Tatlong araw hindi umuwi ang mga magulang namin katulad nang sinabi ng kapatid kong bruha. Hindi rin kami nag-uusap dahil wala naman kaming dapat pag-usapan at kung mag-uusap man kami ay mauuwi lang din sa away kaya mas mabuting hindi na lang kami magtagpo.
Ako na lang din ang umiiwas dahil pagod na pagod na akong makipagsagutan sa kaniya pati na rin kina mama at papa. Umuwi sila nang hindi ko pa rin kinakausap, hindi ako nagtanong kung saan sila galing. Malamig din naman ang pakikitungo nila kaya sa tingin ko ay pabor din sila sa ginagawa kong hindi pagpansin.
"What do you think is the reason why your parents don't like Kyler?" Khaos asked why we were heading back to our classroom.
Galing kami sa library para sa isang study na by pair kaya naman kaming dalawa na agad ang nagsama. Wala naman akong reklamo dahil matalino rin siya.
Hindi katulad noong sila Krizza ang kasama ko, by pair pero parang para sa apat ang ginagawa ko dahil puro naman sila pabigat at walang mga ambag.
Lumingon ako sa kasama saka nagkibit ng balikat. "Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam. Hindi ko talaga maintindihan ang mga magulang ko."
"Sa tingin mo ba may rason talaga sila?"
"Siguro iisipin ko na lang na rason nila ay ang ayaw nila ako mabuntis ng maaga. It's not that I am stupid enough to let that happen. I have so many plans in my life and being pregnant at an early age isn't part of them. Kung iyon ang kinatatakot nila ay wala silang dapat ipag-alala."
Wala naman kasi akong balak sagutin 'yong tao. Makulit lang talaga. Ngayon pa nga lang na nanliligaw siya, parang hindi niya na rin ako maintindihan.
Khaos laughed. "I know you really wouldn't let that happen."
"Kung magsalita ka ay parang kilalang-kilala mo na ako, ah? Isang buwan pa lang kitang kilala."
"Sometimes, the person you just met a month ago is better than the people you thought you knew years ago."
A smile rose on my lips and nodded. He is indeed right. Khaos is eloquent, he knows the right words to say. Napapansin ko rin na masyado siyang matalinhaga pero lahat naman nang sinasabi niya ay tama.
Napahinto kami nang makita kung sino ang mga nag-uusap sa gilid ng locker . . . sina Kyler at Lyka na mukhang hindi maganda ang takbo ng usapan dahil pareho silang salubong ang mga kilay.
Gusto kong lumapit pero hinarang ni Khaos ang braso niya sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit. Hindi ko sila marinig dahil sadyang mahina ang mga boses nila ngunit alam mong hindi maganda ang pinag-uusapan nila dahil sa ekspresyon ng kanilang mga mukha.
Lyka walked away, stomping her feet like a kid. Kyler looked at our direction and seemed surprised. Siya na mismo ang lumapit sa amin habang nakakunot ang noo.
Akala ko ay magagalit siya dahil magkasama na naman kami ni Khaos pero hindi iyon ang pinansin niya.
"Kanina pa kayo riyan?" tanong niya.
Tumingin ako sa kasama saka umiling. "Hindi naman. Ano'ng pinag-usapan n'yo ni Lyka?"
Tumingin si Kyler kay Khaos na naging hudyat niya para umalis na. Tinaas niya lang ang kanan niyang kamay habang naglalakad paalis bilang paalam.
Bumalik ulit ang tingin ko kay Kyler para marinig ang sagot niya tungkol sa tanong ko kanina.
"Kinausap ako ng kapatid mo para utusang tigilan ko na raw ang panliligaw ko sa 'yo," sagot niya. "Alam niya raw na hindi ka nila mapipilit kahit anong sabihin nila sa iyo kaya ako na ang nilapitan niya para pakiusapan."
"Ano'ng sinabi mo?"
"Hindi ako pumayag," sagot niya. "Wala akong pakialam kung ayaw nila sa akin, basta mahal kita at hinding-hindi kita iiwan kahit pa lahat sila ay tumutol sa ating dalawa."
BINABASA MO ANG
Flee from Sorrows (Affliction Series#5)✓
Novela JuvenilPublished under Paperink Publishing. They say running away from the things that hurt you could be the answer to being finally free but then sorrow is one of the things that hurt and cannot be easy to escape. It is a permanent dweller inside of you a...