Chapter V: Warmth

3 1 0
                                        

Lexidale Vensarte'

7 months earlier...

"Ate." Lumingon ako sa tawag ng isang bata. I thought na ako ang tinatawag niya but 'yung kasama niya pala. Nandito ako ngayon sa Wcdonalds at hinihintay sila Brent at Genesis. Inaasikaso pa kasi nila 'yung project ng mga grade 12 students from Accountancy and Business Management para sa darating na school festival. Isa ako sa mga mentor nila at sa amin din nakasalalay ang grades nila. For now, I am finding a good reference para sa booth stand using my laptop.

"Anong gusto mong kainin?" Rinig kong sabi ng ate niya na mukhang 12 years old at mukhang 7 naman ang kapatid niyang lalaki. Umupo sila sa tabing table kung saan malapit sa akin at nakikita pa ng pheripheral vision ko.

Hindi ako chismosa, okay?

Multitasker lang talaga ako.

What an excuse. Hahaha. Nahahawa na din ata ako kay Brent. Napakachismoso kasi ng lalaking 'yun.

I mean, kahit na may iba akong ginagawa. I am still aware sa paligid ko. Hindi naman ganun karami ang tao ngayon dito kaya nabibigyan ko ng focus 'yung batang nagsasalita.

I also found it cute na oorder sila ng kanila lang.

After ilang minuto ng paghahanap ay finally, nakahanap ako ng simple at budget na design para sa booth stand.

"Bakit hindi ka kumakain, ate?" Rinig kong sabi ng batang lalaki sa kabilang table.

"Busog si ate. Tsaka birthday mo. Binili ko talaga 'yan para sa'yo." Lumingon na ako sa kanilang dalawa.

Ngayon ko lang napansin ang sirang tsinelas ng batang lalaki pero tinalian para magamit pa din. Nakashort lang silang dalawa at mukhang napakanipis pa ng damit nila.

Hindi naman sila mukhang batang lansangan pero...

Makikita na hindi talaga nila kayang bumili sa ganitong klase ng restaurant. The girl is not eating at hinahayaan niya lang ang kapatid niya na kainin ang isang piraso ng chicken na mukhang kahit siya, never pa niyang natikman.

My heart can't help seeing them in that situation...

"Hindi po namin 'yan inorder." Tatayo na sana ako para umorder ng pagkain para sa dalawang batang 'to and join their celebration pero biglang dumating ang isang crew na may dalang isang bucket ng chicken, sundaes, fries at Wc'toys. "Pasensya na po." Out of my consciousness, nanonood na lang ako.

"Ay hindi po." Masayang sabi ng matangkad na babae sa bata. "Libre 'yan ni Wcdo para sa mababait na batang katulad niyo." Then she rubbed the boy's hair.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ng batang babae.

Lumuhod siya gamit ang isang tuhod at tinignan ang bata sa mga mata. "Regalo 'yan ni Wcdo sa birthday boy natin ngayon." Masaya niyang sabi.

Kitang-kita sa mata ng batang babae ang hiya. Mukhang pinangaralan siya ng parents niya na magingat sa pagtanggap ng kahit ano sa strangers.

"Ako nga pala si ate Aki." Pagpapakilala niya. "Anong pangalan mo, birthday boy?" Hindi ko alam pero nageenjoy ako sa nakikita ko.

It is warm.

"Kulas po."

"Kulas!" Bulalas nung Aki. Let's just call her by her name. "Ang pogi naman ni Kulas. Wait punasan natin 'yung sipon mo." At kumuha siya ng tissue at pinasinga ang bata. "Anong pangalan naman ni ate?" Tinignan niya 'yung ate ni Kulas.

"Ako po si Sam." Mukhang nahihiya pa rin si Sam sa mga pagkain kaya hindi niya ginagalaw.

"Aki." A sudden call from another crew. Lumapit siya kay Aki at mukhang nag-aalala siya.

Die In PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon