Lexidale Vensarte'
"Lexi." Tawag sa akin ni Fritz. Nandito kami sa accounting lab. "Hindi ba close kayo ni Akemi?" Tanong niya.
Yes but...
The closeness between us is kinda...
Hurt.
Alam ba ni Akemi na masyado siyang sikat sa school na 'to? Kakatransfer niya pa lang pero ang dami na niyang admirers at mas lalo akong naffrustrate dahil doon. T_T
I just nodded. "Why? Don't tell me may ipapakilala kang magcoconfess?" Pabiro kong tanong. Wala ng bago. Hindi na rin naman ako magugulat.
"Baliw. HAHAHA." Bakit ba kasi napakacharming niya? "Alam kong she's handsome but no."
Napakagentle, friendly at sobrang pure na taong nakilala ko.
I just also want to say na lagi siyang may pinapakilalang bagong kaibigan, lalaki man o babae. Malalaman ko na lang maggagala siya with her new friends.
Huh? Nilingon ko si Fritz. Seryoso ba siya? Bago 'yun ah. Seryoso ba siyang hindi confession ang gusto nilang gawin sa kaniya? "May talent kasi na hinahanap yung director ng school. Isa si Aki sa candidate kaya ayun pero feeling ko siya din naman mapipili." Tinignan ko lang siya ng may pagkalito. "Magkakaroon ng extra casting kasi alam mo yung 'There will be no chance.' na bagong teleserye? Ack. Magsh-shooting sila dito sa school. Wieee." At nagtatatalon na siya sa harapan ko. "Makikita ko si Manila. Kinikilig ako." Irit ni Fritz.
Ahhh. 'Yun bang bagong teleserye na nagboom?
Anong klaseng acting naman ang magagawa ni Aki dun? Natatawa akong isipin kasi hindi naman siya marunong umacting. Napakahonest niyang tao at alam kong matatawa lang siya sa mga ganung klase ng eksena.
I don't even know if interesado siya sa romance.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko.
"Hi, Aki." Biglang nagpintig ang tenga ko nang marinig ang pangalan niya. Lumingon ako sa corridor at nandun nga siya. May mga kasama siyang lalaki at mukhang nagbibiruan sila.
Lahat ng gusto mo pwede mong gawin sa akin.
Medyo napapaisip ako kasi ang dami kong gustong gawin sa kaniya. Pinipigilan ko lang din ang sarili ko.
Ano bang nasa isip mo, Akemi Casterano?
Teka?
Wala ba siyang klase?
Hanggang sa matapos ang nakakabangag na klase sa accounting at nagsiuwian na kami.
Habang pababa sa ground ay napansin kong napakaraming tao ang nagkukumpulan. Napapansin ko din ang mga sasakyan, mga nakasetup na tents, mga napakalaking wire sa sahig at...
Mukhang ito na yung sinsabi ni Fritz kanina.
"Ang gwapo ni Manila." Rinig kong sabi ng mga kababaihan dito.
'There will be no chance.' huh?
Nakuha ng mata ko ang Manila na pinagkakaguluhan nila. Matangkad, kutis babae pero hmm gwapo.
"Omg. Nakatingin si Manila dito." Rinig kong sabi ng katabi kong babae.
At mapapansin na mukha siyang mabait sa mga mata niya.
Bigla siyang ngumiti nang magtama ang mga mata namin.
"Nakita mo? Nginitian niya akooo. *nahimatay"
"Wuy, Stacey! Wait! Medic! May nahimatay dito!"
Hays.
Nasaan na ba si Brooke? Sabi niya kasi sabay kami uuwi. Habang naghahanap sa bestfriend ko ay biglang may lumapit sa aking nakazombie mask at hoodie na green na may design pang mata ng palaka.

BINABASA MO ANG
Die In Peace
RomanceA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...