"Aki, nasaan na nga pala 'yung gagamitin natin para sa report?" Tanong sa akin ni Kazper sabay taas ng salamin niya.
"Huwag kang mag-alala multo. Magkakaroon tayo ng presentation bukas." Tapos ngumiti ako ng nakakaloko. "Psh. Ikaw nga 'yung mukhang matalino sa ating dalawa tapos ako pagagawin mo ng report natin?" Dahil na rin siguro sa salamin niya. Hahaha. Trip ko lang pero mukha kasi siyang nag-aaral ng mabuti.
"Sira ulo ka talaga. Feeling ko gagawin mo na naman 'yung report habang nagsisimula nang magreport 'yung iba."
"Hihi." Nginitian ko siya ng malaki na halos mawala na ang mata ko.
"Hihi mo mukha mo." Sabi na lang ni Kazper. Pauwi na kami ngayon at medyo naeexcite ako kasi pupunta ako kay Lexidale.
1st year college na nga pala ako, Multimedia Arts, Akemi Casterano, 20 years old, dapat talaga 3rd year na kaso may mga naging problema kaya ayun 1st year pa lang ako.
3rd year na si Lexidale Vensarte, Accountancy. 20 years old. Kaya palagi siyang busy kasi sobrang madugo 'yung course na kinuha niya. Like wala na din siyang time na makagala dahil sa sobrang tutok sa pagaaral na ginagawa niya. Kapag may free time naman, itinutulog niya na lang.
Ito nga palang kasama ko ay si multo, joke Kazper Marasigan, 18 years old. Kaklase ko, pinakaclose ko since nagtransfer ako sa school nila. Madali lang naman ako kaibiganin pero... Siya na din ang napapansin kong palagi kong kasama.
"Hello po, tita." Bati ko sa mama ni Lexidale at mukhang nagluluto siya.
"Hello, Aki." Bati niya. "Nasa taas si Lexi, puntahan mo na lang." Yun talaga ang gagawin ko, tita. Hehe. Gustong gusto ko na siyang makita. Since nung birthday party, which is 2 weeks from now ko pa siya huling nakita dahil sa naging busy sa exams. Ang alam ko is free siya ngayon kaya ginrab ko na din ang opportunity para makita siya.
*knocks
Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumungad sa akin ang cute na nagt-toothbrush na nakapony sprout style.
Mukha din siyang pagod pero cute pa din.
Maganda pa din.
"Hi, Lexidale." Bati ko sa kaniya with my smiling eyes. Naeexcite ako na makita siya. She just waved at me and I can see the shyness in her eyes. Naalala niya din siguro 'yung ginawa niya sa akin sa party.
It was my first kiss.
Pumasok na ako at hinintay na lang siya na matapos sa pagttoothbrush. Napansin ko din na ang daming yellow papers na nakakalat sa sahig.
Mukhang nakailang ulit siya sa journals niya.
Naglinis na din ako ng konti just to help my princess.
*back hug
Itatapon ko na sana ang huling piraso ng basura sa basurahan kaso naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likuran.
She also started rubbing her forehead at my back.
My heart can't take it.
Mukhang nagchacharge lang siya kaya hinayaan ko na lang. I also like it. Syempre. Kailangan ko pa bang iexplain na ang babaeng gusto mo ay niyayakap ka sa likuran? Kikiligin ka malamang.
"Tired?" I asked calmly. Hindi siya sumagot kaya tinry kong tignan siya. "Do you want to lie down?" Tanong ko. Naramdaman kong tumango siya. Haharap na sana ako kaso hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap. "Let's stay like this for a while." Huminahon ang kalamnan ko dahil sa narinig. After a few minutes ay unti-unti niyang inialis ang pagkakayap sa akin. Lumingon ako sa kaniya at kita ko ang hiya sa pagyuko ng ulo niya. Ginulo ko ang buhok niya at tinignan niya ako ng masama.
BINABASA MO ANG
Die In Peace
RomanceA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...