagawa para sa 'kin.
"Your future girlfriend will be lucky to have you," I said.
Nilingon niya ako. "Ayaw mo ikaw maging first girlfriend ko?"
I fell silent. I just smiled at him and made my way outside the kitchen.
I'll just lie if I say that I am not feeling something for him. Alam ko sa sarili ko na nag-uumpisa ko na siyang magustuhan at hindi ako nagtataka kung bakit. Kung bakit ko nagugustuhan si Khaos? Ang daming dahilan ang p'wede kong ibigay.
He's far better than Kyler. Hindi sa pinagkukumpara ko sila pero ganoon talaga ang tingin ko. There's something to him that I can't ignore.
Palagi ko siyang napapansin. Simpleng galaw niya lang ay pinanonood ko.
BINABASA MO ANG
Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓
Teen FictionPublished under Paperink Publishing. They say running away from the things that hurt you could be the answer to being finally free but then sorrow is one of the things that hurt and cannot be easy to escape. It is a permanent dweller inside of you a...