*sniffKanina pa ako umiiyak dito.
Nandito ako sa kwarto at binabasa ang book na nalaglag ni Aki last week. Oo hindi ko na nagawang maibalik dahil sa naging busy na sa school loads. May free time ako ngayon at bigla kong naalala kaya...
Tamang basa.
"d.i.p "
That's the title of the book.
Die in peace
Written by Master, Ano ka Ice?
Oo ganan nga 'yung name nung author. Catchy 'yung title at author name kaya binabasa ko muna siya bago ko ibalik. I am pretty sure na matatapos ko 'to ngayong gabi dahil sa...
Ang ganda ng story.
Tungkol siya sa isang character na gusto ng mamatay pero ayaw niyang patayin ang sarili niya. Ayaw niyang mamatay sa aksidente, ayaw niyang mamatay sa sakit, ayaw niyang mamatay ng tulog. Gusto niyang mamatay sa pinakamagandang paraan.
Catchy talaga 'tong book lalo na sa generation ngayon.
Kasi halos lahat... suicidal na.
Halos lahat... Pinipilit na lang mabuhay pero suko na talaga.
"Natatawa ako sa henerasyong sukong lumalaban..."
Gaya nga nang sabi ng isa sa mga quotes ng dakilang Master, Ano Ka Ice? Actually tapusin natin 'yung quote...
"Natatawa ako sa henerasyong sukong lumalaban... Kahit na talo na talaga."
Natapos ko siya buong gabi at ang tragic ng kwento. Nakakainis kasi volume 1 lang siya at sobrang nabitin ako. Magang-maga ang mata ko dahil sa pagpapaiyak sa akin ni Master, Ano Ka Ice?
Kaya ito ako ngayon, nasa library at tina-try na mahanap ang libro ni Master, Ano ka Ice? Curious rin ako sa ibang libro na ginawa niya kaya nagbakasakali ako na meron dito.
Pero syempre wala.
Mukhang mapapagastos ako ah.
Dumaan ako sa bookstore at hinanap ang book nitong author.
Kaso... Wala.
"Uhm... Excuse me? Meron pa po ba kayong stocks ng libro from this author?" Ipinakita ko na lang kasi medyo weird kapag binanggit sa cashier.
"I'm sorry po pero napakabenta po kasi ng librong 'yan ngayon. Halos lahat ng libro ng author na 'yan is sold out." Ay oh?
"Ah sige. Salamat." Sabi ko at umalis na. Sa sobrang busy ko sa school hindi ko na alam ang mga nangyayari sa mundo.
Sikat pala 'to?
Fan na niya ako.
Infareness sa taste ng libro ni Aki slash Akemi ah? Hindi na masama. Ibabalik ko na 'to sa kaniya. Out of nowhere chineck ko ang last page ng libro na hawak ko.
Napansin ko ang isang napakacool na pirma.
"T-Teka? Huwag mong sabihing nameet niya na siya in person?" Napakaswerteee. Napansin ko din kung gaano kabago 'tong libro at mukhang ingat na ingat.
Don't worry, Aki. Nasa mabuti siyang kamay at ibabalik ko na naman siya ngayon.
Dumeretso ako sa Wcdonalds at nagbabakasakali na makita si Aki pero bago ang lahat ayusin ko muna 'tong bangs ko kasi ang hangin talaga sa labas.
"Aki, gusto kita." Pagkapasok na pagkapasok ko sa women's cr ay 'yan agad ang narinig ko.
Confession?
BINABASA MO ANG
Die In Peace
RomanceA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...