Nandito ako sa harapan ng Wcdonald's.
10:00 na ng gabi at hinihintay ko si Akemi.
"Wuyy, Lexi." Napalingon ako sa isang lalaking nakauniform. Naka on duty pa si MJ. "Hinahanap mo 'yung anak ko?" Nakakatuwa din talaga 'tong si MJ. Tinuturing niyang anak si Akemi kahit na, magkasing edad lang sila. Pareho sila ng girlfriend niya, si Hammie. Anak din ang tawag ni Ham kay Akemi. Once nga narinig kong sabi ng magcouple na, 'Si Akemi lang ang anak namin.' Like ang sweet nila sa kaniya.
"Yes. Palabas na ba siya?" Tanong ko.
Alam ko naman na marereject ako.
"Alam ko nagbibihis na siya. Sige, tawag na ako ng intrimitidang punggok na manager namin." I just chuckled. Gigil na gigil sila sa manager in charge. Mukhang kanina pa sila pinagdidiskitahan.
After a few minutes is nakita ko na siya. Kasama niya si Waverly Kiara. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ginawa ni Akemi na pagalalay kay Waki noong muntikan na siyang mabangga sa isang customer.
The hell.
Sinong hindi magkakagusto sa kaniya?
She's so gentle.
Hanggang sa magtama ang mata namin. Kinakabahan ako. Pero... Bahala na. Patakbo siyang lumapit sa akin with those smiling eyes. "Kanina ka pa?" Tanong niya.
"Nope. Kararating ko lang din." Isang oras na akong nandito sa labas at namumula na ang tenga at pisngi ko sa lamig.
"Hi, Lexiii." Bati sa akin ni Waki. "Aki, buti na lang at may kasabay ka na. Medyo bothered na din kasi ako sa stalker mo." Sabi niya kay Akemi.
Tinignan ko si Akemi at mukhang hindi nga siya komportable. Lagi na lang siyang may stalker. "Kaya nga. Buti na lang talaga nandito ka, Lexidale." And she tapped my head. "Tara na." Nagpaalam na kami kay Waki at nagsimula nang maglakad papalayo sa workplace niya.
"Kumain ka na?" Tanong niya agad sa akin.
I nodded. "I'm pretty sure ikaw hindi pa." Then she chuckled. Masyado talaga siyang mabait. Inalalayan niya ako sa tabi ng kalsada upang mailipat kung saan malayo ako sa mga sasakyan.
Ito na naman 'tong puso ko...
Nababaliw na naman.
Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makatawid kami. Hinawakan niya ang pulso ko para lang masigurado na nakasunod ako sa kaniya.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero kinakabahan talaga ako.
"Kakain ba tayo or uuwi na?" Tanong niya. Kahit na gutom na siya, masyado pa rin siyang considerate pagdating sa akin.
"Gusto kita."
Out of nowhere...
Sa pangit na timing...
Bigla ko na lang nasabi.
Oo.
Ang tanga ko.
Sorry.
Kinakabahan ako at alam kong lalong namula ang pisngi ko.
Nakaharap lang ako sa kaniya. Alam kong natameme siya sa sinabi ko. Alam kong naguguluhan siya pero bahala na.
Bahala na talaga.
"G-gusto ko lang sabihin." Ano bang nangyayari sa akin? Pero ito na nga. "Gusto kita, Akemi."
Ramdam na ramdam ko ang mainit na dugong dumadaloy sa pisngi ko. Kasabay ng mabilis na lagabog ng dibdib ko. Hindi na rin ako makahinga at gusto kong umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/299379834-288-k55771.jpg)
BINABASA MO ANG
Die In Peace
RomansaA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...