Chapter I: Forced One-sided Attachment

8 3 0
                                    

Akemi Casterano'

"Anak, anong nangyari diyan sa pisngi mo?" Tanong sa akin ni tay Kardo. Kardo tawag ko kay Matt Joaquin kasi 'yan ang una niyang pagpapakilala sa akin.

Kardo daw pangalan niya. -_-

"Kagabi hehe..." Napakamot pa ako sa batok ko. "Hindi ko nakita may poste pala, tay." Then I pouted.

MJ and his girlfriend just chuckled. "Then tumama mukha mo sa poste. Grabe nang katangahan 'yan, 'nak." Tapos binatukan siya ni Hammie. Pfft. What a day to start?

"Anong sabi ni Lexi?" Bigla akong natigilan nang banggitin niya ang pangalan ni Lexidale. I just smiled at nay Hammie.

"Tinawanan niya lang ako." Then they also laugh. Hindi naman siya masakit. 'Yung nasa dibdib ko talaga ang masakit.

"Wakiii." Tawag ni nay Ham.

"What happened to our baby's face?" Tanong ni Waki pagdating na pagdating at chineck ang mukha ko. Ako kasi ang pinakabata sa grupo kaya ayun. Binebaby nila ako. "Sinapak ka ba ni Lexi kagabi?"

T_T

Ang sakit.

"Nasaan na ba si Ray, Waki?" Tanong ko at pagiiba na rin ng topic. That's Waverly Kiara's boyfriend.

"Ahhh. Maya-maya nandito na siya. Oo nga pala..." Waki suddenly said. "Bakit ba kasi ayaw mong mamili sa mga nagkakagusto sa 'yo. Like wala ka man lang bang nagugustuhan? Any chance din para sa iba?" I just sighed at Waki's question. Mukhang napansin niya din na ako lang ang single sa aming magkakasama.

"Hays. I just still don't know what love is kaya hindi ko pinapasok." Buntong hininga na sabi ko. Tinignan ko sila at mukhang naguluhan sila sa sinabi ko. "What?"

"Anak, kaya nga you should try being in a relationship para malaman mooo... diba, baby?" Tanong niya kay nay Ham.

"Anak, alam kong mataas standards mo, but babaan mo ng konti. Para kahit papaano meron." Nay Hammie said.

I just scoffed.

If 'kahit papaano' lang ang love, then I don't want it.

But...

Hindi ko pa nga napapasok ang isang relationship...

May nasaktan na agad ako.

I just don't believe in... that thing.

Totoong gusto ko si Lexi.

Pero hindi ko lang talaga kaya na magkaroon ng kami.

I still don't know if I do feel the love between us.

I still don't know.

Hindi ko din alam kung paano ko makakausap ulit si Lexidale. Gustong gusto kong kinakausap siya. Gustong gusto kong nakikita siya. Gustong gusto kong kasama siya.

Ilang beses ko na bang nasabi na gusto ko siya?

"Tara na. Ayan na si Ray." Aya ko nang makita si Ray, the always late sa gala.

"Uhm, Aki?" Lumingon ako sa kanila. Biglang may maliit na babae ang sumulpot.

Napabuntong hininga na naman ako. I just know that this is an...

Another...

Confession.

"Please go out with me." Nahihiyang sabi niya.

Wala akong naramdaman.

"Uhmm. Sorry. Hindi talaga ako interesado pagdating sa dating." Sabi ko na lang at umalis na sa harap niya.

Die In PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon