...
55th day of 7 months...
School Festival
"Wooow." Bulalas ko ng makita ang Comicafé booth ng mga grade 12 students from ABM. Lumapit naman agad sa akin ang mga juniors.
"Hello po." Bati sa akin ni Zane, ang cute na president ng ABM class na may weird na bilog na salamin.
"All the hardships are worth it." Then I gave them a thumbs up. Hinihintay ko na lang sila Genesis at Brent. Ang dakilang laging late sa mga ganitong klase ng sitwasyon.
Pero 30 minutes na ang nakalipas at natapos ko na ang isang book dito sa Comicafé ay wala pa sila.
Pero infareness sa mga batang 'to ang dami nilang customers. Buti na lang talaga. Nakatulong kami kahit papaano.
Dahil sa bored na ako at ayoko pa namang pumunta sa mga booths nitong festival tsaka pinagbantaan din ako ni Genesis...
"Ihahampas ko sa'yo si Valix kapag hindi mo kami hinintay."
He is talking about the book in accounting which is ang author is si Valix. Oo. Ganan biruan namin sa accounting.
Ayun.
Pumunta muna ako sa library.
Walang tao.
Hindi na naman nakakapagtaka 'yun kasi nga school festival naman at halos lahat ng department is sarado.
Hindi ko lang sure kung bakit bukas 'tong library kaya okay na din.
Dumeretso ako sa fiction section na makikita sa dulo. Favorite part ko ng library dahil sa may malambot na couch sa may tapat ng bintanang salamin na nahaharangan ng shade ng puno. Gustong gusto ko ang ambience sa lugar na 'yun lalo na sa mga fictional books.
Pagkadating ko sa pinakadulong part ay natigilan ako sa nakita ko.
Sa ilalim ng lilong ng malaking puno sa tapat ng malaking salamin ay mahimbing na natutulog ang isang napakagwapong babae habang nakapatong ang isang libro sa dibdib niya sa paborito kong spot nitong library.
Si Aki.
Ito na naman ang init sa pakiramdam kapag nakikita siya.
She's wearing a matching brown trousers and polo matched with a white shirt. Na bagay na bagay sa high cut konverse niyang itim.
Ilang beses kitang iniwasan...
Ilang beses akong nagpakabusy para lang hindi ka maisip pero...
Ito ka na naman.
Bigla ka na naman susulpot sa isang pinakamagandang eksena.
Ibinaba ko ang mga librong hawak ko nang dahan-dahan.
Ang himbing ng tulog niya.
Hindi ko na din namalayan na napaupo na ako sa sarili kong mga binti para lang mapagmasdan ang pagtulog niya.
Napakaganda mo.
Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan kaya biglang gumalaw ang mga sanga ng puno na nagbibigay lilim sa pagtulog niya. Napakunot ang noo ni Aki dahil sa nasilaw siya ng sandaling sinag ng araw.
Napangiti ako sa nakita ko.
Mula sa buhok niyang itim, mula sa tamang kapal ng kilay, mula sa napakaganda niyang mata, mula sa mahaba niyang pilik mata, sa matangos niyang ilong at sa...
Labi niya.
Nakuha ng atensyon ko ang librong nakapatong sa dibdib niya na hinahawakan ng kanan niyang kamay. Nakatulog siguro siya habang nagbabasa.

BINABASA MO ANG
Die In Peace
RomanceA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...