"Lexi." Bulong ko sa sarili ko. Ilang araw na din akong walang maayos na tulog dahil sa nangyari sa school festival.
Sana hindi na ulit kami magkita.
Buti na lang at isang buwan ang semestral break namin at I'll make sure na hindi ako pupunta ng Wcdonalds kahit na may favorite spot din ako dun to relax.
"What are you doing?"
Umiling ako. "Hoo, Lexidale. Tigil-tigilan mo ang kakaisip sa zombie na 'yun okay?" Naging zombie na ang tawag ko sa kaniya since school festival. Nakita ko kasi siya na naglalaro sa mga booths na may zombie mask at tumabi siya sa akin sa special event ng school. Dahil sa wala akong magawa dito sa kwarto ay naisipan kong maggrocery.
Nakasuot ako ng terno na gray hoodie at jogging pants. After nitong araw na 'to ay maraming pinlanong gala sila Brent at Genesis kaya I'll make sure to buy in advance para sa mga araw na 'yun. Lalong lalo na sa out of town trip na pinlano nilang dalawa.
"7,800 pesos po lahat." Naparami ata. Then I paid for them. Siguradong papagalitan na naman ako ni mama. Binox na nila 'yung mga binili ko at inilagay sa push cart.
"Oh, ineng." Masayang sabi ni tatay Noli, suki kong taxi driver.
"Hello po. Pakidala na lang po nitong grocery sa bahay." Pakiusap ko.
"Naku naku huwag kang mag-alala." At natawa pa si tatay. "Saan ka ba paraan?"
"Uhmm. Naisipan ko lang po dumaan sa bookstore kaya ipapauna ko na po 'tong mga groceries." Sabi ko. Napakasipag talaga ng taong 'to. After kong matulungan si tatay Noli na maisakay lahat ng mga pinamili ay nagpaalam na siya.
...
Dumeretso ako ng bookstore para mahanap ang isang libro. Oo.
d.i.p
Gustong gusto ko talaga ang libro na 'yun at halos nasa part na ako kung saan medyo mabigat ang eksena pero 'yun nga...
"What are you doing?"
Naaalala ko na naman. Napakunot na lang ang noo ko at napailing. Kakaiba yung tama sa akin nung zombie na 'yun. Sana pinatapos niya akong basahin, 'diba?
Pero gaya ulit ng pangyayari sa huli kong punta dito ay wala.
Oo wala na naman akong naabutan.
Awit.
Awit ng mataas.
O_O
Mula dito sa butas ng shelves ay nakita ko siya.
The zombie.
Nakasuot siya ng white blouse, black pants and a reading glasses na nakapagpataas ng attractiveness na meron siya.
*badump
Ito na naman.
Natatakot na naman ako.
Tumalikod na ako dahil sa taranta. B-Bakit nandito siya? "H-Hey." Hanggang sa mukhang nakita niya na ako. Napapikit na lang ako habang umiirit sa kaba sa loob ko.
Nag-iba ako ng section sa part nitong bookstore at nagpanggap na hindi siya narinig.
"Hey." Hanggang sa ang isang gwapong babae na nakareading white framed glasses ang lumitaw sa harap ko.
*badump badump badump
B-Bakit ba kasi ganito? 'Yung dibdib ko. Nagwawala. Takot lang 'to. Paniwalain natin ang sarili nating takot lang 'to.
I just bowed at her twice, lightly. Putek! Lexi! Bakit ka nagbow?
"Uhmm. Hi. Ako nga pala 'yung nasa library. Hehehe." Ang awkward. Anong sasabihin ko? Anong sasabihin kooo? "My name is Akemi Casterano." Pagpapakilala niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/299379834-288-k55771.jpg)
BINABASA MO ANG
Die In Peace
RomanceA melodramatic story of Akemi, a girl who doesn't know what love is and trying to find out her ideal death, suddenly, met a girl named Lexidale, who confessed her feelings. Because of Akemi's past, she just chose to be friends with Lexidale. But to...