Lexidale Vensarte'
*hard breathing
Nakakarinig ako ng mabigat na paghinga mula sa tabi ko at naririnig ko na lalo itong bumibigat na naging dahilan para imulat ko ang aking mga mata.
Madilim ang kwarto pero kitang kita ko si Akemi na hindi makahinga ng maayos na tila siya'y binabangungot.
Another nightmare.
Naulit na naman.
"Akemi." Gising ko sa kaniya. Umupo ako at hinawakan ang balikat niya at pilit siyang ginigising. Pinagpapawisan na din siya ng malala. "Akemi, wake up." Inalog ko na siya at mukhang hindi pa rin siya makawala sa pagkabangungot. "Akemi, you are having a bad dream. Please wake up." Natataranta na rin ako pero bago ako sumigaw ng tulong kay mama ay nagising na siya.
*heavy hard breathing
Tumingin siya sa paligid at mukhang hindi pa niya malaman kung nasa panaginip ba siya o hindi. "Ayos ka lang ba?" Nagaalala kong tanong. Tinignan niya ako at napansin kong kumalma naman siya. "Wait, I'll get you water." Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. Naghahabol pa din siya ng paghinga and I can see that she's thirsty dahil sa kitang kita ko ang tuyo niyang paglunok.
This is also the reason why I am always wanting her to sleep over.
Hindi ko alam kung sino ang gumigising sa kaniya sa ganitong sitwasyon.
Halos lahat ng pagtulog niya dito sa bahay ay lagi siyang binabangungot at alam kong nangyayari din 'yun sa kanila.
"I promise you, I'll be back." Then caress her hair. Pero hindi pa rin siya bumibitaw. Ramdam kong natatakot pa din siya dahil sa sudden tremble na naramdaman ko galing sa pagkakahawak niya. Hindi ko alam pero naiiyak ako kapag nakikita siyang ganyan. Hanggang sa naramdaman kong dahan-dahan siyang umupo pero hawak pa din ako. Kitang kita ang panghihina ng katawan niya. Para siyang nalantang gulay.
"Sasama ako." And that thing also tells me na ayaw niyang maiwan mag-isa.
Medyo nasasaktan din ako sa part na kahit sa promise ko hindi siya naniniwala.
I nodded at inilagay ang buhok ko sa likuran ng tenga ko. Hinawakan ko ang kamay niya papuntang kusina at kahit sa paginom niya ng tubig ay hawak niya pa rin ang kamay ko.
"What's bothering you these days?" Tanong ko. I know I am asking too personal but as a friend and also a lover, I want to know.
I want to know all about her.
Bumitaw siya sa pagkakahawak at niyakap ako. Napaatras ako at halos nakasandal na sa sink sa ginawa niya.
She's avoiding the question.
This strong woman doesn't want me to know her weaknesses but here she is. Hugging me like an abandoned kid.
Napahawak ako sa buhok niya sa may batok and hinayaan na mapakalma siya. "Everything will be fine." I assured her. Naramdaman ko na lang na biglang humigpit ang pagkakayakap niya.
Gustong gusto kong malaman kung ano bang problema?
Sobrang saya niya kapag nakaharap na siya sa public na halos hindi malaman kung anong problema but in this kind of situation...
Alam kong ayaw niya din ipakita sa akin pero dahil sa sobrang bigat ay hindi niya na kinakaya.
Napapakita niya na lang out of her consciousness.
Tinignan ko ang orasan at 3:13 am na ng madaling araw.
Bumalik na kami ni Akemi sa kwarto at bumalik sa paghiga. She's holding my hand at pinipilit niyang maging okay.
BINABASA MO ANG
Die In Peace
RomanceA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...