Epilogue

2.7K 66 27
                                    

I slowly opened my eyes. I felt a calloused hand holding my right hand. Nang malinaw kong makita kung sino iyon . . . si papa na mahimbing na natutulog.

Mukhang siyang pagod na pagod. Iba na ang damit na suot niya pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Akala ko mamamatay na ako . . .

Binigyan pa rin ako ng Diyos ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ako. Siguro kasi gusto Niyang makasama ko pa ang papa ko . . . at si Khaos. Gusto Niya parang maranasan kong sumaya at nagpapasalamat ako roon.

I still feel heavy. Some of my bruises are still fresh and evident. Kumikirot pa ang ilan sa mga iyon. Mas makirot ang tama ko sa tiyan.

I sighed heavily. Now that it's all done, I can start a new life. I have a painful past but I'm glad that it's all in the past now. Simula na ito ng panibago kong buhay.

Tumingin ako kay papa. Pinagmasdan ko siya. Mahimbing ang kaniyang tulog. Ngayon ko lang napansin ang mga puti niyang buhok. May mga wrinkles na rin siya, pero hindi pa rin no'n maikukubli kung gaano siya kagandang lalaki.

I smiled weakly. Sana buhay pa si mama. Gusto ko rin siya makita.

He moved. Dahan-dahang nagmulat ang kaniyang mga mata. Nagitla siya nang makitang gising na ako at diretsong nakatingin sa kaniya.

"Gising ka na! Ano'ng nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?" Tumayo siya. "Teka, tatawag lang ako saglit ng doctor.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay para pigilan siya. "Huwag na po . . . ayos lang ako."

I saw relief in his face. He nodded and sat again to examine my whole being like he didn't do it a lot of times when I'm asleep. He then held my hand again and smiled weakly.

"I'm so sorry for leaving you, anak," panimula niya, bakas ang matinding pagsisi sa mukha. "I should've never left you. If I just know that they could do this, hindi na sana kita iniwan kay Divina. Araw-araw kitang naiisip . . . kung ayos ka lang ba, kung kumain ka na, kung masaya ka ba. They told me you're safe and they are taking care of you but they're doing the otherwise. I made sure you're really okay. Bata ka pa lang, pinasusundan na kita sa mga tauhan ko rito sa Pilipinas. They saw that you're really okay, pero hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa 'yo sa loob ng bahay. Akala nila ayos ka lang pero hindi pala. I was planning to get you on your fifth birthday but I was jailed for a sin that I didn't do."

Totoo nga ang sinabi ni Lyka. Hinawi ni papa ang mga hibla ng buhok kong humaharang sa mukha ko saka niya hinaplos ang aking pisngi.

"Twelve years . . . ang tagal bago ako nakalaya. Nagkaproblema rin sa . . . negosyo ng bago kong asawa kaya kinailangan ko munang bumangon ulit. Gustong-gusto na talaga kitang makuha mula sa kanila pero panatag pa rin ang loob ko no'n na ayos ka lang kasi iyon ang sinabi sa akin ni Divina pero galit ka raw sa akin."

Umiling ako. "Paano ako magagalit sa 'yo kung hindi naman kita kilala?"

"Iyan nga ang sinabi ni Khaos sa akin kaya nag-umpisa akong magduda," sabi niya saka bumuntonghininga. "I hired Khaos to look after you. Mas madali ko kasing malalaman kung ano ang nangyayari sa 'yo kung ang nagbabantay, kayang lumapit sa 'yo. He transfered in your school. I never thought that you two will be friends. Sinabi mo sa kaniya lahat kaya nalaman ko ang katotohanan. Nang malaman ko 'yon, inayos ko lahat ng kailangan kong ayusin sa States. Nagkataon pa kasing may problema at hindi ko iyon puwedeng iwanan. Nagpapasalamat na lang din ako nang lubos kay Khaos dahil nailayo ka niya kina Divina."

My brows furrowed. I suddenly questioned if Khaos was true. All of the times that I am with him, is it all true or because it's his job? Ginawa niya ba dahil gusto niya o dahil kailangan niya?

Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon